CHAPTER 5

69 3 0
                                    

CHAPTER 5

[SHA's POV]


Kasulukuyan akong nasa labas ngayon ng Human Resources office dito sa aking pinagt-trabauhan na 5-star hotel. House keeping ang position ko dito.

"Shakira Mandayag," tawag nila sa akin sa loob. Agaran naman akong pumasok rito at pinasa ang aking resignation letter.

Kailangan ko na kasing mag resign dito sa aking trabaho. Nag-a-alala kasi ako doon sa sinabi sa akin nung nurse. Bawal daw akong mapagod at mang-gagalaw masyado.

"I hope you don't regret it ms. Mandayag, ang lakas pa naman ng potensyal mong maging team leader," naghihinayang na usal sa akin ng hr staff.

Ngumiti naman ako sa kanya ng tipid.

"Pasensya na po, kailangan lang talaga, bawal po kasi akong magpagod dahil buntis ako," tila nagulat naman ito sa aking sinabi.

"O, I would gladly to accept your resignation then, Congratulations to you mrs haha, and thank you for the good work you have shown to us, " masayang untag nito. Nagpasalamat naman ako sakanya at lumabas na ng office.

Habang naglalakad ako papalabas na sana ng hotel, nakita ko naman si Nicole na nagmamadaling pumasok dito sa loob. Hindi ako nito napansin.

"Huh? Ba't siya nagmamadali?" nagtataka kong tanong sa sarili.

"Nandito rin kaya si Carter?" bulong ko pa. Sa curious ko gumana na naman ang pagiging chismosa ko at mabilis kong sinundan si Nicole.

Nakita kong sumakay ito sa elavator at nakitang sa 5th floor ito patungo. Kaya naman pagkatapos niyang sumakay ay mabilis din akong nagtungo doon. Palingon-lingon pa ako sa paligid noong marating ko ang ika-limang palapag.

"Nasa'n na 'yun?" bulong ko.

Habang naglalakad bigla akong nakarinig na parang may nagsisigawan. Lumapit naman ako doon sa nakita kong pinto na bahagyang nakasiwang.

Si Nicole ba 'yon?

Mas lumapit pa ako ng kaunti at nagulat noong si Nicole nga ang sumisigaw. Sinong kaaway nito?

"Let's break up! Hindi mo ba maintindihan 'yon?!!" galit niyang usal sa kausap nito. Hindi ko naman alam kung sinong kausap niya. Tanging si Nicole lang ang nakikita ko dahil sa siwang ng pinto.

"No! Im not going to allowed it! Nicole, ilang taon na tayong magka-relasyon at ngayon mo paba ako iiwan?" sagot nung lalaki. Napatakip naman ako sa aking bibig. Omg! Totoo ba 'tong nakikita at naririnig ko.

"Jake, buntis na ako at magpapakasal na kami ni Carter!" muling sigaw sa kaniya ni Nicole.

Omg! I can't believe it!

"Buntis?" natatawang singhal nung Jake daw ayon sa pagkakarinig ko kanina.

"Yes!"

"Nagpapatawa ka ba?! Kaya nga pumatol ka sa akin dahil hindi ka niya nabubuntis dahil may diperensya ka diba, tapos ngayon sasabihin mong buntis ka? Nagpapatawa ka ba?" sarkastikong usal sa kanya nung lalaki. Parang na-trigger naman si Nicole at sinampal niya ito ng malakas.

Nanlaki naman ang aking mga mata dahil doon.

"Hindi ako baog! Kaya nga buntis ako ngayon kase wala akong diperensya!" galit niyang sabi.

"E kung ganoon, sino sa amin ang ama!?" seryoso ng tanong ngayon nung lalaki. Napaatras naman si Nicole. Parang natakot din naman ako sakanya.

"M-malamang si Carter!" nauutal na wika niya.

"Ano!? You know it to yourself na laging may nangyayari sa atin!? Tapos sasabihin mo ngayon na si Carter ang ama! Ha!" nang-gagalaiti na sigaw nitong Jake. Nanlaki naman ang mga mata ni Nicole at takot na takot itong nakatingin sa lalaki.

"Tell me! Huwag mo 'kong gawing tanga dito Nicole!!!"

"S-stay away from me!" pagbabanta ni Nicole.

Hindi naman nakinig sakanya ang lalaki, bagkus sinugod nito si Nicole at mariin niya itong sinakal. Nanlaki ang mga mata ko at hindi malaman ang gagawin.

"G-get off, a-ano ba n-nasasaktan ako!" nahihirapang niyang usal.

Hindi ko na natiis pa at mabilis akong pumasok sa loob saka itinulak ang lalaki na ikinagulat niya. Dinala ko sa aking likuran si Nicole at gulat rin itong nakatingin sa akin.

"W-what are you doing here Sha? K-kanina kapa ba d'yan?" nagugulat niyang tanong.

Sinuway ko naman siya at mariing tinignan ang lalaki.

"And who the fuck the hell are you?!" galit na tanong saakin nitong Jake.

"H-huwag mokong mapak pak! Kaibigan ako ni Nicole at hindi mo siya pwedeng saktan!" malakas na loob kong sigaw sakanya.

Inis naman siyang napatawa at pinalagutok pa nito ang mga kamay niya. Parang natakot naman ako dahil doon.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin. Napaatras naman ako pati na rin si Nicole.

"H-huwag kang lalapit!" nauutal kong sigaw rito.

Ngumisi lang siya at mabilis niya akong sinampal ng malakas dahilan para mapatumba ako. Narinig ko namang sumigaw si Nicole at mabilis ako nitong linapitan.

Napatingin ako doon sa parte ng aking ibaba noong may maramdaman akong parang umagos.

Nanlaki ang aking mga mata noong makita ko ang maraming dugo.

BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now