CHAPTER 11

43 3 0
                                    


CHAPTER 11



[SHA's POV]



HINDI ko alam kung nag-iisip pa ba ako ng tama. Andito lang naman ako sa condo ni Patrick at alas otso palang ng umaga ngayon.

"So sa'n mo gustong kumain mamaya?" he asked me wearing his captivating smile. May nakapalupot na tuwalya sa katawan nito at basa pa ang buhok dahil kakagaling niya lang sa cr. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapalunok dahil tama nga ang hinala kona meron itong 6 pack abs.

"Sorry, hindi kase ako nakaligo kanina nung sinundo kita. It just that, i was so excited to fetch you." paliwanag niya. Tumango muna ako bago tumikhim.

"Ikaw kung sa'n mo gusto. Hindi naman ako ang gagastos." usal ko at umiwas ng tingin. Dinig ko naman siyang tumawa.

"Okay okay, wait me here magbibihis lang ako." aniya at pumasok na 'to sakanyang kwarto.

Muli kong inilibot ang aking buong paningin sa kanyang condo. Medyo malaki parin yung kay Carter kumpara dito. Speaking of that guy, alas sais palang daw ng umaga nung umalis ito sa mansion anang isang katulong.

Naglakad-lakad ako at tinignan yung mga pictures frames na nasa table. Who's this girl? Dinampot ko iyon at pinakatitigan. She's beautiful indeed. Ano niya kaya 'to? Girlfriend? Obviously not, sabi niya kase wala siyang ganon. O kaya nama'y ex girlfriend? Well, its none of my business anyway.

Nabigla ako sa aking likuran nung may biglang magsalita. Im pretty sure he was so dissapointed to what i did. Well, hindi ko naman sinasadya ang makita ang mga 'to.

"Sorry," sabi ko nalang at napaiwas ng tingin sakanya. Narinig ko naman siyang napatawa.

"Its okay haha. I guess you're too interested to know who's that girl," ngiti niya. Napatingin naman ako ng diretso sakanya.

"Hindi naman. 'di naman ako chismosa no!" sabi ko at naglakad sa kabilang banda. Dinig ko naman ang yabag niyang sumunod sa akin.

"She's my ex girlfriend," sabi niya pero mararamdaman mo roon ang pait. Muli akong napaharap rito.

Nakangiti siya ngunit iba ang pinapakita ng mga mata niya.

"Sorry," wika ko kahit wala naman akong dapat na ikahingi ng tawad.

"No. Don't be sorry. You do nothing." mabilis niyang saad.

Aalamin ko pa sana kung bakit sila naghiwalay. Kaso naalala ko nga palang sinabi ko sakanya na hindi ako chismosa.

******

Hindi ko alam kung saan na ba ang lugar na ito. Medyo malayo na kasi ito sa syudad. Mapuno at kung titignan ang sarap mamuhay sa mga ganitong lugar. Tahimik at mapayapa.

Tumingin ako kay Patrick at naglakas loob na magtanong.

"Sa'n tayo pupunta?"

Tumingin lang siya sakin ng nakangiti.

"Ikaw ha! Kinikidnap mo na ba ako?" napatawa naman siya dahil do'n sa sinabi ko.

"What if i do?" aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko. That was a joke right?!

"Haha just jokin'. Naisipan kong pumunta nalang tayo sa aming private beach. Walang mga turista do'n at puro personal staff lang nang aming pamilya ang nandoon," nakangiti niyang paliwanag. Parang na excite naman ako.

"Talaga?" hindi ako makapaniwala. Tumango-tango naman siya habang nakangiti parin. Ang hilig niyang ngumiti ah?!

Masaya nalang akong tumingin sa labas ng bintana at in-enjoy ang magandang tanawin. Makalipas ang ilan pang minuto ay nakarating narin nakami.

BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now