CHAPTER 34

229 38 0
                                    

This chapter is dedicated to Chasehell_Damon enjoy reading po.



Zaitel's POV

"Pwedeng kalagan mo muna ako bago mo ako titigan." Sabi ko ikinakurap niya ng paulit-ulit at saka sinimulan na niya ang pagkalag sa kamay at paa kong nakatali.

"Thank you." Hinging pasasalamat ko ng matapos niya na akong kalagan.

Tinulongan niya akong makatayo sa pagkakaupo ko at sinuri ang buo kong katawan.

"I'm fine. They didn't hurt me they just want money." I said na ikinatingin niya sa akin at muli na naman akong tinitigan sa mata

Nagulat ako ng bigla na lang niya akong yakapin ng mahigpit.
"I'm sorry." He said.

Sasagot na sana ako ng may biglang sumigaw na parang susugod sa amin at inatake kami ng kotyilyo kitangkita ko ito. Mabilis ang naging pangyayari at nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa dugoang braso ni Acerdel. Pero kahit na ganoon ay napatumba pa rin niya 'yong lalaki gamit ang isang kamay na kaagad naman itong nahimatay sa lakas ng pagkakasuntok ni Acerdel.

Ako naman ay hindi mapakali at hindi alam kung ano ang gagawin. Sa brasong may sugat niya lang ako nakatingin madami at wala pa ring tigil sa pag-agos ang dugo niyon, medyo may kalakihan at may kalaliman din ang sugat na nakuha niya.

"Acerdel" nabanggit ko na lang at mabilis na lumapit sa kaniya na may pag-alalang mukha.

Kaagad kong pinunit ang manipis kong t-shirt at sinimulang talian at takpan ang kaniyang sugat. Napatingin ako rito ng hindi man ito nag-reklamo at dumaing sa sakit.......and there I saw him staring at nonstop kaya umiwas na lang ako.

"Bakit hindi ka umilag?" Galit kong turan ng matapos ko na ng itali ang kaniyang sugat gamit ang telang pinunit ko sa t-shirt ko upang mapahinto lang ang patuloy na pagdudugo ng kaniyang sugat.


He take a deep breath and look at me.


"We're hugging. How could I notice when I am floating in a cloud of happiness." Inosenteng sabi nito na ikinainis ko sa kaniya.


"Paano kung baril 'yong pinulot niya at binaril tayo ng deretso edi tigok tayo ngayon." Sigaw ko sa kaniya. Hindi na naman gumagana 'yong utak niya.

"I know. I just miss you and all I want is to hug you, I'm worried. You can't blame me." Talagang ako pa ang sinisisi ng hinayopak na 'to.

Napatingin ako sa braso niyang may sugat tumagos na ang dugo niyon sa tela. Bumuga ako ng hangin at napatitig sa kaniyang magandang mata.

"Tignan mo nasaksak ka tuloy." Mahina kong sabi bago siya niyakap.

Nakakaloko mang isipin pero naaawa ako sa nangyari sa kaniya. Kasalanan ko naman ito e.

I felt he froze for a while at ng makabawi rin ay naramdaman ko na lang ang pagyakap nito pabalik gamit ang dalawa niyang mga braso di alintana na may sugat 'yong isa. I smiled for the unknown feeling inside me.

Ilang sandali pa ay kumalas na rin kami sa pagyayakapan na hindi ko man lang namalayan kung gaano na kami katagal na nakatayo habang magkayakap sa isa't isa at sakto rin na may narinig kaming siren, hudyat na may mga pulis na sa labas.

Iginiya na niya ako palabas. Makakalabas na sa sana kami ng tuloyan ng bigla na lang sumulpot at salubongin kami bigla ni Acerdel ng kaniyang mga kaibigan, kompleto silang lahat na may magkakaiba pa ring ekspresyon sa mga mukha nila, si Fergal na nakangiti, si Rrender nakabungisngis, si Reividan na nakangisi at si Kerr na seryoso lamang. Naka military uniform sila na mas lalong sumisigaw sa taglay nilang kagwapohan talagang bumagay ang suot nilang lahat. Ang astig nilang tignan. Hapit na hapit sa mga katawan nila. Napatingin naman ako kay Acerdel na simple lang ang damit nito t-shirt black at jeans at pinaresan niya iyon ng black leather na sapatos.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now