CHAPTER 19

87 6 2
                                    

CHAPTER 19

[SHA's POV]

MAAGANG umalis si Patrick dahil may meeting daw sila sa isang dayuhan na nais mag invest mula sa kumpanya. Agad ko namang sinimulan ang paglilinis sa buong condo niya even he told me that don't stir my self to clean up his unit. Pero hindi ko siya pinakinggan, ito na nga lang ang tanging paraan para kahit papaano ay makabawi man lang ako sa kabaitan niya.

Nagsimula ako sa may sala. Medyo hindi naman marumi, ini-spray-an ko lang ng lysol ang mga sofa set nito. Pagkatapos ay sunod kong pinuntahan ang kitchen. Napansin kong wala siyang masyadong mga stocks na pagkain dito. Pati rin ang ref, tanging dalawang beer can lang yata ang nakita ko sa loob niyon at mga tubig.

Nabigla ako nang makita ang nasa ibabaw ng ref. Pera? Dahan-dahan kong kinuha 'yon at napansin kong may kasama iyong sticky notes, "Buy what you want" ang nakasulat. Hindi ko naman maiwasan ang mahiya. Muli kong tinignan ang mga pera na nasa kamay ko ngayon at kagat labi na binilang. Ano namang gagawin ko sa 20 thousand na 'to? Napailing ako.

Sunod kong pinuntahan ay ang banyo, malinis din naman iyon kaya ng matapos ay sunod akong nagtungo sa tapat ng kwarto niya. Nagdalawa ako ng isip kung papasok ba ako o hinde. It's his privacy. Siguro bukas nalang ako maglilinis at magpapaalam nalang ako mamaya rito.

Sa huli ay nagdesisyon akong maligo nalang at magbihis. Sinigurado kong malinis ang buong bahay bago ako umalis.

~°~

Nandito ako ngayon sa supermarket. Balak kong bumili ng mga stocks namin sa bahay gamit ang perang iniwan niya kanina. Paniguradong hindi ko naman mauubos ito at naisip kong ibalik nalang sakanya ang sobra.

Habang tulak-tulak ko ang cart, may namataan akong isang bulto ng lalaki na nakatayo sa tapat ng mga noodles. May kausap ito sa phone niya at tila pamilyar ang mukha nito sa akin. Nang makalapit, ay doon ko nasigurado na kakilala ko nga siya. Tsk!

Liliko na sana ako pakaliwa para iwasan siya ngunit bigla akong tumigil sa aking paglalakad ng marinig ko ang boses nito.

"Please Nicole! Just tell him that I am the father ng pinagbubuntis mo!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tama ba yung narinig ko? Hindi si Carter ang ama ng pinagbubuntis ni Nicole—Kundi si Jake? Mabilis akong yumuko ng makitang papalit ito sa gawi ko upang dumaan.

"This time I'll forgive you. But promise me that later on you will tell him the truth or else...ako ang magsasabi sakanya."

Nakalagpas na siya mula sa akin at mabilis naman akong umibis ng daan upang mas lalo pa akong makalayo sakanya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Unang pumasok sa utak ko ay si Carter. Ano kayang mararamdaman nito kung sakaling malaman niya ang totoo?

~π~

Nandito na ulit ako ngayon sa condo unit ni Patrick. Hindi ko nga alam kung paano ko nasalansan ng maayos ang mga pinimili ko gayong parang lumilipad naman ang utak ko. Nagluto narin ako ng ulam para sa aming dinner mamaya. Hindi ko alam kung maaga bang uuwi ngayon si Patrick kaya naman nauna na akong kumain dito dahil baka gutom na ang baby ko.

Alas nueve ng gabi ng magising ako. Lumabas ako mula sa aking kwarto at tinignan kung dumating na ba si Patrick. Nakita kong hindi parin nagagalaw ang ulam na nilagay ko sa lamesa. Baka hindi pa siya nakakauwi.

"Anong oras na," bulong ko sa sarili.

Minabuti kong kunin ang aking cellphone para tawagan siya. Pero nakailang tawag na ako at hindi niya parin iyon sinasagot. Grabe naman kung maka overtime pala sila. Pinili kong bumalik na muna sa aking kwarto pero napatigil din ako sa paglalakad nang tumunog ang aking cellphone.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Jun 10, 2023 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

BORROWED LOVEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz