CHAPTER 2

709 106 19
                                    

Panibagong araw na naman. Tatlong araw na ang lumipas mula nong pumunta kami sa mall. Napaka manyak talaga nang lalaking yon.

Akalain ba namang niyakap ako patalikod. Ang lakas maka chansing. Nag iwan nang napakalaking question mark ang lahat ng pangyayari don sa fitting room.

Kaloka!


Flashback

"Young lady paano ko makikita kung nakapikit ako. Sige ikaw din baka kung saan pa mapadpad tong mga kamay ko. Malilikot pa naman ang mga 'to. Kahit nga ako nahihirapan din akong kontrolin ang mga 'to." tatawa-tawa nitong sabi.

Kainis naman oh. May tama din naman siya. Pero kasi.........naiinis ako sa isiping wala na akong ibang choice.

"Sige pumasok kana. Bilisan mo dahil nagugutom na ako" agad naman din siyang pumasok.

Magkaharap na kami ngayon kaya for sure kita niya na yong makikinis kong likod sa malaking salamin sa may likod ko.

Ayaw kong tignan ang mukha nito kahit papaano naman ay may kakahiyan pa ring natitira sa akin. And besides we have the opposite sex.

"Pwede naman na ako na lang ang kainin mo kung gutom kana talaga." bulong nito na di ko gaanong nadinig.

Parang bubuyog ang hilig bumulong. Nakakarindi na sa pandinig.

"Bakit ba bulong ka nang bulong hah? Ang hilig mong bumulong noh, di nga halata e." sarkastiko kong sabi. Nakangiti lang naman ito. Kaya medyo naiinis na ako.

"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na di na bumubulong ka diyan." mataray kong sabi. Pero ang loko nakangiti lang ng binalingan ko ito ng tingin.

"Wala po nagdadasal lang. Alangan namang sabihan pa kita o baka gusto mong isigaw ko pa para malaman mo." sarkastiko din nitong sabi. Ang loko talaga nang lalaking ito.
Nagdadasal raw, tsk asa namang maniniwala ako. Di ang tipo niya ang nagdadasal. Parang di nga to marunong magdasal. Ni kahit kailan nga siguro hindi ito nakapasok sa simbahan para magsimba.


"Alam niyo tumalikod na lang po kayo nang masara ko na po yong zipper ng dress niyo. Di puro satsat na lang kayo jan" sabi nito sabay lapit nang konti.

Kaya tumalikod na lang ako sa kaniya. Bat di ko kasi kayang isara mag-isa 'tong zipper nato di ko na sana kailangan ng tulong ngayon, sa body guard kong k*pal pa talaga hayst.


"Sh*t" malutong nitong mura nang mahawakan na yong zipper ng dress ko.

Anyari?

"Oh bakit?" taka kong tanong rito.

Nakakagulat naman ang taong 'to.

"Wala may nagagalit lang po." parang nahihirapang sabi nito. Kaya nagtaka ako lalo sa sinabi niya.

"Huh? Sino? Anong nagagalit? Pinagsasabi mo diyan." taka kong tanong. Natatakot na tuloy ako. Nakakakita ba siya ng multo. May multo ba rito kaya ganiyan siya. May third eye kaya siya?

Di na siya sumagot bagkos sinara na niya nang tuloyan yong zipper ng dress. Na parang hirap na hirap sa ginagawa. Na nginginig kasi ang mga kamay nito. Ano bang nangyayari sa kaniya.

"Finally natapos rin." nakahinga na ako ng medyo maluwag-luwag. Naiilang na rin kasi ako sa presensya niya. Kahit medyo natatakot pa rin ako.

"Hoy ano ba kasing nangya........" di ko na tapos yong sasabihin ko nang bigla niya na lang akong yakapin patalikod.

Gulat ko siyang tinignan sa kaharap naming salamin. Sa sarili naming repleksyon.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now