Twenty Two - The Day before Valentines

15 3 2
                                    

P.S
Hindi ako makatulog kaya here's another update. Hihi

Sinong gusto magpadedicate??? Just comment lang po. ^^
--

Pagkatapos ng program sa school bandang 3pm ay nagpasama ako kay Agatha na bumili ng regalo para sa kambal. Buti nalang pinauwi na din kami ng maaga, hassle pag kinabukasan pa ako bibili eh.

Andito na kami ni Agatha sa loob ng SM at kanina pa paikot-ikot. Buti pinayagan naman ako ni Jed na mag-mall kasama si Agatha at hindi na siya nag-insist na sumama, may gagawin pa rin daw kasi sila para sa mini party/dinner bukas.

"Yung totoo Gabby pagod na ako." Reklamo ni Agatha at umupo sa isang bench malapit sa penshoppe.

"Ano ba ireregalo mo kay Jed? Ako meron na para sa kanila oh." Sabay taas niya ng paper bag na hawak niya.
"Nauna mo pang bilhan si Jude tas sa boyfriend mo wala pa? Hina mo rin.." Sinamaan ko siya ng tingin.

Eh .. ano nga bang ibibigay ko? Noong kami kasi ni Trey hindi kami nagbibigay ng regalo sa isa't - isa dahil pareho naman kaming hindi mahilig sa materyal na bagay kaya hindi ko maalam ang ireregalo sa lalaki.

AT HINDI AKO MAGALING MAGREGALO.

"Eh hindi ko alam eh. Nung kami naman ni Trey hindi kami nagbibigay ng regalo sa kahit anong okasyon, kumakain lang kami at nanunuod ng movie." Hays isa to sa kahinaan ko eh.

Tumayo si Agatha at pinaningkitan ako ng mata.

"Don't tell me, hindi mo alam ang mga gusto ni Jed?" Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

Ano nga bang alam ko tungkol sa kanya?

"Gabby, kahit anong galing sayo ma-aapreciate niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Gabby, kahit anong galing sayo ma-aapreciate niya. Mahal ka ng tao eh tsaka hindi rin naman tipo ni Jed ang mahilig sa bagay-bagay." Tumingin ako sa mga kamay kong kanina ko pa nilalaro.
Bakit bumigat yung pakiramdam ko?

"Tara na nga bumili nalang tayo ng bagong damit! Baka sakaling habang naghahanap tayo ay may maisipan ka ng regalo sa kanya!" Hinila ako ni Agatha sa isang sikat na shop.

Tanungin ko kaya si Jed kung anong gusto niya? Kaso noooo, di na yun surprise.

Kumuha ng ilang damit si Agatha at pumuntang fitting room para magsukat. Siya muna pinauna kong mamili dahil matagal yan siya. May time pa akong makapag-isip.

Dinial ko ang number ni Myco.

"Hello Mycolang?"

"Ano yun Bubblebee? Himala tumawag ka! Marunong ka palang gumamit ng call sa cellphone? Iba na bubblebee ko!"
Pang-aasar neto. Hindi kasi ako mahilig tumawag eh.

"Shut up or else sasabihin ko kay Agatha na crush mo siya, kasama ko pa naman siya ngayon at ang ganda-ganda niya."

"H-hoy! *ajajsjskdh* ano ba yun at napatawag ka?" I smirked. Pagdating talaga kay Agatha tumitiklop siya. Torpe rin eh.

She's my Tough GirlWhere stories live. Discover now