CHAPTER 27

252 51 2
                                    

This chapter is dedicated to v33ches



Zaitel POV

"Manang Teni"

"Yaya Minda"

"Manang"

"Yaya......"

"Manang yoohooo!"

"Nasaan na kayo?"

"Manang naman, e."

"Manang Teni." Muli kong tawag kay manang Teni nang mapagdesisyonan ko ng bumaba ng hagdanan patungong kusina.

Kanina ko pa sila tinatawag pati na rin si Yaya Minda pero ni kahit na isa o sino sa kanila ay hindi manlang tumugon o nagpakita. At ni kahit ni isa sa mga katulong ay hindi ko man lang nahagilap.

Nakakapagtaka. Ang tahimik ng buong paligid, maging sa loob o labas ng bahay, nakakabingi sa sobrang katahimikan. Nasaan kaya silang lahat.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay ng maabutan ko si Acerdel na nagluluto sa kusina. Kaagad itong napalingon sa gawi ko ng maramdaman niya sigurong hindi siya nag-iisa dito sa loob.

Nakangiti itong lumingon sa akin na sinuklian ko rin ng ngiti sa mga labi.

"Good morning." Masayang bati nito. Parang good mood ata siya today.

"Good morning din." Balik kong bati rito at naupo sa isang upoan dito sa kusina.

Nakasuot ito ng itim na apron habang may hinahalo na kung ano sa kawali gamit ang hawak nitong panghalo. Lumapit ako sa isang upoan sa maliit na mesa at doon naupo na di naman kalayoan sa kitatayoan niya.

"Where's my good morning kiss honey?" May pilyong ngiting sabi nito saakin sabay inginuso pa ang kaniyang mga labi. Here comes his childish side again.

"Lapit ka rito at bibigyan ko 'yang nguso mo ng mapanakit na good morning suntok at sipa." Naiinis kong sabi sabay pakita ng kanan kong kamao na ikinangiwi niya naman.

"Don't be so harsh honey." Sabi pa nito sabay ngisi.

"Tigilan mo nga ako. Naiinis na ako sayo ke' agaaga ang landi mo." Naiinis kong sabi na ikinibitbalikat niya lang saka malapad na ngumiti.

"I'm just being sweet to my sweet honey." Parang bata niyang sabi na sinabayan pa ng pagnguso.

"Tsked! Hindi ka magandang pambungad. Tigilan mo nga 'yan kasi hindi bagay sa'yo, mas nakakainis ka lang tignan." Mataray kong asik rito na ikinabalik niya sa normal na ayos at ibinalik ang atensyon sa pagluluto.

"Siya nga pala. Bakit ikaw ang nagluluto? At, bakit wala akong nakikita ni kahit isang kasambahay? Nasaan sila manang Teni at si Yaya Minda?" Sunod sunod at may pagtataka kong tanong sa kaniya saka muling lumingonlingon sa bawat sulok at baka may makita ako na kahit isang kasambahay.

Napamaang naman ako kay Acerdel sa isinagot nito.

"I gave them all a vacation." Maligayang sabi nito. Gulat akong napatayo sa kinauupoan ko na muntikan pang ikatumba ng silya. Halos lumuwa ang dalawa kong mga mata sa kaniyang tinuran.

"Are you insane?" Halos pasigaw kong tanong rito na ikinawala ng kaniyang mga ngiti at nagtataka akong tinignan.

"No. I'm not." Inosente nitong sagot.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now