CHAPTER 18

288 62 3
                                    

"HAPPY birthday Zaitel pareho na tayong 15 years old, akalain mo yon. Tapos next month grade 9 na tayo haha."

"Oo nga e"

Isang buwan lang ang gap namin ni Darren kaya hindi namin malilimotan ang birthday ng bawat isa. April 1 siya habang ako ay May 1.

Ang bilis nang panahon pakiramdam ko tuloy minamadali masyado parang bang may byaheng hinahabol.

Habang tumatagal ay napapalapit na ang loob ko kay Darren. Palagi niya akong pino-protektahan at pinagtatanggol sa mga umaaway sa akin. Araw-araw rin kaming pumupunta sa gubat.
Halos araw-araw rin kaming magkasama.

Nakadipende na ako sa kaniya. Nasasanay na akong siya ang palagi kong kasama, siya ang unang taong tinatakbohan ko kapag may problema o wala man. Hanggang sa di ko namamalayang nahuhulog na ang loob ko sa kaniya sa bawat araw na nagdaan.

Ang bait niya sa akin. Maalaga at maalalahanin. Nine years ko na rin siyang nakakasama.

"Darren gusto kita" amin ko sa nararamdaman ko.

Napayuko ako nang lumingon ito sa gawi ko.

"Palagi mong tatandaan Zaitel na nandito lang ako para sayo para protektahan ka. Kapag kailangan mo man ako o hindi nandito lang parati sa tabi mo. Dadating ako para sagipin ka. Naiintindihan mo ba"

Sa pagkakataong ito ay hindi ko maintindihan ang ipinupunto niya. Hindi ko malaman kung pareho ba kami nang nararamdaman o hindi.

Pero hindi na importante kung hindi man niya ako gusto basta nasa tabi ko lang siya okay na ako.

Hindi man natupad ang inaasahan ko at least alam kong andiyan lang siya sa tabi ko parati.

"Uwuwi na tayo baka hinahanap ka na nang mommy mo"





"DAD what happen?" Tanong ko kay dad nang makarating na ako sa hospital.

May mga galos si dad sa katawan, maputik na kasuotan at umiiyak rin siya mas lalo akong nagtaka kung bakit di ko mahagilap si mommy.

"Dad where's mom?" I asked emotionally.

"Zaitel listen, y-your mom is d-dead. She's gone. Iniwan na niya tayo."

Sa mga panahong malungkot at naghihinagpis ako ay ni anino ni Darren ay hindi ko nakita. Hanggang sa mailibing si mommy ay hindi ko na siya nahagilap.

Siya pa naman ang unang tao na inaasahan ko na siyang dadamay sa akin pero hindi siya nagpakita.

Mahigit isang buwan ko na siyang hindi nakikita kaya napag desisyonan kong pumunta sa bahay nila.

"Nako hija mag-iisang buwang na nong umalis si sir Darren kasama ang daddy niya." Sabi nong kasambahay nila Darren na tinanongan ko.

"Saan daw po sila papunta?"

"Sa America na raw sila mamalagi kasi magko-kolehiyo na kasi si sir Darren. Doon na siya mag-aaral. Hindi ba siya nagpaalam sayo?"

"Hindi po e" malungkot kong sabi.

Umalis siyang hindi nagpaalam sa akin.
Umalis siya na wala akong ideya kung babalik pa ba siya. Kahit na sulat lang ay hindi siya nag-iwan. Ang hirap bang magpaalam. Ang daya niya.

Araw-araw kong binabalik-balikan ang bahay nila hanggang sa isang araw ay nalaman ko na lang na ipinagbibili na nila ang bahay na iyon kaya sa gupat na lang ako namalagi baka sakaling doon siya pupunta kung sakaling babalik man siya.

Lumipas ang mga buwan at taon ay hindi na ako umaasa pang babalik siya. Simula nong umalis siya ay natuto akong ipagtanggol ang kung anong meron ako. Natuto akong ipagtanggol ang sarili ko laban sa mga nang-aapi sa akin.

My Phenomenal BodyguardDove le storie prendono vita. Scoprilo ora