CHAPTER 7

70 2 0
                                    

CHAPTER 7


[SHA's POV]


DALAWANG araw din akong nanatili sa hospital. At sa dalawang araw na iyon, hindi ako kinakausap ni Carter. Lagi naman siyang dumadalaw, 'yon nga lang parang hangin lang talaga ako sakanya.

Nagdahilan naman ako kina mama na dalawang araw akong nag stay-in sa hotel dahil may naganap na malaking event.

"Anak, may problema ka ba?" tanong sa'kin ni mama. Napalingon naman ako rito saka tipid na ngumiti.

Nandito ako ngayon sa likod ng aming bahay. Dito kasi, tanaw mo ng kaunti ang bundok. Sariwa pa hangin at talaga naman makakapag-isip ka ng maayos rito.

"Wala po ma, ayos lang po ako." usal ko rito. Malungkot naman ang kaniyang mga mata na lumapit sa'kin at tumabi sa mahabang upuan.

Yumuko pa muna ito sa mga kamay niya bago nagsalita, "Pasensya kana anak ha, pasensya na kung nakaka dagdag pa kami ng iyong papa sa iyong mga pasanin," malungkot niyang wika.

Mabilis naman akong umusog palapit sakanya at hinawakan ito sa kamay.

"Ma, hindi po kayo dagdag pasanin sa buhay ko," seryoso kong usal.

"At kahit na mahirapan po ako, hinding-hindi ko kayo pababayaan nina papa saka ng kapatid ko," dugtong kopa.

Malungkot namang niyang hinagkan ang aking mukha. Ngumiti ito ng maliit at sa'kin at saka ako yinakap.

"Salamat anak, hindi namin alam ng papa mo ang gagawin kung sakaling wala ka."

"Wala po iyon mama, taos puso ko po kayong susuportahan sa abot ng aking makakaya," sinsero kong usal.

Humiwalay naman siya sa akin at nakangiting pinagmasdan ako. Ngumiti rin ako sakanya at biglang may naalala. May sasabihin nga pala ako kay mama.

Buong magdamag ko 'tong pinag-isipan. Ayaw kong ma-dissapoint sa akin sina mama at papa kung sakaling malaman nila ang pinasok kong sitwasyon. Bumuntong hininga ako at seryosong tumitig sakanya.

"Ma, a-aalis po ako ngayon," nauutal kong usal. Nagtaka naman ang hitsura niya.

"Huh, kailan? Ngayon na ba?" tanong nito.

Tumango naman ako.

"Anong oras kanaman uuwi anak?" tanong pa nito.

'Baka abutin ako ng matagal mama' sabi ko sa isip ko.

Huminga ako ng malalim. Ayaw ko mang iwan sila pero kailangan ko 'tong gawin. Napag desisyunan ko ng lumayo muna sakanila hanggang sa manganak ako. Takot akong malaman nila ang pinasok kong sitwasyon. Baka lalo lang magka sakit si papa kapag nalaman nila ang totoo, na galing pala sa ganitong bagay ang mga perang binibigay ko.

Handa naman ako sa mga posibleng mangyari. Nakahanda akong harapin ang mga kahihinatnan nito. Pinasok ko 'to kaya naman dapat panindigan ko.

"B-baka matagalan po ako ma," medyo sumasakit ang lalamunan ko sa pagpipigil ng iyak.

"Ha?"

"Baka umabot po ng ilang buwan o isang taon," ina-asahan ko ng mabibigla ito.

"Aba naman anak, ang tagal naman, saan ba iyang pupuntahan mo ha?" naguguluhan niyang tanong.

Pinigilan ko naman ang aking sarili na huwag umiyak.

"Kailangan ko pong gawin 'to ma para sa promotion ko a-abroad, ite-training po nila ako sa ibang hotel at pagkatapos no'n ipapadala nila ako sa ibang bansa." pagsi-sinungaling ko.

Hindi naman agad siya nakapag salita at tila nagugulat parin sa mga aking tinuran.

"Anak kailangan mo pa bang gawin 'yan? Dito kanalang, sama-sama tayo dito" aniya. Parang dinamba naman ang dibdib ko. Gusto ko ng maiyak pero tinitiis kolang.

Malungkot akong umiling.

"Ma, kailangan ko pong gawin 'to para sa atin. Magha-high school narin po si Kevin kaya naman magandang oportonidad po ito para sa akin," paliwanag ko.

"E a-anak, paano kung mapano ka do'n, may k-kakilala kaba na sasama sa iyo? Paano kung magkasakit ka sinong mag-aalaga sa 'yo?" napapikit naman ako dahil sa winika niya. Hindi kona napigilan pa at bumagsak na ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Patawad mama.

"Hindi po ako magkakasakit do'n para sainyo. Mama a-alagaan ko po ang sarili ko," saad ko at pinunasan ang mga luhang dumaloy sa aking mukha.

Malungkot akong pinagmasdan lang ni mama. Pero napilitan din itong pumayag sa bandang huli.

"Bastat mag-iingtat ka do'n ha. Hangad ko lagi ang iyong kaligtasan," malungkot na usal niya. Tumango naman ako rito at yinakap siyang muli.

Nandito na kami ngayon sa harap ng aming bahay. Tinulungan ako ni mama kanina na mag-impake pagkatapos naming mag-usap. Maya-maya pa ay may biglang dumating na kotse na satingin ko'y pagmamay-ari nina Nicole. Bumaba ang driver noon at nakangiti akong binati. Ito yung payat na lalaki na nagsakay din sa'kin sa golfcart noong minsan.

Muli akong lumingon sa mga pamilya ko. Nakasakay si papa sa isang wheelchair habang naka-alalay naman sa kaniyang likuran ang kapatid kong lalaki at nasa tabi naman nila si mama.

Muling nangilid ang mga luha ko dahil sa mga hitsura nila. Tila sinasabi ng kanilang mga mata na huwag na 'kong tumuloy pa.

"Buo na ba talaga ang desiyon mo anak?" seryosong tanong sa'kin ni papa, pero halata mo naman sa kanya na nagpipigil lang ito ng kaniyang emosyon.

Naglakad ako palapit sakanya at yumukod sa harapan nito.

"Opo papa, para po sa atin 'tong gagawin ko. Alagaan niyo po lagi ang kalusugan n'yo," usal ko at pilit kong tinatagan ang aking loob.

Maigi naman niya akong pinagmasdan. Nakikita ko sa kaniyang mga mata na labis itong nalulungkot. Walang ano'y hinawakan nito ang aking mukha at saka ito napaluha.

"M-maraming salamat sa'yo anak. Pasensya narin kung ikaw ang nagt-trabaho sa atin imbis na ako, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at mag-iingat ka lagi roon," emosyonal niyang sabi. Hindi kona napilan pa at napa-iyak na rin ako. Mabilis akong tumango-tango sakanya at yinakap siya ng mahigpit.

"O-opo mag-iingat po ako doon. Kaya ingatan niyo rin po sana ang sarili n'yo, pati kayo," saad ko at tumingin kay mama. Tahimik din itong umiiyak pati ang kapatid ko.

Tumayo ako at yumakap rin sa kapatid ko.

"Huwag kang pasaway, alagaan mo sina mama at papa, mag-aral ka din ng mabuti" sabi ko rito. Tumango naman siya at nahihiyang yumuko para itago ang kaniyang pag-iyak.

Yinakap ko narin si mama sa huling pagkakataon. Pagkatapos no'n, mabagal akong naglakad patungo sa sasakyan.

Ang sikip ng dibdib ko.

Muli akong lumingon sakanila at ngumiti bago kumaway ng malungkot.

BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now