CHAPTER 12

328 68 7
                                    

Zaitel's POV

Nakahiga lang ako sa aking kama habang nag-i-scroll sa Instagram. Katatapos ko lang kumain nong mochi-mochi na 'yon na binili ni Acerdel sa kinainan namin na japanese restaurant. Naubos ko nga lahat grabe ang sarap sa susunod magpapabili ako non kay Vien o hindi kaya kay dad na lang hehehe.

Pati yong strawberry flavored mochi di ko napigilang hindi kainin feeling ko tuloy ni-traydor ko 'yong sarili ko sa pagkain non. Kahit na ganon hate ko pa rin ang kulay pink.


"Come and join us! Tonight at exactly 7:30pm the 'La Noche's Bar' is now opening. The owner decided to give a free unlimited drinks to everyone as a successful celebration. So get ready and start to step out your pair of shoes out from your house and step in to 'La Noche's Bar'. See you." basa ko sa isang post sa social media tinignan ko ang pesta at oras.

Ngayon na 'yon. Parang gusto kong pumunta. It looks so fun. Di pa ako nakakapunta sa mga bar o club kaya wala akong ideya kung ano talagang mga nangyayari sa loob niyon. Mga parties lang ang napuntahan na hine-held sa hotels, resorts, mansions, etc. but I never been in a bars. May idea naman ako sa mga clubs and bars pero gusto kong Makita kung anong meron sa loob at sinasadya ito nang nakararami.

Nag-iinoman lang ba talaga ang mga tao doon? Bakit sinasadya itong puntahan ng mga tao?

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko.

"7:20 na pala." wala sa sarili kong sabi.

Nabo-bored na ako rito sa loob nang bahay. Ilang araw na rin akong hindi na kakagala at nakapag-shopping.

Agad akong napatalon pababa sa kama ko at tumungong banyo para maligo. Pupunta ako sa 'La Noche's Bar'.

Paano naman si Acerdel? Paano kung mahuli niya ako at isumbong kay daddy? Siguradong isusumbong niya ako pag nagkataon.

Dapat ko ba siyang ayain o mag-isa lang akong pupunta sa bar? Mas mainam sigurong kung ako nalang mag-isa ang pumunta, dapat hindi niya ako mahuli. Dapat maging maingat ako sa ikikilos ko. Tama. Ayoko rin na may bumubuntot sa akin limitado lang galaw ko pagnagkataon na pumayag siya sa magiging alok ko.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Maingat bawat hakbang ko para di makagawa ng ano mang ingay. Tahimik na rin sa bandang sala.

Naka black fitted dress na 3 inches above the ang suot ko. Bitbit ko ang itim na stelleto ko para hindi maingay sa paglalakad ko. Nakasukbit rin ang maliit na sling bag na kulay itim ko sa kanang balikat ko.

Napatingin ako sa pader na may malaking orasan, 8:13 na. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas na ako nang bahay nang walang nakakapansin sa akin. Isinuot ko na ang aking 5 inches na itim na stelleto at muling naglakad papalabas nang gate.

Nilakad ko pa ang daan papuntang labasan nitong subdivision kasi pinagbabawal ang mga taxi na makapasok sa soloob nito. Di naman kasi kailangan ng mga taong naninirahan dito ng taxi kasi may kaniya-kaniya naman silang sasakyan. Well, all the people in here is a pure billionaires and millionaires.

Kaya no choice ako kundi mag-taxi na lang papuntang 'La Noche's Bar'.

Agad kong pinara ang taxi na nakita ko nang pagkalabas ko sa subdivision.

"Sa bagong bukas na bar manong, 'La Noche's Bar' ang pangalan." sabi ko sa driver nang makapasok ako sa backseat.

"Nandito na po tayo ma'am." nakangiti nitong anunsyo.

Binayaran ko na si manong at bumaba na nang taxi. Napatingin ako sa kaharap kong gusali na malakas kong naririnig ang tugtog mula sa loob. Binasa ko ang nakasulat sa taas no'n.......

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now