CHAPTER 9

49 3 0
                                    


CHAPTER 9



[SHA's POV]


MATAPOS akong ibaba ni Carter sa aking kama, kinuha naman nito ang cellphone na kanina pa tumutunog sa kanyang bulsa.

"Hello, O Jake? Ngayon na ba?" seryosong tanong nito sa kausap.

Wait, Sinong Jake 'yon?

Matapos niyang makausap ito, alala siyang tumingin sa akin.

"I'm sorry, I have this a sudden meeting ang it's very important." wika niya.

Tumikhim naman si Nicole at lumapit saamin.

"Its okay babe, I'll take care of Sha nalang," nakangiti niyang usal.

"Are y-you sure?"

"Yes. You can go now." pinagpagan pa niya ang balikat ni Carter na animo'y may dumi ito

Nag-alangan pa muna siya bago tumango kay Nicole at sa akin.

"Okay see you later, I love you." naghalikan silang dalawa sa harapan ko. Mga gagong 'to! Hindi man nila naisip na may bata sa tiyan ko, rated spg yon!

"I love you too," malanding tugon ni Nicole at tumalikod na sa'min si Carter para umalis.

Agad naman akong liningon ng bruha nung kaming dalawa nalang ang naiwan dito sa loob.

"Am I just mistaken in what I notice about you?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

Napamaang naman ako.

Ano bang sinasabi niya?

"May gusto ka ba sa boyfriend ko?" deretso niyang tanong. Natutop naman ako dahil doon.

"Ano 'di makasagot? I'm warning you, binarayan lang kita para magpabuntis kay Carter, hindi para mainlove!" seryoso ang mga mata niyang nakatutok sa'kin. Parang pinag-aaralan nito ang reaksyon ng aking mukha.

Napakagat ako sa aking ibabang labi at bumuntong hininga.

"W-what if I do?" tanong ko.

Kumibot naman ang taas ng labi niya at mas naging malalim pa ang mga tingin nito.

Tumawa siya ng sarkastiko.

"Don't you dare, hindi mo alam ang mga kaya kong gawin," nagbabanta niyang saad. Nanlaki naman ang mga mata ko.

Magsasalita sana ako kaso tumalikod na ito sakin at pabagsak niyang isinara ang pintuan.

Natahimik nalang ako at napaisip sa mga sinabi niya. Napahinga ako ng malalim at naisip ang sitwasyon naming tatlo ngayon. Ang komplikado!

Nag-init ang sulok ng aking mga mata. Mapanindigan ko ba 'tong ginagawa ko hanggang sa huli?

Kinagabihan,

Tinawag ako ng isang maid upang mag dinner. Mabilis naman akong lumabas dahil gutom na rin ako kahit kaka-kain ko palang kanina 30 minutes ago.

Nagtaka ako kung bakit ang daming nakahapag sa lamesa. Napabalikwas ako ng tingin sa aking likuran no'ng dumating si Nicole. She's wearing a red dress and a nice make-up. She looks stunning. May mga alahas pa 'tong suot na mukhang mamahalin.

Parang nahiya naman ako sa suot ko lang na dress. Simple lang ito at kulay asul. Wala akong suot na make-up at mas lalo na ng mga alahas.

"Carter and his co-workers will have dinner here tonight, kaya naman umayos ka." seryoso niyang sabi at nauna na siyang maupo. Nagsalin siya ng red wine sa baso nito at sumimsim doon.

Naupo na rin ako.

Maya-maya pa dumating na sina Carter. May tatlong kasama ito na mga lalaki at isa na do'n ang tila pamilyar sa'kin ang mukha. Nanlaki ang aking mga mata nung makilala siya, si Jake.

Agad akong napalingon kay Nicole at makahulugan na itong nakatingin sa akin ngayon. Tumingin muli ako do'n sa lalaki at ngumisi ito no'ng makita niya ako. Gusto ko siyang sugurin ngayon sa ginawa niya sa'kin pero natatakot ako sa posibleng mangyari.

"Hi babe," nakangiting bati ni Nicole. Naghalikan pa muna sila bago tuluyang umupo ang lahat.

"You look stunning tonight," Masayang usal ng isang lalaki kay Nicole. Tumawa naman ito at hindi mo siya makikitaan ng pagka demonyo.

Binati pa siya ng isang kasama nila at nung si Jake. Parang wala lang sakanila ang nangyayari. Komportable at kung titignan, masasabi mong walang anumang namamagitan sakanila. Napakagaling!

"By the way, who's this beautiful girl beside on you?" tanong nung unang lalaki na bumati kay Nicole.

Ngumiti naman si Nicole at plastik na lumingon sa akin.

"Yeah I forgot to introduce her, She's Shakira, Carter's Cousin." sagot niya. Lumaki naman ang mga mata ko at ganon na rin si Carter. Gaga na 'to!

"Oh, nice." lumingon pa muna ang lalaki kay Carter na parang naghingi muna ng abiso, "I'm Patrick, its nice to meet you, lovely girl." nakangiti nitong sabi. Inilahad pa nito ang kamay niya sa harapan ko.

Tsk! Mukhang chickboy ang galawan ng isang ito. Medyo nagulat ako noong una pero tinanggap ko rin naman ang kamay nito saka ngumiti.

Pinasadahan ko siya ng tingin.

Makapal ang mga kilay niya, may mapupulang labi. And he has a perfect jawline. In short, he's a freaking handsome. But no, sorry. I have Carter already in my heart.

"Okay, so lets start?" ani Nicole at nagsimula na nga kaming kumain.

Habang tutok ang lahat sa pagkain, pasimple kong sinusulyapan sina Nicole at Jake. Nahuli ko silang nagti-tinginan at parang may sarili silang lengwahe gamit lamang ang mga mata nila.

Napakagat ako ng labi at lumingon kay Carter. Seryoso lang itong nakatutok si kinakain niyang steak. Malungkot ko siyang pinagmasdan, hindi niya alam harap-harapan na siyang ini-iputan sa ulo ng kanyang girlfriend.

Nagitla naman ako nung magsalita itong si Patrick.

"Would you mind if we share a walk after this?" dinig kong wika niya at sa akin pala siya nakatingin. Kita ko naman ang kaniyang mga mapuputing ngipin habang nakangiti ito. Sumilay pa sa kanan niyang pisngi ang malalim nitong biloy.

Napatingin naman ang lahat sakanya.

"Pagbigyan mona 'tong kaibigan namin, tatlong taon na siyang lonely hahaha," tumawang wika nung isang lalaking kasama nila.

Tinignan ko naman itong si Patrick na naghihintay ng sagot ko. Mukhang wala namang pakialam si Carter pero medyo salubong ang mga kilay nito habang kumakain parin.

"Go Sha, madalang lang 'yan mag-aya haha," ani Nicole.

Huminga muna ako ng malalim bago tumango. Well, mag-isa lang naman din ako mamaya sa kwarto after this, kaya naman pumayag na ako.

Maya maya pa biglang tumayo si Carter. Napatingin naman lahat kami sakanya.

"Sa'n punta mo babe?"

"I'll just change," ngumiti ito ng tipid bago tumalikod sa amin.

Tumayo rin si Jake at sinabing magc-cr lang ito. Pero bago siya lumakad palayo ay tumingin pa muna ito kay Nicole. Parang sinasabi ng mga mata niya na sumunod ito sakanya.

Nainis naman ako dahil do'n.

"Susundan ko lang si Carter," tumayo narin ang bruha at nagpa-alam sa'min. Pero ang shuta kumaliwa ng daan kung saan papunta yung cr. Tsk!

Mabilis na napatingin naman ako kay Patrick nung magsalita ito.

"Shall we?" nakangiti niyang tanong.

Napalunok naman ako at alanganing tumango.

Umikot ito mula sa kabila papunta sa'kin at inalayan ako sa aking pagtayo. Nahihiya ko namang inabot ang kamay niya.

"Salamat," usal ko. Ngiti na tumango ito at nagsimula nakaming maglakad.

Pero bago pa kami makalabas, may narinig pa muna kaming isang sigaw.

BORROWED LOVEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt