CHAPTER 17

38 2 0
                                    

CHAPTER 17

[SHA's POV]


NAGPUMILIT parin akong sumama rito sa ospital. Gaya nung takot na naramdaman ko noong muntik na akong makunan, ay paniguradong ganon din ang nararamdaman ngayon ni Nicole. Takot at pangamba.

Pagkatapos namin siyang maidala rito sa ospital kanina, mga ilang minuto lang ay lumabas ang doctor at sinabing buntis si Nicole. Nagulat ako sa aking nalaman lalong-lalo na si Carter. Hindi alam nito ang kanyang gagawin. Tila may pinagsisihan ito at wala siyang ibang ginawa kundi ang pagsuntukin ang pader. Nasasaktan akong nakikita siya sa ganoong sitwasyon. I don't know if I'm hurting because I saw him in that kind of situation, o nasasaktan lang ako dahil nakikita ko siyang nag-aalala ng sobra para kay Nicole. Kung ganon man iyon, wala akong karapatan para masaktan. She's her girlfriend in the first place.

"C-carter, she will be f-fine." Lapit ko sakanya at hinawakan ito sa balikat.

Napatigil naman siya saglit at napahinga ng malalim habang ang dalawa parin nitong mga kamay ay nakahawak sa pader.

"Fuck! Kasalanan ko to e!" Pagsisisi niya sa sarili nito. Parang sinaksak naman ang puso ko do'n.

"N-no. Kasalanan ko ang lahat Carter." Sabi ko. Kung una't palang ay hindi na ako pumayag sa gusto ni Nicole ay hindi na mangyayari pa ang lahat ng 'to.

Unti-unti siyang humarap saakin at pinagmasdan ako na may lungkot sakanyang mga mata.

"Sha, don't blame yourself. Ako. Ako ang lahat ng may kasalanan sa nangyayari ngayon. Kung hindi lang kita pinatulan nung gabing iyon ay malamang hind—" napatigil siya sakanyang pagsasalita nung mapansin niyang seryoso akong nakatingin sakanya. Mukhang na-realize nito ang kanyang sinasabi.

"So nagsisisi k-ka?" Hindi ko mapigilan ang sakit sa boses ko na tanong.

Napaiwas naman siya ng tingin.

"Pinagsisihan mo na bang pinatulan mo ako at sa nangyari sa a-atin?" Fuck. Mabilis na dumaloy ang mga luha mula sa aking mata. Tila naalarma naman si Carter.

"S-sha, hindi 'yun ang ibig kong sabihin okay." Nagsusumamo ang mga mata niyang nakatingin sakin. Hinawakan niya rin ako sa dalawa kong kamay.

Hindi ako nagsalita. Ang alam ko lang ngayon ay sobra akong nasasaktan. Siguro ito na yung mga consequences na haharapin ko. O hindi pa ito lahat 'yon?

"Shhhhh huwag ka ng umiyak. Hindi iyon gaya ng iniisip mo okay?" Mahinahon niyang sabi at pinunasan pa niya ang luha ko gamit ang isa niyang kamay.

"Mr. Ramirez?" Napalingon kaming pareho nung magsalita ang doctor at galing ito mula sa loob ng kwarto kung nasan si Nicole.

Mabilis akong binitawan ni Carter at mabilis na lumapit doon.

"Doc, how's my girlfriend? The baby?" Kinakabahan niyang tanong. Seeing him right now makes my heart broken into tiny million of pieces.

Himinga ng malalim ang doctor at ngumuti ng tipid, "Don't worry Mr. Ramirez. Both of they are safe. Sa ngayon, hindi pa siya gumigising dahil siguro sa gulat niya kanina. Pero don't worry mga ilang minuto lang ay magigising rin ito."

Napahinga naman ng malalim si Carter. Napa hand pray pa ito at todo ang pasasalamat sa doctor. Napangiti ako ng mapait. Ang hirap pala ng ganito, hindi ka pwedeng magreklamo kahit na nasasaktan kana. Hindi ka pwedeng masaktan na lang basta-basta kasi wala namang kayo.

Tumalikod na ako at naglakad paalis. Tuluy-tuloy na tumulo ang aking mga luha na tila wala itong kapaguran. Handa na ako. Itutuloy ko na ang nabuo kong desisyon kagabi. Pagkalabas ng ospital ay agad akong pumara ng taxi. Bahala na. I texted him at sinabi kung saan kami magkikita. Hindi ko siya ginagamit, talagang wala lang akong ibang maisip na pwedeng tumulong sa akin kundi siya lang.

BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now