CHAPTER 35

242 39 0
                                    

Zaitel's POV

"Okay na po. Maghintay lang po muna kayo dito kukunin ko lang ang reseta para sa sugat." May pagkamalanding sabi ng nurse. Nakay Acerdel lang naman ito nakatingin habang si Acerdel naman ay hindi pinapansin ang nurse at nakatitig lang sa akin. Inirapan ko na lang siya.

Nakaupo lang ako rito sa may sofa habang si Acerdel ay nakaupo sa hospital bed.


Ilang segundo pa ang binilang bago umalis 'yong malanding nurse.

"Bakit kailangan pa ng private room?" Mataray kong tanong na ikinibitbalikat lang ni Acerdel. Pinatatagal pa nong nurse. Pinasok pa talaga kami rito sa pribadong silid dito sa hospital. Atsaka pwede din naman na kami na lang din ang kukuha ng reseta bakit gagawin niya pa.

Napatingin ako sa pintoan ng bumukas iyon inaasahan ko na 'yong nurse ang papasok pero pumasok roon ang mga maiingay na kaibigan ni Acerdel. Tumawag kasi sila kanina kay Acerdel kaya alam nilang nandito kami sa hospital. Naningkit ang dalawa kong mga matang napatitig sa kasama nila na bago sa paningin ko, may kasama silang babae na may mukhang binudburan ng harina ang mukha sa kapal ng make-up.

"Hey"

"Okay lang ba ang lahat."

"Malayo sa bituka 'yan dre."

"Hi Ms. Zaitel."

Kaniya-kaniyang sabi nila nong maisara na ng tuloyan ang pintong pinasukan nila at saka lumapit sa amin.


"Oh My! Are you okay Acerdel?" Napangiwi ako sa lakas ng tili ng babaeng ito idagdag mo pa na parang naipit na palaka 'yong boses niya.


Kaagad itong lumapit kay Acerdel at niyakap ito. Naiilang naman na lumayo sa kaniya si Acerdel. Nakasuot din ito ng military uniform pero kakaiba rin ang kulay kila Fergal. Napatingin naman ang lahat sa akin maliban sa babaeng kayakap si Acerdel. Tinaasan ko na lang ng kilay si Acerdel habang nakacross arm sa ibabaw ng dibdib.

"Lalabas muna ako." Walang buhay  kong imporma sa kanilang lahat, akmang pipihitin ko na sana ang door knob ng marinig kong magsalita si Acerdel.

"Where are you going?" Tanong nito.

"Siya ba ang nurse na gumamot sayo?" Rinig kong tanong nong babae kaya humarap ako sa gawi nilang lahat.

"Sa labas nga diba. May labas bang nasa loob?" Pangsasarkastiko ko rito at muling itinaas ang kilay at tumingin sa babae na katabi na ngayon ni Acerdel ng upo.


"Wait, diba ikaw si Zaitel ang anak ni Zack Bernard Anderson?" Kapagkuway tanong nong babae bago ako pinasadahan ng tingin mula paa hanggang ulo at saka ngumiti ng kakaiba.


"Well your beautiful gaya ng naririnig ko but.... I'm more beautiful than you." Sabi nito at pekeng ngumiti sa akin at inirapan pa ako bago lumingkis kay Acerdel. Feel ko ngayong manampal.......... ay hindi pala feel ko na namang manapak ng mukha.

"Huwag mong asarin ang isang Zaitel kung ayaw mong umuwing may bangas sa mukha mo Windy." Seryosong sabi ni Fergal, mukhang ayaw niya rito sa babae kita naman kasi sa mukha nito. So Windy pala ang pangalan niya kaya pala mahangin.


"Nga pala Zaitel may lalaking naghihintay sayo sa labas. Sumabay siya kanina sa amin." Nakangiting sabi ni Fergal bago ako kinindatan.

"Sino naman?" Salubong ang kilay na tanong ko. I wonder who is that.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now