CHAPTER 16

35 1 0
                                    

CHAPTER 16

[SHA's POV]


KAILAN ba naging mali ang umibig? Ang tanga ko lang sa parteng iyon na umibig nga ako pero sa taong may mahal ng iba. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng aking loob para sa sabihin ang mga 'yon. Halos mawasak ang puso ko noong tuluyan siyang lumabas ng aking pintuan.

I cried so hard that night. Inisip ko na, it is time to let go my feelings to him, for Carter. Kahit ano pa siguro ang gawin ko ay hindi ako nito mapapansin. Hindi niya ako magugustuhan. Malinaw na sakin ang lahat na si Nicole lang ang tanging mahal nito.

Kahit masakit, I already made a decision. Aalis na ako dito. Sasabihin ko kina mama na buntis ako at palalakihin ng mag-isa ang bata. Ibabalik ko rin ang mga perang natanggap ko mula kay Nicole. Ang mga perang binayad niya. Wala na akong pake kung tatakutin niya ako, at kung mangyari man 'yon, sasabihin ko lahat kay Carter ang totoo.

Kahit oras na nung gabing iyon, linakasan ko ang aking loob upang tawagan siya. Siya lang yung tanging naiisip ko na makakatulong sa akin ngayon.

Kinabukasan, late na 'kong magising dahil masyado na ring oras kagabi nung makatulog ako. Buong gabi akong nag-isip. Kagabi ko lang din napagtanto na ang laki ko palang tanga. Ang bobo ko, ang tanging inisip ko lang noon ay ang damdamin ko. Isa sa mga malaking factor na kaya mataas ang naging tiyansa na pumayag ako sa kasunduang ito ay dahil may gusto ako kay Carter.

"O mam, late na kayo nagising ah?" Bungad sakin ni Chinnie pagkapasok ko ng kusina.

Dumiretso ako agad sa glass table at kumuha ng baso at nagsalin ng tubig mula doon sa babasaging pitsel. Uminom muna ako bago humarap kay Chinnie.

"Ayos lang po ba ang pakiramdam n'yo?" Nag-aalala niyang tanong. Tumango lang ako ng marahan.

"Ayos lang ako,"

"Ah mam, si sir Carter po maagang umalis kanina." Sabi ni Chinnie nung aktong maglalakad na 'ko paalis.

"Ang weird nga po niya e, mukhang puyat tapos ang gulo gulo pa ng buhok bago siya umalis." Dugtong pa niya. Hindi naman ako kumibo.

Nagpaalam pa si Chinnie na magwawalis ito sa taas at lilinisin ang mga kwarto do'n.

Naglakad nalang muli ako at bumalik sa aking kwarto. Umupo ako gilid ng aking kama at matamang tumingin mula sa labas ng bintana. Medyo malakas ang ihip ng hangin ngayon. Sa pagkaka-alam ko ay may paparating na bagyo. Muli akong napaisip.

Itutuloy ko ba ang desisyon kong ito? Kasabay ng mahinang pagpatak ng ulan, ay bumuhos din ang mga luha ko. Bakit ganito ang buhay? Ilalagay ka sa sitwasyong hindi mo magugustuhan. Sana naging mayaman nalang kami. Sana hindi ko na nakilala si Carter. Sana walang ganito ngayon. Sana...maayos pa 'to.

Ang dami kong mga naging magandang aral na natutunan mula kay Mama. Pero iilan sa mga do'n ay nalabag ko na. Gaya na lamang ng pagsisinungaling. Masyado ko na itong kinarir, pati yata ang sarili ko pinagsusugalingan kona. Masyado kong pinapaniwala ang sarili ko na mamahalin din ako pabalik ni Carter. Ang tanga-tanga ko lang sa parteng iyon.

Gusto ko ng umuwi ngayon sa aming bahay. Gusto kong humingi ng tawad kila mama. Gusto kong umiyak sa harapan niya at yumakap ng mahigpit. Gusto kong magsumbong.

Mas lalo akong naging emosyonal dahil sa mga naiisip ko. Kasalanan ko din naman e. Kasalanan ko kung bakit nangyayari lahat sakin 'to. Pumayag ako sa gusto ni Nicole. Naging padalos-dalos din ako. Naging mahina ako dahil sa pagkagusto ko kay Carter. Hindi ko inisip ang mga posibleng mangyari. Ang selfish ko. Hindi ko inisip na may inosente palang bata ang madadamay pagkatapos lahat ng ito.

BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now