CHAPTER 3

88 5 0
                                    

CHAPTER 3




Nandito kaming tatlo ngayon sa isang mamahaling restaurant. Ang kabog lang ah!

Maya-maya pa biglang nagsalita si Nicole.

"Totoo bang buntis ka at si C-carter ang ama?" kunwaring nasasaktan niyang tanong sa akin. Ay ang galing umarte ah! Pero wait ses mas magaling ako sa 'yo.

Kunwaring napatakip ako sa aking bibig at umiyak-iyak.

"H-hindi namin sinasadya N-nicole, maniwala ka," umiiyak kong wika. Napayuko pa ako kunwari para punasan ang mga kuno'y luha ko kahit wala naman.

"B-bakit? Bakit n'yo nagawa sa akin ito?!" ngayon ay galit-galitan na siya. Ay kabog!

"P-pinilit ako ni Carter. Ang s-sabi niya sobrang nagandahan daw siya sa akin noong gabing iyon, kaya naman nagawa namin ang bagay na hindi naman dapat," pagkukunwari ko. Nakita ko naman si Carter na gulat na gulat. Mas lalo na si Nicole, ang sama ng tingin niya sa akin ngayon hehe.

"H-hoy! What the fuck is your talking about?!" inis na usal sa 'kin ni Carter. Pulang-pula na ngayon ang kaniyang buong mukha.

"B-bakit Carter! Lasing ka nung gabing iyon! Sobrang nasarapan ka pa nga diba!" sabi ko na mas lalong nagpalaki sa mga mata niya lalo na ang babae.

"Stop it!" galit niyang sigaw sa akin.

"So anong desisyon niyo ngayon?!" parang naiinis na talagang sabi ni Nicole sa akin. Hala siya! Mukhang tinotoo ang actingan ha!

Hindi naman ako nakapag salita.

"For me, after lumabas ng bata, gusto ko siyang ipa DNA test," saad ni Carter na nagpa trigger sa akin!

"A-ang kapal din ng mukha mo! Hindi pa ba klaro sayo na ikaw lang yung naka galaw sa akin!" sigaw ko sakaniya.

"E hindi ko nga alam kung ako lang ba yung naka—" hindi n'ya naipag patuloy ang sinasabi nito noong mapaharap siya kay Nicole, ang sama ng tingin nito sakanya.

Gaga 'to! Talaga yatang nagseselos.  E siya naman lahat ng may pakana nito.

"I-i mean—"

"Stop it! Para sa akin, ang gusto kong mangyari ay kukunin ko ang bata pagka silang nito," seryosong niyang sabi. Napasigaw naman sa kaniya si Carter.

"Ano?! B-babe"

"That's my final decision!" aniya at nagsimula ng siyang tumayo. Tumingin pa muna siya sa akin ng makahulugan bago siya kunwaring padabog na lumabas ng restaurant.

Galit namang humarap sa akin si Carter.

"Sha?! What the fuck is that?!" naasar niyang tanong. Huminga naman ako ng malalim at linapitan siya.

"Anong watdapak dapak ka d'yan! Gago panagutan mo 'to!" inis kong usal sakaniya.

"At okay lang sa iyong kunin namin ang bata ni Nicole?" nagtataka niyang tanong.

Napaiwas naman ako ng tingin. Gago! Hindi ko pamimigay ang anak ko! Gagawin ko lang 'tong rason ngayon para makuha ang loob mo.

"A-ayos lang, total hindi kanaman naniniwala sa akin e," nauutal kong sambit. Napasapo naman siya sa kaniyang mukha at umiling-iling.

"Okay okay okay, bastat yung bata lang yung kukunin ko, hindi ikaw." Nas-stress niyang saad. Parang sinaksak naman ang puso ko. Hayop na 'to!

"Pumunta kana ba sa hospital?" seryoso niya ng tanong ngayon. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Ayyieeeeee kinikilig ako tae!

"H-hindi pa," tipid kong sagot. Pabebe yarn!

"Ano?! Why is that?!" gulat niyang tanong. Tumingin naman ako sakaniya ng deretso sa mga mata at ang seryoso ng mga tingin nito.

"Wala me pera e," pagda-dahilan ko.

"Okay, starting tommorow magpa check kana. You need to take care of my baby," aniya. Ayieeeee kinikilig talaga ako langya! Our baby hehe.

"Samahan moko bukas," nakalabi kong usal. Pa cute yarn!

Ngumiwi naman siya sa itsura ko. Hayop!

"Okay, sunduin nalang kita bukas sa bahay niyo." aniya at mabilis na tumayo.

"Sa'n ka pupunta?" gulat kong tanong.

"Susuyuin ko muna si Nicole, alam kong masakit 'to para sakaniya." malungkot niyang usal at tumango muna siya sakin bago ito umalis. Hayop na 'yan! Iniwan ako dito! Ni hindi pa nga sila nakapag order ng pagkain!

Tumayo narin ako at tinignan ang pinto kung saan sila lumabas. Napangisi ako. "Be ready Carter, simula bukas sisimulan ko na ang plano kong mapa-ibig ka," bulong ko sa sarili ko at tumawa ng malakas na parang demonyo.

Napatigil naman ako noong ang dami palang nakatingin sa akin.

Nahihiya kong kinuha ang bag ko sa ibabaw ng table at mabilis na lumabas. Hayop na 'yan! Pagkamalan pa nila akong baliw.

Sa bagay, baliw na talaga ako ngayon, baliw na baliw kay Carter hehe. Boom basag!

BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now