CHAPTER 14

306 63 7
                                    

Zaitel POV

"Bitawan niyo na ako sabi. Please let me go" pakiusap ko na tinawanan lang nilang lahat.

Walang tigil sa paglandas ang luha sa mga pisngi ko.

I'm strong outside but I'm easy to break in the inside. Am I really strong int the outside or I'm just pretending to be one?

Nagsimula na nila akong hinalahin papalayo sa tindahan. Nang may kotseng nakaagaw pansin sa aming lahat. Masyadong agaw pansin ang tunog nito at masyadong malakas ang pagpapatakbo sa naturang sasakyan. Akala ko liliko ito sa may bandang likoan sa unahan namin.

Pero nagpatuloy lang ito sa pagtakbo ang mas ikinabigla ko pa ay patungo ito sa kinaroroonan namin. Sa unang beses, sa ganitong sitwasyon ay nagkaroon ako ng pag-asa, feeling ko safe na ako. Safe nga ba talaga? Masyadong mabilis ang pagtakbo nang kotse siguradong patay kami pagnasagasaan kami nito.

Nakakasilaw ang ilaw na nanggagaling sa kotse kaya napilitan akong pumikit. Masakit sa mata ang ilaw nang kotse. Pipikit ako hindi dahil sa natatakot akong mabundol kondi kumikirot na rin yong mga mata ko sa pagod at dumagdag pa ang nakakasilaw na ilaw nito.

Ramdam ko ang pagkataranta sa takot nang mga lalaking lasing na humahawak sa akin pati na rin ang mga kasamahan nila na nasa likod lang namin. Natataranta na rin. Takot sigurong mamatay.

Malakas ang ugong nang kotse. Ramdam kong papalapit na ito sa gawi namin.

*Skretttchhhhh*
Tunog ng break nong sasakyan.

"P*ta papatayin niyo ba kami?" Galit galitang tanong nong lalaking may hawak sa kanang braso ko pero halata naman ang takot nito sa boese niya.

Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko para makita kung sino ang lumabas sa kotse ng marinig ko itong nagbukas, sara.

Isang metro na lang ang kotse sa akin. Oo sa akin medyo lumayo kasi yong mga lalaking lasing at nakatayo na silang lahat sa likod ko.

Nasisilawan pa rin ako sa ilaw nong kotse kaya di ko naaninag ang taong lumabas sa naturang kotse pero nasisiguro kong lalaki.

"Where the f*ck you think your going to take that gorgeous woman?" maangas na tanong nong lalaking lumabas sa kotse. Medyo pamilyar ako sa boses niya.

"Englishero pre"

"Sagutin niyo"

"Kayo ang sumagot pre"

"Ano daw?"

"Mga bobo. Saan daw tayo nag-inuman tatagay rin daw siya"

Legit! Natatawa ako sa mga lasinggerong ito. Masyadong nagsasayang ng katalinohan.

Muli akong napalingon sa kabilang pinto nong kotse nang muli akong makarinig nang pagbukas-sara nang pintuan.

Pinakipot ko pa yong dalawang pares ng mata ko. I'm trying to identify who's this two men standing infront of us. Nagsimula silang maglakad papalapit sa amin. Lakas maka entrada sa isang action movie, dinaig pa angas ni Cardo sa 'FPJ's Ang Probisyano'.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay ng makilala ko ito.

"Acerdel" bigkas ko sa pangalan nong lalaking huling lumabas sa kotse ng makilala ko ito.

"Hi Ms. Zaitel" napalingon ako sa isang lalaking kasama ni Acerdel malapad itong nakangiti sa akin. Napangiwi ako ng kindatan ako nito.

"Fergal?" Taka kong tawag rito.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now