CHAPTER 13

47 2 0
                                    


CHAPTER 13



[SHA's POV]




NAPAUPO nalang ako sa kama noong lumabas na si Nicole. Pagdating talaga sa pamilya ko nagiging mahina ako. Hindi ko lubos akalain na may isasama pa pala siya. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at nanginginig na tinawagan sina mama.

"Hello, anak?" napapikit ako ng mata nung marinig ko ang boses niya. Hindi agad ako nakapagsalita.

"Ma, kamusta po kayo d'yan?" pinilit kong maging masaya ang boses ko.

"Ayos naman kami anak. Ikaw kamusta ka d'yan? Wala bang problema?" tanong niya. Huminga ako ng malalim at umiling-umiling.

"W-wala po, sina papa po?"

"Nakahiga at nagpapahinga. Yung kapatid mo naman nasa school pa at wala parin hanggang ngayon." bigla akong kinabahan.

"Po? Bakit wala pa siya e anong oras na." medyo nataranta ako. Tumigil naman sa pagsasalita si mama sa kabilang linya.

"Tawagan nyo po siya, baka ano ng nangyari dun." sabi ko pa.

"Anak may problema ba? Parang hindi kanaman nasanay sa kapatid mo. Marami 'yung ginagawa kaya siguro nalate na naman siya ng uwi." paliwanag ni mama. Hindi ko naman kasi maiaalis sakin ngayon ang huwag mag-alala. Lalo na't pinagbantaan ni Nicole kanina ang pamilya ko.

"Ma—"

"O heto na pala siya." dinig kong usal ni mama. Napahinga naman ako ng maluwag dahil do'n.

"Nga pala anak, salamat sa pinadala mong pera kahapon, pero ba't ang laki naman. May pera kapa ba d'yan?" biglang tanong ni mama. Ano bang sasabihin ko?

"Uhmm, huwag po kayong mag-alala ma may pera pa po ako dito. About dun sa pera na pinadala ko, bonus ko raw iyan sabi ng boss ko." pagsisinungaling ko.

"Ganon ba, osige, salamat talaga anak. Malaking tulong talaga 'to para sa amin"

"Walang anuman po, ibaba ko na po ito, may gagawin pa ako."

"Osige. Mag-ingat ka dyan ha?"

"Opo ma. Kayo rin po nina papa." sabi ko at pinatay na ang tawag.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko mapapatawad si Nicole kapag ka ginalaw nito ang sinuman sa pamilya ko.

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisgi ko at tulalang napatingin sa kawalan.

Dumating ang umaga at napuyat ako sa kakaisip kagabi. Pinag-isipan ko kung aalis na ba ako dito at sasabihin na kay Carter ang lahat. Pero natatakot rin ako sa pwedeng mangyari sa pamilya ko. Lalo na't alam ko ng may saltik sa utak iyang si Nicole. Inisip ko na kahit malaman ni Carter ang lahat, gagawa at gagawa parin siya ng paraan upang makaganti sa akin lalo na sa mga pamilya ko. At ayaw kong mangyari iyon.

"Ow, goodmorning Sha. Mukhang puyat ka ah. Masama 'yan para sa baby." aktong tatalikuran ko nalang sana siya mula sa kitchen nang magsalita ulit ito.

"Alam mo naman siguro yung mga pinagusapan natin kagabi no, well pinapaalala ko lang." tumatawa niyang wika.

Nagkuyom ako ng mga palad at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at nagsimula na sa paglalakad pero napatigil rin ako nung dumating si Carter.

He look at me first with a worried eyes saka siya napalingon kay Nicole nang magsalita ito.

"Goodmorning babe, papasok kana ba?" aniya at linapitan ito para halikan. Tsk!

"Uhhm, malalate ako ng uwi mamaya. I have an important meeting at night." aniya at pasimple niya akong tinignan.

Napansin naman iyon ni Nicole kaya muli itong nagsalita.

BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now