CHAPTER 14

41 3 0
                                    


CHAPTER 14


[SHA's POV]




SINABI ko kila Chinnie na maghintay nalang sila sa labas ng ospital. Binigyan ko sila ng limang daan para kumain muna. Hindi ko na sila isinama dito sa loob dahil nahihiya akong malaman nila na buntis ako. Baka magtanong pa sila kung sinong ama. Allergy ang sinabi kong rason kaya ako nandito.

"Ayos lang po ba ang bata?" tanong ko sa nurse na nagaassist sakin.

Tinignan niya naman ako at ngumiti.

"So far, hindi na ganon katulad nung una. Um-okay ang kapit nang bata dahil sa mga iniinom mong vitamins." paliwanag niya.

Nagpasalamat naman ako sa kanya.

Pagkatapos ng check-up ay binigyan ulit nila ako ng reseta. Mga panibagong vitamins daw na iinumin ko.

Pagkalabas, lininga ko ang aking paningin sa buong paligid. Hinahanap sina Chinnie kung sa'n sila kumain. Nagdesisyon akong pumasok na muna ng sasakyan dahil mainit na dito sa labas. Pero nagulat ako nung pagkabukas ko ng pinto ay silang dalawa ang nadatnan ko. Eh?

"Mam!" sabay nilang sabi.

Napangiwi naman ako. Hindi ba sila marunong maglock? Kanina lang halos magbangayan sila ah, pero ngayon...

"Babalik na po ba t-tayo?" nautal na tanong ni Rogelio.

Tumingin naman ako sa kanya at awkward na tumango. Tuluyan na 'kong pumasok at tumingin kay Chinnie na nasa labas na ang tingin ngayon. Nakakagat ang isang daliri nito sa kanyang bibig habang namumula ng todo ang mukha.

Napabuntong-hininga nalang ako at saka tumingin sa labas nang umandar na ang sasakyan.

Naging tahimik lang ang buong biyahe namin, hindi katulad kanina na maingay. Bakit kasi hindi sila naglolock ng pinto, 'yan tuloy nahuli ko silang naghahalikan with feelings? Eh!

Upang hindi masyadong awkward. Kinuwa ko ang aking cellphone at nagpatugtog ng kanta. Bts ang mga napili kong patugtugin, Permission to dance.

Pasimple akong lumingon kay Chinnie at nanlaki ang kanyang mga mata nung magkasalubong ang mga tingin namin. Agad niya ring iniwas ang tingin nito sa labas ng sasakyan. Napailing nalang ako.

Napatingin ako sa harapan nung makapasok na kami ng gate. Nakita ko sa rear view mirror si Rogelio na kabado ding nakatingin sa akin doon. Hindi ko na kaya, napabuntong hininga ako at saka nagsalita.

"Una sa lahat sorry. Sorry sa nakita ko." panimula ko. Pareho naman silang gulat na tumingin sa akin.

"H-hindi po sa ganon." -Rogelio

"Wahhh sorry po mam!" -Chinnie

"Huwag kayong mag-alala. Kunwari wala nalang akong nakita." sabi ko pa. Napayuko naman si Chinnie.

"Mam. Sana po huwag niyo kaming isumbong ka mam N-nicole. Bawal po kasi kaming makipagrelasyon sa kapwa naming trabahador." dahan-dahan niyang salita.

Nagulat naman ako.

Kanina lang ay magkaaway sila ni Rogelio, pero ngayon ay magkarelasyon na agad sila?

"Kayo na agad?" gulat kong tanong.

Nahihiya namang lumingon sakin si Chinnie at inipit pa ang kumawalang buhok sa tainga nito.

"O-opo memsh," pabebe niyang sagot at namula.

Eh?

Sinabi ko nalang sakanila na huwag silang mag-alala dahil isisikreto ko ito.

"Maraming salamat po mam." sabi nilang dalawa. Nakangiwi naman akong tumango.

BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now