CHAPTER 2

125 4 0
                                    

CHAPTER 2

[SHAKIRA's POV]


PUMARA ako sa taxi driver noong marating ko na ang mansion ng mga Garcia. Mabilis akong nagbayad at nangangambang bumaba.

Pinagmasdan ko ang mansion. Napakalaki nito. Hindi ko maiwasang mainggit ngayon kay Nicole. Halos lahat ay nasa kaniya na, pwera nalang siguro ang magka-anak.

Sinimulan ko ng ihakbang ang mga paa ko sa napakalaking gate nila. Sinalubong naman ako ng isang guard.

"Si Ma'm Nicole po ba ang hanap n'yo?" seryoso nitong tanong. Napatango naman ako sakaniya at ngumiti.

May tinawag pa muna siya sa dala nitong radyo bago niya ako pinagbuksan ng gate.

"Sumakay po kayo dito," anang isang payat na lalaki na nakasakay sa isang golfcart.

Tumango naman ako at nahihiyang sumakay doon. First time kong makasakay sa mga ganito. Kung maglalakad lang kasi kami mula dito hanggang sa pinaka bahay nila ay masyado itong malayo.

Masaya naman akong sinalubong ng yakap ni Nicole noong makarating na kami.

"I still can't believe it Sha, omg! Magkaka-anak na kami ni Carter!" hindi maipapaliwanag ang kaniyang tuwa. Tipid naman akong ngumiti sakaniya.

Iginiya ako nito papasok sa loob ng mansyon nila. Sa totoo lang ngayon lang ako nakapasok rito. Mula sa mga sofa hanggang at mga paintings na nakasabit ay malalaman mo talagang mamahalin ang mga ito.

"Upo ka muna d'yan," aniya at may tinawag itong katulong para maghanda ng miryenda.

"Give us orange juice and vegetable salad." utos nito sa katulong.

"Fron now on puro healthy dapat ang mga kinakain mo," nakangiti niyang sabi sa akin. Tumango naman ako sakaniya at nahihiyang inilibot ang aking paningin sa buong mansyon.

"A-ang ganda pala ng mansyon n'yo at ang laki," usal ko.

"Salamat, feel at home ka dito," aniya pa. Maya-maya pa may inilabas itong mga satingin ko ay papeles.

"A-ano 'yan?" takang tanong ko sakanya. Nakangiti naman siyang lumapit sa akin at nagpaliwanag.

"This is our contract, pirmahan mo lang ang mga 'yan," sagot niya at nabigla naman ako. May ganito pa pala?

"Why? Diba napag usapan na natin 'to?" nagtataka niyang tanong sa akin.

Na-alarma naman ako at agad umayos ng upo.

"O-oo, pero may paganito pa pala hehe," nauutal kong sagot. Kinuha ko ang mga ito at binasa muna ang mga nakasulat.

Nabigla at nanlaki ang aking mga mata noong mabasa ko ang nakasulat doon sa pang sampung rules.

10. You should not fall inlove with my fiancè, Carter Ramirez.

"Why? Is there anything wrong?" nagtataka na naman niyang tanong.

Ngumiti naman ako ng pilit sakaniya at umiling-iling.

"W-wala. Pipirmahan ko na 'to hehe," sabi ko.

Hindi ko alam pero parang nanliliit ako ngayon sa sarili ko. Hindi ko rin maiwasan ang masaktan.

Marami pang ipinaliwanag si Nicole sa akin. Nag suggest pa siyang dito muna ako sakanila tumira pansamantala. Ang sabi ko naman ay pag-iisipan ko muna. Nagbigay rin siya ng malaking pera para sa paunang bayad.

Noong makauwi ako sa bahay namin ay agad akong dumiretso sa kwarto at nagtalukbong ng kumot. Iyak lang ako ng iyak.

Pero napatigil rin ako noong marinig ko si mama na sumisigaw sa labas.

"Arthuro gumising ka!" tawag ni mama sa ngayo'y nakabulagta kong papa.

Agad naman akong lumapit sakanila at tinulungan si mama na itayo si papa.

"A-ano pong nangyari?" kinakabahan kong tanong.

"Inatake na naman sa puso ang papa mo," umiiyak na sagot sa akin ni mama. Parang nanghina naman ako at mabilis na tumawag ng sasakyan.

Isa rin 'to sa mga dahilan ko kung bakit ko pinatulan ang offer ni Nicole. Kailangan ko ng pera para sa operasyon ng aking papa.



Lumipas ang isang linggo at sa wakas ay nakalabas na rin si papa ng ospital.

"Anak maraming salamat sa iyo, kung wala ka hindi namin alam ng mama mo kung saan kami kukuha ng pera," sinserong usal sa akin ni papa. Ngumiti naman ako sakaniya at sinabing ayos lang iyon.

"Kaya kung maaari sana mapagbigyan mo ang aking kahilingan," aniya pa. Nagtaka naman ako.

"Ano po iyon, Pa?"

"Mag-asawa kana, hindi ko masasabi kung hanggang kailan pa ako mabubuhay. Kaya naman bago pa mangyari ang lahat, gusto kong makita ang magkaroon ka ng pamilya" nabigla naman ako sa sinabi ni papa at hindi agad nakapag salita.

Lumabas muna ako ng aming bahay at nag-isip.

Hindi pa naman kasal sina Nicole at Carter. Kaya naman, para sa kahilingan ng aking papa. Pipilitin kong kunin ang atensyon ni Carter at sisikapin kong mahuhulog ang loob nito sa akin.

Patawad Nicole, pero mahal ko si Carter at magkaka-anak na kaming dalawa.



BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now