CHAPTER 4

85 3 0
                                    

CHAPTER 4




KINABUKASAN, maaga akong sinundo ni Carter sa aming bahay. Nagmano pa muna siya kina mama bago kami umalis.

"Nasabi mo na ba sa mga magulang mo?" seryoso niyang tanong sa akin habang tutok ito sa daan.

"Hindi pa, natatakot ako," sagot ko.

Napasulyap naman siya sa akin at alalang tumingin.

"You should tell them, paano kapag malaki na iyang tiyan mo,"

Huminga naman ako ng malalim

"E paano kung magtanong sila kung sino yung ama?" tanong ko na ikinagulat naman niya.

Hindi siya nakasagot hanggang sa makarating kami ng hospital. Hayop na 'to! Wala man lang sinagot doon sa tinanong ko!

"Good morning po," nakangiting bati sa amin nung nurse. Mabilis niya kaming pinapasok sa clinic nito at tumawag ng mag a-assist sa akin.

"Sa nakikita ko po ay mahigit isang buwan na po kayong buntis, tama po ba misis?" nakangiting tanong sa akin nung OB habang inu-ultrasound ako.

Masaya naman akong tumango.

"Okay po, bibigyan ko po kayo ng sched niyo para sa every week na check-up ha." muling sambit niya. Napatingin naman siya kay Carter na nakahalukipkip doon sa may tabi ng pinto.

"Kayo po ba ang mister?" tanong niya rito.

"hin—"

"Opo, mister ko siya," inunahan ko na si Carter na magsalita. Gulat naman siyang napatingin sa akin.

"Kung maaari lang po sana mister ay huwag n'yo masyadong pinapagalaw sa bahay si misis, sa pagsusuri ko po kase ay parang mahina ang kapit ng bata sa sinapupunan nito," paliwanag nung babae at gulat naman akong napatayo.

Alalang lumapit naman sa akin si Carter.

"D-delikado po ba ang bata?" naiiyak kong tanong.

Umiling-iling naman ang nagsusuri at agaran akong pinakalma.

"Hindi naman misis, bastat huwag lang po kayong magbuhat ng mga mabibigat," Aniya. Yinakap naman ako ni Carter at dinig ko pa ang kaniyang pagmumura.

"From now on, sundin mo lahat ng sinasabi niya," sabi nito sa akin at tumango naman ako.

Noong matapos ang check-up, dumaan muna kami sa isang pharmacy para bumili ng aking mga vitamins. Nawalan daw kasi sila ng stock doon sa hospital kaya naman binigyan nalang nila kami ng reseta.

Noong nasa kotse, tinignan ko si Carter habang seryoso ito sa kaniyang pagmamaneho.

Bigla akong may naisip.

"Parang nahihilo ako Carter," pagkukunwari ko. Alala naman siyang napalingon sa akin.

"F-fuck what should I do?" kinakabahan niyang tanong.

Bahagyang napangisi naman ako.

"Diba malapit lang dito yung condo mo?" kunwaring nahihirapan kong tanong.

"Okay okay, doon ka muna bago kita ihatid sa inyo," aniya. Napangiti naman ako ng palihim.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong. Nandito na kami ngayon sa kaniyang condo habang naka-alalay ito sa akin.

"Nahihilo parin ako," usal ko. Nabigla ako noong binuhat niya ako at dinala ako nito sa kaniyang kwarto.

"Humiga ka muna dito sa kama ko, you should rest." nag-aalala niyang sabi at marahan niya akong ibinaba sa kaniyang kama.

Enebe! Kinikilig si aqoe!

"S-salamat," usal ko. Tumango naman siya at kinumutan ako.

"Magre-ready lang ako ng lunch, matulog ka muna gigisingin nalang kita mamaya." seryoso niyang usal at lumabas na ng kwarto.

Noong makasigurong wala na ito, mabilis akong tumayo at nagwala sa kilig. Hayuuup mga dre, kenekeleg eke!

Masaya muli akong napahiga sa kama at nag-imagine. Huhu ang sarap sa pakiramdam kanina noong binuhat niya ako. Pero napatigil din ako noong tumatawag si Nicole.

"Hello, tapos na ba kayo?" bungad nito pagkasagot ko palang sa tawag.

"Oo e," tipid kong sagot.

"Okay, pumunta ka ngayon sa mansyon may pag-uusapan tayo," aniya.

"Sorry. Nahihilo kasi ako e," pagkukunwari ko. Hayop na 'to panira ng moment.

"I thought you're already finish with your check-up?" nag-aalala niyang tanong.

Napabuntong hininga naman ako.

"Bigla kasi akong nahilo kaya naman dinala muna ako ni Carter dito sa condo niya," paliwanag ko at napasigaw naman siya sa gulat.

"Ano?! Andyan ka ngayon sa condo ni Carter?!" nagtataka niyang tanong.

"Oo, bakit?"

Saglit siyang napatigil sa pagsasalita.

"N-nothing, dont worry ako nalang pupunta d'yan," maya-maya pang sagot niya.

Nanlaki naman ang aking mga mata.

"Ano? Bakit?" tanong ko.

"Anong ano? Malamang titignan ko ang sitwasyon mo." nagtataka niyang wika.

"O-okay, salamat," sabi ko nalang at mabilis na pinutol ang tawag.

Hayop na 'yan! Eepal pa sa aming dalawa ni Carter e! Sa inis ko natulog nalang talaga ako ng totoo. Pero napagising din ako noong may tumatawag sa aking pangalan.

"Sha, gumising kana. Kailangan mo ng kumain,"

Bahagya kong iminulat ang aking mga mata at nakitang si Carter pala ito.

"Carter," nakangiti kong usal sa pangalan niya at unti-unting kong itinaas ang kamay ko sa mukha nito habang nakangiti.

Pero napadilat din ako ng mga mata noong meron pang isang boses ang tumawag sa akin.

"Shakira?" nagtatakang tawag sa akin ni Nicole.

Mabilis naman akong napa bangon at ngumiti sa kanilang dalawa.

"H-hi, kanina pa kayo d'yan? Hehe," parang natatae kong tanong sakanila. Akward amputs!



BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now