CHAPTER 8

56 1 0
                                    


CHAPTER 8



[SHA's POV]


BUMABA na ako sa sasakyan noong makarating na kami sa mansion ng mga garcia. Sinalubong ako ng mga naka unipormeng lalaki at kinuha sa akin ang bitbit kong maleta.

Payak lang akong sumunod sakanila hanggang sa makapasok kami sa loob. Nakangiting lumapit saakin si Nicole at bumeso. Hindi ko malaman ngayon kung totoo ba ang pinapakita nito.

"Welcome to your new home," saad niya habang naka muwestra pa ang mga kamay. Hindi naman ako ngumiti at pilit lang na tumango.

"For now doon ka muna sa guest room not until dumating ang mga magulang ko galing states. Ililipat kanalang namin no'n sa kabilang bahay sa dulo nitong hacienda," paliwanag niya. Napasinghap naman ako. Sa tono ng kaniyang pananalita para lang akong isang laruan na pwede niyang ilipat sa kung saan.

"Your so serious, you know that? kalimutan nalang natin ang nangyari and besides, hindi kanaman lugi dito dahil milyones ang ibabayad ko sa 'yo," aniya pa. Doon na ako parang napikon. Tinignan ko ito ng masama na nagpa-atras sakanya. Hayop na 'to! Ganiyan pala ang totoo niyang ugali. Pero kapag nasa harapan niya si Carter para siyang sinong santa!

"Huwag mo ng ipamukha sa akin ni binabarayan mo lang ako," naiinis kong sabi sakanya. Tumaas naman ang kilay nito at lumapit sa akin.

"Why? Hindi ba ganoon naman talaga? Oh no wait, galit kapa rin ba sa akin?" parang namamangha niyang tanong.

Aktong sasagot na sana ako noong biglang dumating si Carter.

"Anong pinag-uusapan niyo?" seryoso niyang tanong. Pinasadahan ko naman siya ng tingin at ang gwapo nito ngayon sa suot niyang long sleeve polo suit.

"Babe, you're here," masayang bati sakanya ng bruha at humalik pa ito sa labi ni Carter. Napaiwas naman ako ng tingin dahil doon.

"Sinasabi ko lang sakanya ang magiging kwarto niya." paliwanag nito. Seryoso namang tumingin sa'kin si Carter habang nakapamulsa.

"How's your feeling now, Sha?" medyo umamo na ang kaniyang mukha noong magtanong ito. Aligaga naman akong napatingin sakanya.

"A-ayos na ako," nauutal kong sagot.

Tumingin ito kay Nicole at tinanong kung nakita ko naba ang magiging kwarto ko dito.

"Hindi pa. Buti nalang nandito kana kaya naman sabay na natin siyang ihatid sa magiging kwarto niya," masayang sagot sakanya ni Nicole at parang ahas siya kung makapalupot ngayon kay Carter.

Tsk! Akala mo naman may aagaw. Well maghintay kalang tse!

Tumango naman si Carter at iginiya na nila ako sa magiging kwarto ko daw.

Maganda ito at maluwang. Kung titignan parang buong bahay na namin 'to. Iba talaga 'pag mayaman.

Nakangiting humarap sa akin si Nicole at nagkibit-balikat.

"Uhmm, so this your room. Isn't it beautiful?" plastik niyang tanong. Balak ko sana siyang tarayan pero naalala ko nga palang kasama namin si Carter.

Bumuntong hininga nalang ako at ngumiti rin sakanya ng plastik.

"Oo, ang ganda nga. Just like me," tumatawa kong usal at kunwaring inilibot ko pa ang aking paningin sa buong kwarto.

Nasulyapan ko naman siyang parang nainis. Tse!

"If you need anything tawagan mo lang ako," usal sa'kin ni Carter at ngumiti ito ng maliit. Kumabog naman ang dibdib ko. Ibig sabihin ba ng ngiti na 'yan ay bati nakami?

