CHAPTER 15

58 2 0
                                    


CHAPTER 15


[CARTER's POV]



KASULUKUYAN akong 'andito sa isang kwarto na katabi lamang nung kay Sha. I told her earlier na dito ako matutulog ngayong gabi. Well, hindi naman para sakanya kaya ako ngayon dito mags-stay. Its just that, ayaw kong makita ang mga magulang ni Nicole.

Uhmm, siguro, ayaw ko lang makarinig ng mga salitang hindi kanais-nais mula sa mga magulang nito. Alam kong hindi kasingyaman ng pamilya ko ang mga Garcia. Kaya't kung maaari ay ayaw kong makaharap sila at sasabihin na naman nila na hanggang ngayon ay hindi kopa rin napapalawak ang aming negosyo.

Oo, malaki ang pasasalamat namin sa pamilya nila dahil sila ang tumulong samin para muling maiahon sa pagkalubog ang aming kumpanya. Girlfriend ko na noon si Nicole at siya yung nag suggest sa mga magulang nito na tulungan kami. Dahil nga siya lang ang natatanging anak nila at ang magmamana ng lahat, pinagbigyan nila ito.

Nung una ayaw kong pumayag, baka kasi isipin nilang ginagamit ko lang ang anak nila para lang maisalba ang aming kumpanya. Pero wala rin akong nagawa at tinanggap ko rin ito dahil nagkasakit na si daddy sa lubos na depresyon. I have no choice at napilitang tanggapin ang offer ni Nicole.

Matapobre ang mga magulang niya. Gusto nila lahat ng bagay ay perpekto. Kaya naman kahit engaged na kami ni Nicole, napilitan akong bumili ng sarili kong condo upang doon umuwi kapag ayaw ko silang makaharap o makasama kahit saan mang parte ng mansion.

Pero ang hindi ko maintindihan ngayon, bakit ako ngayon nandirito gayong may sarili naman pala akong condo na uuwian.

Napailing ako.

Tumayo ako mula sa kama at nagdesisyong lumabas.

Lumabas ako ng bahay at bumungad sa akin ang medyo madilim na paligid. Buti nalang ay bilog ngayon ang buwan at tanglaw ng liwanag nito ang buong kapaligiran. Nakapamulsa akong naglakad sa isang malapit na puno. May upuang kahoy dito at doon ko naisipan na umupo. Huminga ako ng malalim at tumingala mula sa buwan.

Muli kong naalala ang sitwasyon namin ngayon. Hindi ko lubos maisip na hahantong ang lahat sa ganito. Natatakot akong malaman ng mga magulang ni Nicole ang totoo. At kung magkataon man ay paniguradong babawiin nila ang lahat ng naitulong nila mula sa aming pamilya. At natatakot rin akong baka madamay pa pati si Sha. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Kung hindi lang ako naging padalos-dalos ay hindi ko magagawang mabuntis si Sha—ang kaibigan ko.

Naging kaibigan ko si Sha noong nag-aaral palang kami nito. May isa akong subject noon na talagang hindi ko kayang gawin ay pinakahihirapan ako. Sinabihan ako ng professor ko na kapag hindi ko naipasa iyon ay mapipilitan siyang ibagsak ako at i-take nalang iyon sa susunod na sem.

Buti nalang ay may nagpakilala sa akin kay Sha at siya yung naging tutor ko sa subject na iyon. Tinuruan niya ako, lahat ng mga alam niya ay ibinahagi nito sa akin. Magaling at mabilis siyang makapalagayan ng loob kaya naman naging magkaibigan kami nito. Pero tuwing tinuturuan niya lang ako ay dun lang kami nagkakasama. Girlfriend ko na noon si Nicole at pinagseselosan nito si Sha.

Kaya naman, labis din akong nagsisisi sa nagawa ko ngayon. Panigurado labis siyang nasaktan na nabuntis ko si Sha. Pero nakikita ko naman sakanya na mabilis niya itong natanggap. Hindi ko alam kung bakit pero kasi sa nakikita ko rito ay mabilis siyang nagpatawad. Siguro dahil lamang iyon sa pagkalabis niyang magkaroon ng anak. Sinabi niyang aakuhin namin ang bata pagkasilang nito. Hindi ko naman siya masisi sa isipang iyon. Matagal na namin sinusubukan ang magka anak pero hindi ito nangyayari.

Pero naaawa rin ako kay Sha. Papayag pa rin kaya ito kung sa oras na maisilang na niya ang bata? Naaawa ako sakanya dahil siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya. Kahit siya yung nagbigay ng motibo sa akin nang gabing iyon, kasalanan ko parin kasi pumatol ako. Kaya naman, lihim akong nagpapadala ng pera sa mga pamilya niya at ipinapangalan ko iyon sakanya.

BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now