CHAPTER 12

41 2 0
                                    


CHAPTER 12


[PATRICK's POV]



I WAS smiling the whole time. Well, pwera nalang siguro kanina. I do not know why, wala akong ibang pinagsasabihan about sa personal na buhay ko. Ngayon lang. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit magaan ang loob ko sa babaeng ito. Kahapon ko lang siya nakilala pero, it feels like we've known each other before.

I throughly watched her eating. She's so happy. Napailing ako at hindi mapagilan ang mapangiti.

"Hindi kaba kakain d'yan? Kanina kapa nakatingin sakin ah." she said. Natawa naman ako.

"Nakikita lang kita busog na ako," I jokingly said. Hindi nya naman ako pinansin at nagpatuloy lang ito sa pagkain.

Magkaiba sila ni Shanaya. Pero kung titignan, magkapareho sila pagdating sa pagkain. Ganyan din si Shanaya kapag ka nagustuhan nya ang mga nakahapag. I gleefully smile. Somehow, she reminds me of her.

Nagpaalam muna ako kay Sha noong may tumatawag. It was Carter. I let out a deep sigh before I accept his call.

"What the fuck Patrick!!! Where the hell are you and Shakira?!" sigaw nito sa kabilang linya. Napangiti naman ako ng tipid.

"Bro chill okay?" tumatawa kong sabi.

"No! I was responsible for her. Magagalit ang daddy niya kapag may nangyaring masama sakanya!"

"Walang mangyayari sa kanya dahil kasama niya naman ako."

"How do you be so sure huh?! Ibalik mo na siya ngayon whether you like it or not!" napailing nalang ako. Something is not right. Masyado siyang corcern rito. Masyadong kakaiba.

"Okay," sabi ko nalang para matapos na.

Bumalik ako sa kung sa'n ko iniwan kanina si Sha. Mukhang tapos na itong kumain. Nakangiti akong lumapit sakanya.

"Lets go?" sabi ko. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

"Huh? Saan? Uuwi na ba tayo?" aniya. Sa nakikita ko rito mukhang nag-eenjoy pa siya.

"Carter called me, mukhang galit ito at pinababalik na tayo," I silently watch her reaction, she look like shocked.

"H-ha, n-no. Dito muna tayo, nag-eenjoy pa ako e. Hayaan mo siya." nauutal niyang sagot. Napatango nalang ako.

Nag decide kaming maglakad ulit sa tabi ng dagat. Hindi naman ganon kainit dahil mukhang makulimlim ngayon ang panahon. Tinignan ko si Sha, biglang tumahimik ito magmula nung binanggit ko si Carter.

"Pwedeng magtanong?" mayamaya pa'y usal nito. Mabilis naman akong sumagot.

"Uhmmm, what's that?"

"Bakit nagt-trabaho ka sa company nina Carter, e mukhang mayaman kanaman." I looked straight in her eyes. Umiwas naman ito ng tingin sakin at mukhang nailang.

"Shareholders ang pamilya ko sa company nila at ako yung in-assigned para dito." paliwanag ko. Tumango naman siya at muling tumingin sa akin.

"Ahh, gaano mo na katagal kakilala si Carter?" muli niyang tanong. Medyo napakunot naman ang noo ko dahil do'n.

"Simula pa nung nag-aaral kami. Pero we're not that totally close before. Nito lang nung makatrabaho ko na siya 2 years ago." paliwanag ko. Mabilis siyang tumango-tango.

"Ako naman ang magtatanong pwede?" sabi ko. Lumingon naman siya sakin at parang nagulat.

"S-sige lang," ngumiti ako sakanya.

"Bakit todo concern sayo si Carter? Totoo ba kayong mag pinsan?" She stopped at ganon rin ako. The way she react, i can say na parang may mali nga sakanila.

BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now