Tinignan ko muna si Nicole bago tumango kay Carter with my seducing smile.

"N-no! Ah i m-mean, ako na lang ang tawagan mo if you need anything hehe," matalas ang tingin sa'kin ng bruha. Hindi nakikita ni Carter ang reaksyon niya dahil nakatalikod ito mula sakanya.

"You're too busy to your family business right babe, kaya naman ako nalang ang mag-aasikaso kay Sha," humarap ito kay Carter at muling pumulupot.

Napataas balikat nalang si Carter saka tumango.

Hayop na bruha 'to!

"Well, everything is settled now, so shall we?" pekeng ngiti niyang sabi sa'kin habang nakalahad pa ang mga kamay nito sa labas ng pintuan.

I just ignored her at tumingin muli kay Carter.

"Uhmm, pwede ba akong humingi ng favor?" nahihiya kong tanong rito.

"Anything Sha," nakangiti niyang saad.

"Pwede mo ba akong samahan maglakad-lakad every morning?" sabi ko. Naalarma naman si bruha at agad na tumutol.

"Huh? No! Hindi ka pwedeng magpagod diba?!" pasigaw niyang usal sa'kin.

Tsk!

"Nicole is right, kailangan mo lang gawin ay magpahinga," pansang-ayon sa kanya ni Carter.

"Hindi naman malayo ang lalakarin ko, mabuti daw kase sa mga buntis kung nakakalanghap ito ng sariwang hangin tuwing umaga." paliwanag ko naman sakanya. Napatigil naman ito at parang napa-isip.

"Uhmm, okay. Pero dito lang malapit sa bahay," aniya. Tuwang-tuwa naman ako noong napapayag ko siya.

"Why is Carter pwede naman ako?!" nakaturong sambit ni Nicole sa sarili niya. Pasimple naman akong napa flip hair at tumingin ng inis dito.

"Mas mainam daw kase kapag daddy ng baby ang kasama," plastik kong wika. Tila nag-eenjoy naman ako sakanyang pinapakit na reaksyon. Parang gustong manakit ang gaga e!

She just rolled her eyes to me and let out a heavy sighed.

"Fine! Para sa bata!" sabi niya at diniinan pa ang salitang 'bata'.

Gaga ka! Para saming dalawa duh!

Nagpaalam na sila sa akin at nakangiti naman akong umupo sa malaki at malambot na kama.

Kinabukasan at iyon nga ang nangyari. Pero kainis talaga 'tong bruha na 'to! Nauna pa yata siyang gumising sa aming dalawa ni Carter. Pagkalabas ko kanina sa kwarto siya agad ang nakita ko. Sinuot na niya yata ang pag jogging outfit nito kagabi pa.

Naglalakad lang ako habang siya naman ay mabagal na nagjo-jogging sa aking tabi. Nasa likuran naman namin si Carter at nakapamulsa lang ito sa paglalakad. Mukhang napilitan lang siyang bumangon kanina dahil halata mo ngayon sa kaniyang mukha na ina antok pa ito.

Nakangiti naman ng nakakainis sa'kin si Nicole habang tumatalon-talon pa ito sa pag e-exercise na parang kabayo. Tse!

Sa inis ko ay may biglang pumasok na ideya sa utak ko.

Hahaha. Be ready bitch!

Inihanda ko ang aking sarili at kunwaring napaupo. Napatigil naman si bruha sa pag e-exrcise niya at agaran namang lumapit sa'kin si Carter.

"W-what happened?" nag-a-alala niyang tanong. Hinawakan pa nito ang mukha ko at sapilitang iniharap sakanya.

"Parang nahihilo ako," pagkukunwari ko.

"Bumalik na tayo," aniya. At gaya nga ng inaasahan ko, binuhat ako nito. Ngumiti naman ako ng pasimple at tumingin kay Nicole. Gulat na gulat ito at mukhang inis na inis sa nangyayari.

Tsk! Kulang pa 'to mga panlolokong ginawa mo kay Carter! Tse!

BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now