CHAPTER 11

385 70 4
                                    

Zaitel POV

"Mag-ingat ka doon dad. Don't skip your meal. Kung napapagod ka mapahinga ka. Di mo kailangan na pagurin ang sarili mo." Paalala ko kay dad.


"Yes I will. You keep on telling me that since we leave at the mansion. Paano ko makakalimotan." sabi nito.



He has a business trip to Australia.

"I'm serious dad. You should take care of yourself." seryoso kong sabi.



"Okay, I will." parang napipilitan pa nitong sabi. Lumapit ito at niyakap ako sandali.


Hinarap niya naman si Acerdel na nasa gilid lang namin.

"I trust you. Take care of my daughter. I'll count on you." seryosong sabi ni dad kay Acerdel na tumango lang.



Seryoso lamang silang nagtitigan sa isa't-isa na parang nag-uusap sila sa pamamagitan nang kislap ng mga mata nila.



"Seriously dad. Ihahabilin mo ako sakaniya? Kaya ko ang sarili ko. I'm not a kid anymore." putol ko sa pagtitigan nila.

Ako na naman ang hinarap ni dad. Mahina itong natawa sa sinapi ko na para bang naglolokohan lang kami.


"Of course you are. Your still my princess. I know you very well." natatawa nitong sabi.

"Suntok ko pa nga lang tutumba na yan." hambog kong sabi nang maalala ko ang mga ginagawa kong suntok sa kaniya.

"If a man doesn't fight back it doesn't mean he's weak. You can judge people by their appearance but not thier character." seryoso ang mukha ni dad habang binibitawan ang mga salitang iyon.

Para bang sinasabi niya na kilala na niya si Acerdel. Na mapagka-katiwalaan at maasahan ang taong makakasama ko habang nasa malayo siya.


"I choose Acerdel because he's good among others. He's very good to be exact. Trust him how you trust me. He can protect you at any cost."

I'm sure bumuka na ang mga bituka ni Acerdel dahil sa papuri ni dad sa kaniya.

Lumapit si dad sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko. Sabay sabing..........

"That's why you should follow and obey him. I want you to stick with him. As long as he's with you, you are safe. At ikakapanatag ko iyon." dagdag niya.

"Sir the plain is ready." biglang sulpot nang isang lalaki. Tumango lang si dad bilang tugon. Nakatingin pa rin sa akin si dad.

"Makakaasa ba ako sayo, princess?" tanong nito napatango na lang ako kasi wala na akong masabi sa papuri ni dad kay Acerdel masyadong perpekto.

Marahas na napabuntong hininga si dad.

"Huwag na 'wag ko lang mababablitaan na sinuntok mo na naman si Acerdel. Hindi ibig sabihin na hindi ka sinasaktan nito pabalik, ay sasamantalahin mo naman." Nakangiti niyang sabi pero seryoso pa rin ang tono.

Inisang hakbang niya ang pagitan namin at mahigpit akong niyakap. Niyakap ko rin ito pabalik.

"Your bodyguard is a phenomenal man." makahulogang bulong ni dad bago humiwalay sa pagkakayakap sa akin.

"Mag-ingat kayo palagi. I have to go." Sabi nito.

"Bye dad!" sabi ko at muli itong niyakap sa huling pagkakataon. Ngumiti ito sa akin at kay Acerdel na bahagya niya pang ni-tap ang balikat. Pakaway-kaway na tinahak na niya ang daan patungo sa nag-aabang na private plain na sasakyan niya.


My Phenomenal BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon