CHAPTER 18

37 1 0
                                    

CHAPTER 18

[SHA's POV]

"C-carter,"

"What the hell is this?!" Sinalubong ko siya ng tingin. Halos magdikit ang mga kilay nito at tila umuusok ang kanyang ilong.

"Aalis ka?! Without consulting me?! Without my permission!!!" Sigaw niya. Hindi ako nakakilos. Tila isa akong bato na natuod sa isang pwesto. Hindi ako makapag salita. Masyado akong nabigla sa pag sigaw niya.

"Bro, huwag mo siyang sigawan." Malumanay ngunit mahihimigan mo doon ang inis. Galit namang humarap sakanya si Carter.

"Isa kapa! What do you think your doing! Huh?! Kailan kapa naging interesado sa buhay ni Sha?!" Nanggagalaiti nitong sigaw mula kay Patrick at dinuro-duro niya pa ito.

Agad namang itinapis iyon ni Patrick at nakapamulsang humarap sakanya habang nakangisi.

"What makes you angry? Ano sa 'yo ngayon kung aalis na si Sha? Pagmamay-ari mo ba siya?" Kunwaring natatawa niyang sabi pero mababakasan mo parin doon ang pagkainis. Nakita ko namang nagkuyom ng mga palad si Carter.

Kumilos ako papunta sakanila. Medyo napalakas yata ang paghawi ko sa balikat ni Carter kung kaya't parang hindi siya makapaniwala na tumingin sa akin.

"C-carter nakapag decide na ako. Aalis na ako sa bahay na 'to." Nanginginig kong wika at umiwas ng tingin nang makita ang sakit sa mga mata niya.

Bakit Carter? Bakit bigla kanalang naging ganito sa akin? Bakit mo pinapakita ngayon na sobra kang nag-aalala? Bakit kailangan kong maramdaman ito kung kailan paalis na ako? Bakit piling ko labis kang nasasaktan ngayon?

"Sha, 'di ba mag-uusap pa tayo? Bakit hindi mo 'ko h-hinintay?" Kung kanina ay parang napakabangis ng hitsura nito, ngayon naman ay naging maamo iyon. Naging malumanay ang kanyang pananalita.

"Let's talk please, b-before you leave."

Naramdaman ko naman ang marahan na pagtapik ni Patrick sa aking likuran. Ipinapahiwatig siguro nito na pagbigyan ko ang sinabi ni Carter. Huminga ako ng malalim at naunang naglakad sa loob ng bahay.

Umupo ako sa aking kama. Hindi ko nga alam kung bakit dito pa ako dinala ng aking mga paa. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ito dumating. Sa wari ko'y nag-usap pa muna sila ni Patrick sa labas. Napatayo ako nung mabilis itong lumapit sa akin at yumakap.

"Carter ano ba!" Pilit akong kumawala sa yakap nito.

"Sha! Don't leave. Please." Sambit niya at napatigil naman ako sa pagpupumiglas. Ano bang gusto niyang mangyari ngayon?

"Carter naririnig mo ba ang sarili mo ngayon?" Tanong ko.

Hindi ito sumagot.

"Magkaka-anak na kayo ni Nicole. Hindi niyo na ako kailangan d-dito," hindi ko alam kung bakit 'yun ang sinabi kong rason.

"Magkaka-anak na rin tayo," tinanggal nito ang pagkakayakap sa akin at humawak sa aking magkabilang balikat.

"What about us? Paano ka?" Seryoso niyang tanong. Napailing nalang ako sa sinabi niya.

"Us?" I asked him. "Tayo? Meron ba no'n satin? Carter, naririnig mo ba talaga ang mga sinasabi mo? Kailangan na nating itigil 'to dahil m-mali. Una palang maling-mali na!"

Nagbadyang tumulo ang mga luha ko pero pilit ko iyong pinigilan.

"Sha we're just started! Nitong huling araw ko lang napagtanto na gusto rin kita. So how can I stop kung ang puso ko ngayon ikaw ang sinisigaw, huh? How?" At dahil do'n sa mga sinabi niya hindi ko na napigilan pa ang umiyak. Bakit? Bakit ngayon pa?

BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now