CHAPTER 49

283 25 16
                                    

Zaitel's POV



"Where are you going?" Tanong ni Acerdel ng makababa ako sa Salas.

"Sa labas magpapahangin lang." Sabi ko.

"Stay." Seryoso nitong sabi na ikinainis ko. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at saka hinawakan ako sa palapulsohan ko pagkatapos ay iginiya sana ako pabalik sa hagdanan. Malakas kong iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Ano na naman ba ang problema mo? Tatlong araw mo na akong kinukulong dito sa bahay at nababagot na ako. Araw-araw na lang ba tayong ganito, kinumpiska mo pa ang cellphone ko. Mamamatay ako sa pagkabagot at sa sobrang inis sayo." Sigaw ko sa kaniya.

Ewan ko kung ano na naman ba ang nangyayari kay Acerdel. Simula nong nag-usap-usap sila ng mga kaibigan niya nagka-ganito na siya. Ayaw niya na akong palabasin sa bahay kahit sinasabi ko namang magpapasama ako sa kaniya, ayaw niya pa rin. It's been three days since I step my pair of foot outside this fucking house. Kahit sa harap o sa garden lang ako pupunta pinagbabawal niya rin.

He is back from his weirdness again.

"Sundin mo na lang ang utos ko." Seryoso niyang sabi.

"Ayan ka na naman sa susundin ang utos mo. Napupuno na ako sa'yo. Nasasakal na ako." Singhal ko sa kaniya.

"I'm just........ " I cut him off directly.

"Your just, what? Tigilan mo na nga ako, pwede ba? Alalahanin mong bodyguard lang kita kaya wala kang karapatang pigilan ako sa mga gusto kong gawin. Kung makapag-utos ka gusto mong parati kang nasusunod. Sagad na sagad na ang pasensya ko sayo." Walang preno kong singhal sakaniya.


I saw how pain crossed his eyes. Unti-unting nag-sink in sa akin ang mga salitang binitawan ko.

Regret written on my face. I pressed tightly my lips together.

"I'm not doing this because I'm just your bodyguard. I am doing this because I am your man and it's my duty to protect you." He coldly said that send shivers into my spine. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Di ko itatangging kinilig ako sa 'your man' na sinabi niya. Ang sama ko na talaga minsan sa kaniya.

May kung ano itong dinukot mula sa bulsa nitong jogging pants na gray.

It's my cellphone.

"Here." Abot niya sa cellphone kong hawak niya. "But still, I won't allow you to go outside." Malamig niya pa ring pagkakasabi at kaagad itong umalis sa harapan ko at muling bumalik sa kinauupoan niyang sofa kanina.

Pinakatitigan ko lang ang bawat galaw niya sandali bago ko napag-desisyonang may pagsisising umakyat muli sa kwarto ko.

What did I do?

..........

Buong araw akong nanatili sa kwarto ko, hanggang sa maghapon at gumabi na lang. Nahihiya ako sa ginawa kong pagsigaw kanina kay Acerdel.

Napatingin ako sa pintoan ng may marinig akong may kumatok roon.

Hindi ako umimik, hindi rin ako gumalaw sa pagkakahiga sa kama ko. I was just staring at the door.

And I heard Acerdel's voice spoke.

"Your dinner is ready." Rinig kong sabi niya sa labas pagkatapos non ay wala na akong ibang narinig mula sa kaniya.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now