CHAPTER 33

233 39 0
                                    

Mabilis akong tumakbo papalabas ng kwarto niya at tumakbo patungo sa labas ng bahay.

Sakto rin nang pagkalabas ko sa gate ay may nakita akong taxi na nakaparada. Kahit na may pagtataka man kung bakit may nakapasok na taxi sa village namin ay nilapitan ko pa rin iyon at agad na binuksan ang pintoan para pumasok sa loob. Pinagbabawal kasi ang mga taxi na makapasok rito sa loob ng village namin kaya nakakapagtaka masyado.

Halong kaba at pagtataka ang naramdaman ko nang biglang umandar ang taxing sinasakyan ko kahit hindi ko pa sinasabi.

"Manong pasensya na po kung pumasok ako sa taxi niyo." Pagpapaumanhin ko habang nakayokong pinupunasan ang mga luha.

"Pakihinto na lang po sa may gilid." Dagdag ko pa bago napatingin sa unahan.

Napatingin ako sa nagmamaneho. Napahinto ako sa pag-iyak.

Umusbong ang aking kaba nang may nakikita akong dalawang lalaki na nakasuot ng itim na bonnet. Ang isa sakanila ay ang nagdadadrive habang 'yong isa naman ay may hawak na baril na nakatotok na pala sa akin.

"Mukhang naka-jackpot tayo ngayon pare." Sabi nong lalaking may hawak na baril.

"Ang swerte kamo. Pera na 'yong lumalapit sa atin." Sabi naman nong lalaking nagmamaneho at sabay silang napahalakhak.

"Ihinto niyo na po itong kotse pakiusap." Sabi ko. Pinilit kong magmukhang matapang kahit na abot langit na ang takot ko.

Baka kalabitin pa ng isang 'to ang gatilyo ng kaniyang baril siguradong tegik ako kaya chill na muna.

"Saan niyo ba kasi ako dadalhin." Sigaw ko sa kanila.

"Kidnap 'to miss." Sabi nong nagda-drive.

"Kidnap? Talaga lang manong huh, di kasi halata." Pangsasarkastiko ko. Malamang pangingid-nap 'to ano akala nila sa akin bobo at saka ang tanong ko ay saan nila ako dadalhin at hindi sa ano 'tong ginagawa nila sa akin. "Saan niyo ba talaga ako dadalhin?" Nauubosang pasensya kong tanong sa kanila ng hindi sila umimik.

Napatingin ako sa labas ng nakasaradong bintana medyo malayo na kami sa syudad. Mapuno na ang daang dinadaanan namin.

"Pasensya ka na miss gipit kami e. Huwag kang mag-alala di ka naman namin papatayin bagkus ay pasasayahin ka pa namin." Malanding sabi nong lalaking may hawak na baril at saka sila nagtawanan. Ang ingay nila.

Alam niya ba 'yong pinagsasabi niya? Like, ewww naman. Amoy limang taon nga sila na di naligo in short amoy imbornal.

"Tsk! Di ako pumapatol sa mga pangit at mabaho manong, hindi tayo talo, mga pangit." Sabi ko na sinabayan ko pa ng pag-irap.

"Ano sabi mo?" Galit na tanong nong mamang nakahawak ng baril.

Bumilog 'yong dalawa kong mga mata ng inilapit niya pa lalo sa akin 'yong baril na hawak hawak niya.

"Hoy pare ano 'yang ginagawa mo." Pagpipigil nong mamang nagda-drive sa kasamahan niyang gusto ng iputok 'yong baril niyang hawak sa akin. "Pera yan! Pera na nga gagawin mo pang bato. Nasisiraan ka ba ng ulo." Dagdag niya pa na ikinahinahon naman nong mamang may hawak na baril.

"Ikaw, maganda ka nga pero maldita naman. Walang lalaking kayang magtiis sayo." Sabi ni mamang may hawak na baril na ikinangisi ko. Para akong baliw, matatakot at tatahimik tapos makikipaghambogan din.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now