CHAPTER 10

49 1 0
                                    


CHAPTER 10



[SHA's POV]


MABILIS kaming napalingon muli sa loob nung biglang sumigaw yung isang kasamahan nilang lalaki.

"Sige magsilayas kayo! Ako nalang lonely dito! Huhuhu ba't ang unfair ng mundo sakin?!" pagd-drama niya. Napangiwi naman ako.

"Haha don't mind him. Masyado lang bitter yan hehe," napalingon ako kay Patrick nung magsalita ito. Tumango nalang ako sakanya at tuluyan nakaming lumabas.

Dito lang malapit sa mansion kami naglakad-lakad. Medyo naiinis nga ako dahil ang dami nitong tanong.

"So I hope na wala kang boyfriend ngayon?" muli niyang tanong. Napasinghap naman ako at deretsong tumingin sakanya.

"Wala. Pero may gusto na 'kong iba." direkta kong sagot. Tumaas naman ang mga kilay niya saka napamilog ng bibig. Tila nag-eenjoy ito sa usapan namin.

"At least hindi pa kayo." saad nito at kibit balikat na nagpatuloy sa paglalakad. Tinignan ko naman siya. Tsk! Ganito yung galawan ng mga fuckboy na alam ko e.

"Ahm, nga pala, ngayon ko lang nalaman na may pinsan palang maganda si Carter. Halos kasi ng pinsan nito ay nakita at kilala ko na, pero ikaw ngayon lang kita nakita." muling tumigil ito sa paglalakad at curiuos na humarap sa akin.

Parang napipi naman ako. Ano bang idadahilan ko sakanya. Hindi naman siya chismoso niyan no?

"Uhmm, mag s-second cousin kami, mommy niya saka daddy ko magpinsang buo." paliwanag ko. Tinignan naman niya ako na parang nagdududa na nagpa-iwas sa akin ng tingin.

"Okay, I understand now," ngiti niya at muli kaming nagpatuloy sa paglalakad.

Napahinga naman ako ng malalim. Muli ko itong pinasadahan ng tingin. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Masasabi kong marami na nga sigurong napaiyak na babae 'to. Sa tindig palang niya pag boyfriend material na ito, iyong pwedeng ipag display sa kung saan.

Medyo kalakihan ang katawan nito na satingin ko'y meron din siyang 6 pack abs. Bahagyang matambok ang puwitan at kung titignan, maskuladong-maskulado.

Biglang akong napa-atras nung magsalita ito.

"Huyy kanina pa kita kinakausap," seryoso niyang tanong at sumilay naman sakanya ang nakakalokong ngiti.

"A-ano 'yon?" nauutal kong sagot. Hindi ko namalayan na kinakausap niya pala ako. Masyadong naokupado ang utak ko sa kakaisip sakanyang panlabas na anyo.

Tumawa siya ng nakakaloko, "Pinag-aaralan mo ba ang katawan ko?" aniya at humawak pa ito sa kanyang baba.

"H-hoy hindi ah. Ang kapal mo naman," naiinis kong saad. Tumawa lang siya at umiling-iling.

"Easy, binibiro lang naman kita, huwag kang magalit haha." tumatawa niyang paliwanag.

Napatingin naman ako sa kanyang likuran dahil hindi ko siya matignan ng deretso.

"Hindi naman ako galit," mahina kong usal.

"You're so cute, you know that?" tanong niya na nagpaharap sa'kin sakanya.

Seryoso ang mga mata nito pero may konting ngiti parin sakanyang labi.

"You know what, ngayon lang ulit ako tumawa ng ganito."

Hindi ko naman alam ang ire-react ko.

Umiling-iling siya, "Masyado na yata kitang nai-istorbo, tara balik na tayo," tipid niyang ngiti. Napakagat naman ako sa aking labi at sumunod sakanya.

BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now