CHAPTER 1

301 10 0
                                    

CHAPTER 1


[SHAKIRA's POV]


Hola mga chismoso't chismosa! I'm shakira, pero hindi ako yung tipo ng babae na laging nagpapatira chawrrr. Iisa lang naman kase yung pina-pangarap kong gumawa sa akin no'n e, at 'yun si Crush ayieeeeeeee.

Pangalan niya ay Carter, o diba? Pangalan palang sarap ng hubaran chawrrr ulet!

Masaya kong kinuha ang cellphone sa bulsa ng aking bag at nagtipa ng mensahe sa isang tao.

Typing message:

'Nandito na ako, pray for me hehe'

Message sent!

Huhu. Sana lang talaga mapag tagumpayan ko ang misyon kong ito. Oo, tama kayo ng narinig. Itong gagawin ko ay isang misyon, ang magpabuntis sa aking crushhhh. Yieeeee kenekeleg eke!

Noong makita ko na si Carter na lumabas sa kaniyang kotse, ay mabilis ko itong nilapitan.

"Hi," bati ko sakaniya. Kunot noo naman siyang tumingin saakin at lumiwanag din ang kaniyang mukha noong makilala ako nito. Kung hindi n'yo naitatanong, matagal nakaming magkaibigan ni Carter, pero hindi niya lang alam palihim akong umi-ibig rito.

"Anong ginagawa mo rito Sha?" tanong niya at amoy na amoy ko naman sakaniya ang alak. Napangisi ako dahil do'n.

"Wala, bawal na bang pumunta dito sa condo mo?" nagma-maangan kong tanong. Nakangiting umiling naman siya sa akin at inaya niya 'kong pumasok sa condo niya.

Kinikilig naman ako noong naglalakad na kami. Shems ito na 'to! Wala ng atrasan! Pasimple kong kinuha ang medyo cheap ko na perfume sa aking bag at nagpusit no'n. Syempre dapat mabango ako 'no!

Noong tuluyan nakaming makapasok, ay pabagsak itong humiga sa kaniyang sofa. Napatingin naman ako sakaniya dahil parang may bukol doon sa ilalim niya. Emegeddd!

"Sorry Sha, lasing ako ngayon, kaya naman gawin mo nalang ang gusto mo, feel at home," wika niya sa akin at pinikit na nito ang kanyang mga mata.

Naalarma naman akong lumapit sakaniya. Shemmsss! Paano ba 'to?

Kunwari akong umubo-ubo dahilan para mapadilat ulit ito.

"B-bakit?" tanong niya.

Kahit na nanginginig, lumuhod ako sa kaniyang harapan at ginawa ko na ang mga dapat kong gawin. Noong una medyo nagulat siya, pero dahil lasing ito, sinamantala ko na. Take the opportunity bes!

At yoon na nga ang nangyari. Makalipas ang isang buwan ay nalaman kong buntis ako. Nagtatalon naman ako sa sobrang tuwa at masayang naghanda upang ipaalam ito kay Carter.

~π~

"ANO BUNTIS KA?!! SHA HINDI PWEDE 'TO!" naghi-hysterical na sigaw ni Carter sa harapan ko.

"Carter hindi ko naman pwedeng ipalaglag 'to! Kawawa naman yung bata!" sabi ko sakaniya.

Nagpalakad-lakad siya dito sa kaniyang sala at hindi malaman ang gagawin. Kinagat pa nito ang kaniyang kuko at magkasalubong ang mga kilay niyang linapitan ako.

"Sigurado kabang akin 'yan?" naninigurado niyang tanong.

Parang nasaktan naman ako sa sinabi niya kaya naman tumayo ako upang sampalin ito.

"Ang kapal ng mukha mo! Anong tingin mo sa akin kaladkarin?!" umiiyak kong usal sakaniya.

"Sha hindi ko alam, ikaw nga 'tong nagpaubaya sa akin diba?! Malay ko bang ganoon kang klase na babae?!" Aniya. Parang sinaksak naman ako sa puso.

"Satingin mo ganon akong babae?! Ganoon mo ba ako nakilala?!" umiiyak at galit kong sigaw rito.

Napasapo naman siya sa kaniyang noo at nag-a-alalang tumingin sa akin.

"Sha, alam mo namang may girlfriend na ako diba?" mahinahon na niyang tanong ngayon. Napatigil naman ako.

Oo, ako yung nag first move sakaniya dahil nga gusto ko siya. Pero hindi ibig sabihin no'n ay marumi na akong babae. I'm just doing this because I have my reasons!

Mabilis akong tumakbo palabas ng condo niya at sumakay ng taxi. Hindi ko alam ngayon kung makakabuti ba 'tong pagd-drama ko para sa bata.

Maya-maya pa biglang tumunog ang cellphone ko. Dahan-dahan kong kinuha iyon sa aking bag at nakitang si Nicole ang tumatawag.

Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba ito, pero sa bandang huli ay sinagot ko rin.

"N-nicole?" sagot ko sakaniya.

"Anong resulta? Positive ba?" masaya niyang tanong.

Nag-alinlangan naman ako kung sasabihin ko ba sakaniya yung totoo. Huminga ako ng malalim para mawala yung aking kaba.

"Y-yes," sambit ko.

Narinig ko naman siyang nagsi-sigaw sa kabilang linya. Malalaman mo talaga na sobra siyang natutuwa.

"Oh my god Sha! I'm so happy! Punta ka dito sa mansion bibigay ko yung paunang bayad," aniya. Hindi ko alam pero parang nasaktan ako. Namalayan ko nalang tuloy-tuloy na yung pagtulo ng mga luha ko.

Siya si Nicole, ang girlfriend or should I say fiancè ng taong mahal ko. Binarayan niya ako para magpa buntis kay Carter. Matagal na silang gustong magka-anak, at hindi nila alam kung sino ang may diperensya sa  kanilang dalawa.

Kaya naman, palihim akong kinausap ni Nicole at nagmaka-awa para gawin ang bagay na 'yon. Dala narin ng kagipitan sa buhay, at dala narin ng aking pagkagusto kay Carter, pumayag na ako.

Pero ngayon ko lang napagtanto ang aking ginawa.

Ang hirap pala ng pinasok ko.

BORROWED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon