CHAPTER 48

208 23 8
                                    


Zaitel's POV



"Gusto mo ng ice cream?" Biglang tanong ni Acerdel na mukhang napansin rin na kanina pa akong nakatitig sa mamang nagbebenta ng ice cream. Medyo may kalayoan ang pwesto ni manong pero kitang-kita naman namin siya mula rito sa swing na kinauupoan namin dito sa loob ng Parke.


Naalala ko pa na dito ko unang nakilala noon si Darren, pinagtanggol niya ako doon sa mga batang lalaki na bully.

Nakangiti akong tumango bilang sagot.


"Dito ka lang bibilhan kita." Sabi niya pero kaagad ko siyang pinigilan.


"Huwag. Ako na lang ang bibili." Suhestiyon ko sabay tayo at walang sabi sabing naglundag-lundag na tumungo sa nagbebenta ng ice cream.

Nakangiti akong naglakad pabalik sa pwesto namin kanina habang may bitbit na dalawang ice cream, isa para sa akin at ang isa ay para kay Acerdel. Nahinto lang ako sa paglalakad ko ng mapansin kong may babaeng kausap si Acerdel, pareho silang nakatayo at magkaharap sa isa't isa.

I know this bitch.

"Hi Ms. Mahangin." Bati ko sa babaeng kaharap ni Acerdel ng makalapit ako sa pwesto nila. Ngumiti ako ng peke ng nakangiti rin itong pekeng humarap sa akin.

"So it's true na magkasama nga kayong dalawa." Nakataas kilay niyang sabi.

Humakbang ako palapit kay Acerdel.

"O tapos? Anong pakialam mo." Mataray ko ring sabi na ikinaawang ng malaking bibig niya.

Di ko muna siya pinagtuonan ng pansin at binalingan na muna ng tingin si Acerdel habang nakangiti.

"Here's your ice cream." I sweetly offered para pagselosin 'yong garapatang babae. Kaagad din namang tinanggap ni Acerdel ang ice cream.

"Amh, can I asked a favor honey." I said flirtily emphasizing the word 'honey'. Kahit naman si Acerdel ay naghulat sa itinawag ko sa kaniya lalo na ang garapatang babae ng biglaang pagtawag ko Kay Acerdel ng 'honey' pero kahit na ganoon nagawa pa rin akong tugonan ni 'honey'.


"Hmm, what is it?" He asked while licking the ice cream and then he smiled sweetly.


"May nakita kasi akong street foods don. Gusto ko sanang matikman, mukhang masarap kasi." Sabay turo don sa nagtitinda ng iba't ibang mga street foods na sadyang malayo naman ang distansya mula rito sa kinatatayoan namin.


"Okay, let's go?" Nakangiti niyang aya.

"Ikaw na lang ang bumili dito na lang ako maghihintay sa'yo." Nakangiti kong sabi. Pero mukhang hindi pa ata siya papayag base sa ipinapakita niyang ekspresyon sa kaniyang mukha.

Napatingin ito sa babaeng nasa likuran ko at kaagad ring napatingin ulit sa akin at bumuntong hininga.

"I can't leave you with her." Bulong niyang sabi.

"Kakausapin ko lang naman siya. Atsaka mas maldita kaya ako kaysa sa kaniya. Kaya ko ang sarili ko." Pangungumbinse ko rito.

"She's not worth with your words. Pabayaan mo na siya." Pangungulit niya habang nakanguso pa kaya di ko napigilian ang sarili kong nanggigigil na kurotin ang magkabilaan niyang pisngi.

Habang si Windy naman ay ilang ulit kong narinig na napa-tsked.

"Please............... honey." I said with a puppy eyes sabay halik sa kaniyang pisngi.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now