CHAPTER 40

338 30 0
                                    

Zaitel's POV


"Good morning." Gulat akong napaigtad ng makapasok ako sa kusina at si Acerdel na may masayang mukha kaagad ang bumungad sa akin.

"G-good morning din." May pag-aalinlangan kong sagot rito.

Nagtataka ko siyang pinagmasdan. Pinasingkit ko pa ang sarili kong mata kung imahinasyon ko lang ba ang mga ngiting iyon... but fortunately it was damn real. Mas lalo pang nagsalubong ang kilay ko kakaisip kung anong nangyayari kay Acerdel. Okay na ba siya? E, sa kagabi lang panay ang sigaw niya sa akin.

"Bakit nakatayo ka parin jan?" Kunot nuong tanong nito. "Halika na at kumain na tayo." Aya nito na ikinasingkit lalo ng dalawa kong mga mata. May nakain ba siyang panis?

Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang nakatayo pa rin sa entrada ng pinto.

Lumapit ito sa gawi ko ng hindi pa rin ako gumalaw sa aking kinatatayoan. Napaigtad pa ako ng hawakan niya ang magkabilang kamay ko at may kung anong kuryente ang dumaloy roon, at nang dahil din doon ay hindi na naman mapakali ang puso ko na panay na naman ang tibok ng mabilis. Do I need to set a schedule to consult a doctor? Parang may sakit na ata ang puso ko, e.

"Alam kong nagtataka ka sa ikinikilos ko ngayon. Gusto ko lang humingi ng sorry ulit and this is my way of saying sorry to you." Sabay imwenestra nito ang lamesa na puno ng mga iba't ibang pagkain at putahe, parang may fiesta nga e. "Gusto kong simulan ang panliligaw ko sayo..... officially at ngayong araw 'yon magsisimula." Sabi nito at pagkatapos ay iginiya ako nito palapit sa hapagkainan para magsimula nang kumain. Kita ko ang kislap sa kaniyang mga mata na ayaw pa ata niyang magpatalo sa sikat nang araw.

He was so dedicated of his own aim.

Napakurap-kurap ako nang lagyan niya ng madaming pagkain ang plato ko, like super dami talaga.


"Here's your milk." Sabay lapag ng isang basong gatas. Bahagya kong hinawakan ang aking dibdib kung saan banda ang puso ko. Nababaliw na naman. Mahina kong ipinilig ang ulo ko at mahinang napabuntong hininga para pakalmahin ang puso kong sumisigaw na sa sobrang lakas ng pagpintig niyon.

"Kumain ka na kasi may pupuntahan tayo mamaya." Wala sa sarili akong napatango.

Kahit puno ng katanongan ang isip ko ay nagawa ko pa ring kumain sa tahimik na pamamaraan.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ng may bigla akong naisip na itatanong kay Acerdel. Ibinaba ko ang kubyertong ginamit ko at uminom muna ako ng tubig bago nagsimulang magtanong.

"Acerdel" agaw pansin ko rito, "bakit kayo nagsinungaling sa akin?" Di mapipigilang tanong ko.

Napatigil ito sa pagkain saka nag-angat nang tingin sa akin na may pagtatakang pinagmasdan ako pero kalaunan ay naging kalmado rin ang mukha nito. Ibinaba din niya ang kaniyang kubyertos, uminom ng tubig at naupo nang maayos paharap sa akin.

"Akala ko nag-usap na ka............."

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin." Sansala ko sa sasabihin niya sana.

"What do you mean?" Nakakunot nuong tanong niya. Puno nang kagulohan ang kaniyang mga mata pati na rin ang kaniyang gwapong pagmumukha.

Tumikhim muna ako bago muling nagsalita.


"Your not just a simple government employees and your not just a plain bodyguard of mine.......... Why didn't you bother to tell me that you are a businessman, a successful businessman and a fucking billionaire." Does it's still important? Duh, of course yes.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now