CHAPTER 6

62 2 0
                                    

CHAPTER 6


[SHA's POV]


TUMAMBAD sa'kin ang puting kisame at nakakasilaw na mga ilaw pagkagising ko. Napadaing naman ako sa aking sarili noong makaramdam ako ng sakit sa aking katawan, lalo na yung maselang parte sa aking ibaba. Nanlaki ang mga mata ko noong maalala ko ang nangyari. Takot akong bumangon at agad namang lumapit sa akin si Nicole na nasa tabi.

"S-sha are you alright?" nag-a-alala nitong tanong. Mabilis ko naman siyang hinawakan sa kamay habang nanginginig pa ang mga ito.

"Y-yung b-baby ko," gumagaralgal ang boses kong tanong.

Napatigil naman siya at naiiyak na tumingin sa akin. Parang nanghina naman ako sa pinakita niyang reaksyon at mabilis akong napabitaw sa mga kamay niya.

Nanginginig akong napatakip sa aking bibig. Nagsimulang umagos ang aking mga luha. Parang sinasaksak rin ang puso ko ngayon sa sobrang sakit nito. Napailing-iling ako habang umiiyak. Ang baby ko.

Agaran namang lumapit sa akin si Nicole at hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat upang mapaharap sakaniya.

"Shhh d-dont cry. Walang nangyaring masama sa baby," mahinahon ngunit nag-a-alala nitong wika. Napatingin naman ako sakanya.

"Muntik ka lang makunan, buti nalang agad ka naming naidala rito sa hospital," aniya pa. Nakahinga naman ako ng maluwang at muling umiyak. Natakot ako. Akala ko wala na ang baby ko.

"Shhhh, everything is okay now hmm," pag-papatahan pa nito sa akin.

"S-sha, a-about sa narinig at n-nakita mo kanina, can we keep it as a s-secret?" maya-maya pang nauutal nitong saad.

Mabilis naman akong tumingin sa kanya. Muli kong naalala yung pag-uusap nila ng lalaking iyon!

"Ang tagal mona palang niloloko si Carter!" inis kong sabi sakanya. Nagulat naman ito sa aking sinabi at medyo napa-atras pa siya ng konti sa akin.

"P-please Sha, nagmama-kaawa ako sa 'yo. Pinagsisihan ko naman na e, kaya nga nakipag hiwalay na ako kay Jake," nagsusumamo nitong pakiusap. Huminga naman ako ng malalim at inis paring tumingin sakanya.

Kung ako tinanggap ko na sa sarili kong magiging masama ako dahil balak kong agawin sakanya si Carter, pero sa nakikita ko ngayon mas masama pa pala siya sa'kin. Paano niya pinagmukhang tanga ng ganoon si Carter sa loob ng mahabang panahon?!

"P-paano mo nagawa iyon kay Carter? A-ang sama mo!" sigaw ko sakanya. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata at mabilis na lumapit sa akin para magma-kaawa.

"P-please I will do anything para lang huwag mong sabihin ito kay Carter, Im begging you Sha p-please," hinawakan nito ang aking dalawang kamay at pilit na nagma-kaawa. Umiiyak na rin siya ngayon.

Galit naman akong umiwas ng tingin sakanya. Bumuntong hininga ako at saka nagsalita.

"Hindi. Kailangan malaman ito ni Carter." matapang at diretso kong sabi.

Hindi ko gagawin ito para lang sa sarili kong kagustuhan at intensyon. Gagawin ko ito dahil naaawa ako kay Carter. Hindi niya pala alam na matagal na siyang niloloko nitong Nicole na 'to!

"I'm begging you please mahal ko si Carter, hindi ko kayang mawala siya sa akin," inis naman ulit akong tumingin sakanya.

"Ano? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" hindi ko mapigilan sa aking tono ang maging sarkastiko.

"Kung mahal mo siya hindi mo siya lolokohin ng ilang taon. Hindi mo siya dapat pinag mukhang tanga!" dugtong ko pa.

Bigla namang nagbago ang kaniyang itsura at marahan itong lumayo mula sa akin saka tumingin ng masama.

"Ha!" singhal niya, "Sino ka ba! Binabarayan lang naman kita ah! Kaya kung maaari itikom mo nalang iyang bibig mo at manahimik," galit niyang usal sa akin. Nabigla naman ako sakanyang inakto at parang nasaktan.

"Oo binabarayan mo lang ako, pero hindi parin tama ang ginagawa mong pagloloko kay Carter!" buwelo ko naman sakanya.

Nanlilisik naman ang mga mata niyang naglakad palapit sa akin.

"Satingin mo ikaw hindi mo siya niloko?" naiinis niyang tawa. "Paano kung sabihin ko rin sakanya na sinadya mong magpa buntis rito para lang sa pera," nagbabanta ang tono niyang wika.

Napatigil naman ako at hindi nakapag salita.

"Kaya manahimik ka nalang kung ayaw mo siya lalong masaktan!" medyo pasigaw nitong saad saakin.

"Unless, may gusto ka sa boyfriend ko?!" naghuhusga nitong tanong. Tuluyang nanlaki ang mga mata ko at napaiwas ako ng tingin.

"H-hindi totoo 'yan" nauutal kong sambit.

Magsasalita pa sana siya noong biglang bumukas ang pintuan ng hospital at iniluwa no'n si Carter. Mabilis siyang lumapit sa amin at labis talaga ang kaniyang pag-a-alala.

"W-what happened? How's my baby?" nag-a-alala nitong tanong. Parang nasaktan naman ako dahil hindi muna ako ang kinamusta niya.

Mabilis namang lumapit sakanya si Nicole at yumakap rito. Napaiwas naman ako ng tingin dahil doon.

"Its okay babe, wala namang nangyaring masama sa bata e." nakangiti niyang sabi kay Carter at hinalikan niya pa ito sa pisngi.

Nagpa kawala ng malalim na hininga si Carter at nagpasalamat. Mabilis naman siyang lumingon sa akin at para itong naiinis na pinagmasdan ako.

"Ano bang nangyari ha?!" galit niyang tanong at nabigla naman ako.

"Babe, kalma kalang okay. Hindi naman sinasadya ni Sha na madulas ito sa banyo," paliwanag sa kanya ni Nicole. At mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil do'n.

"Sabi ko namang mag-iingat ka e! 'yan dahil sa kapabayaan mo muntik mo ng mapatay ang anak ko!"  galit niya muling sigaw. Parang sinaksak naman ang puso ko. Nanakit din ang lalamunan ko at hindi makapag salita. Ang bigat sa pakiramdam ng mga sinabi niya.

Muntik ko ng mapatay ang anak niya? Anak ko rin 'to. Satingin niya ba gusto ko rin ang nangyari?!

Gusto kong ipagtanggol ang aking sarili kaso parang nanghina talaga ako at gulat na gulat sa mga binitawan niyang salita.

Napaiyak nalang ako ng tahimik.

BORROWED LOVEWhere stories live. Discover now