-4-

3.2K 82 3
                                    

Skyy

"Oha! Gwapo ko oh!" nag-pose pose pa ako sa harap ng body mirror sa loob ng opisina nitong lalaking to.

"Nandito ka para magtrabaho hindi para mag-model diyan." napalingon ko kay Mr. Mulford ng magsalita ito.

"Ade wow." nasabi ko na lang saka lumapit sa kaniya.

Nagsimula akong magtrabaho as secretary niya, nagsorry din ako dun sa dati niyang secretary kanina pero sabi niya ayos lang daw. Ako yung nasasaktan para sa kaniya.

Ang daming utos nitong lalaking to. May pinakuha sa iba't ibang floor ng building na papeles at pipirmahan daw niya. May ihahatid na iba't ibang papeles sa ibang department.

Kaunti na lang talaga isasapok ko sa kaniya tong dala kong hard copy box na dala ko eh. Inutusan niya ako kumuha ng isang kahon ng bond paper at kailangan daw niya. Paano niya kakailanganin wala naman siyang printer sa opisina niya ano naman gagawin niya dito?

"Ang tagal mo." napatingin ako ng masama sa lalaking to.

"Hoy! Pinakuha mo saken to tapos biglang nasira yung elevator at isa pa." ibinagsak ko yung box kita ko naman na bahagya siyang nagulat. "Hindi ako kargador dito! Secretary ako tapos ginagawa mo akong kargador." inis na sabi ko.

"Low your voice, Mr. Clifford." seryosong sabi ni Mr. Mulford kaya napalabi naman ako.

"Sorry." sabi ko na lang at pasimple siyang inirapan.

Dumating ang lunch at dumeretso naman agad ako sa sariling canteen ng building na ito at nag-order nang makakain. Habang naghihintay ako ng kakainin ko ay nakarinig ako ng usapan.

"Woah! Mas lalong gumwapo si Sir nung nakangiti siya!"

"First time ko nga makita siyang ngumiti eh!"

"Ay oo! Kase last time na ngumiti siya nung sila pa ng jowa niyang mukhang pera!"

Napakunot ang noo ko sa pinag uusapan nila. Sino ba yung pinag-uusapan nila? Napatigil ako ng dumating na yung pagkain ko.

Isusubo ko na sana yung kutsara na may pagkain ng may mag-lapag ng pera sa lamesang kinakainan ko. Nang tingnan ko ay nalapag ko ang kutsara at boring na humarap sa kaniya.

"Bili mo ako sa starbucks." napangiwi ako sa sinabi niya.

"Kakain na nga ako eh! Hayy akin na!" padabog kong kinuha yung pera at tumayo.

"Teka!" tawag niya. "Dalawa bilhin mo." dugtong niya.

"K." maikli kong sagot at umalis.

Pumunta akong starbuck at in-order ang pinapabili niya. Umupo muna ako sa isa sa mga upuan dito at naghintay. Nang tawagin ang pangalan ng in-order ko ay pumunta agad ako doon.

Napatigil ako sa pag abot ng kape nang may humawak nito. Napatingin ako dun sa humawak ay lalaking matangkad na nakaformal suit din siya.

"Ay sir, sa kaniya po yan nauna po siyang nag-order." sabi nung babae kaya nabawi ko yung kamay ko.

"Sorry sorry." nakangiti kong sabi.

"Nah, it's okay sa kaniya na muna." nakangiti namang sabi nung lalaki.

"Ah hindi na dalawa naman order ko." umiling pa ako.

"Oh okay." sabi nung lalaki at kinuha ang kape na binili niya at nagbayad.

Bumalik ako sa inuupuan ko kanina at nakita ko naman na nakiupo siya sa tapat kong upuan.

"Can I?" tanong niya at tumango na lang ako, ano pa ba magagawa ko eh naka-upo na siya.

Naghintay pa ako, medyo natatagalan kase madami palang nago-order. Bwisit na lalaki yun wala ng init yung pagkain ko don nakakawala ng gana.

"Saan ka nagta trabaho?" narinig kong nagsalita yung lalaki kaya napatingin ako sa kaniya na nakatingin pala sakin.

"Ahh diyan sa Mulford Enterprise." sagot ko habang naggagala ng tingin sa loob ng starbucks.

"Ohh diyan ako papunta ngayon may imi-meet akong kaibigan ko." napatingin ako sa kaniya.

"Eh? Edi sabay na tayo mamaya." nakangiti kong sabi.

"Oh okay sige."

Naghintay pa ako ng saglit tapos nung makuha ko na yung order ko ay sabay na kami nitong si Draken, nagpakilala siya sakin kanina. Grabe din ang yaman neto eh, ang babata pa ng edad nila tapos mga ceo na ng mga malalaking kompaniya dito.

Draken Fetalvero ang pangalan niya, sa pangalan pa lang mukha nang mayaman eh ako sa pangalan lang mukhang mayaman sa totoong buhay dukha. Haha.

Nagku kwentuhan lang kami ni Draken nang makapasok kami ng building. Nagpaalam ako sa kaniya na sa canteen na ako de-deretso dahil hindi pa ako tapos kumain tapos sabi niya kita na lang daw kami mamayang break.

"Ay wala na malamig na tong pagkain ko." nakasimangot kong sabi pagkadating ko sa table ko kanina.

"Akina." kinuha lang niya sakin yung isang kape tapos naglakad na.

"Teka! Paano tong isa!?" sigaw ko pero di na sumagot ang ulol.

Kinain ko na lang yung pagkain ko kahit hindi mainit sayang din yun! Tapos may starbucks pa ade sumarap ng konti yung pagkain ko.

Pagkakain ko ay dumeretso na ako sa opisina ni Mr. Mulford. Pagkapasok ko ay may kausap na lalaki yung boss ko, nang makalapit pa ako ay nagulat ako sa lalaking kausap niya.

"Oy Draken!" tawag ko dito at napatingin naman siya sa akin at napangiti.

"Oh Cliff, ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Secretary ako ni Sir Mulford." tinuro ko pa si Mulford. "Eh ikaw?"

"Ah siya yung kaibigan kong sinasabi ko sayo." napangiwi ako sa sinabi niya.

Tiningnan ko si Sir Mulford at ibang iba ang nakikita ko sa kinu-kwento niya kanina.

"Iyan? Ang gaspang ng ugali niyan, eh apaka matapobre." sabi ko at nakita ko naman na medyo gulat at natatawang nagpapalit palit ang tingin sa amin ni Sir Mulford.

"Woah, ikaw lang nakilala kong kayang sabihan nang ganiyan si Seb." natatawang sabi ni Draken.

"Hey you! Wag mo nga akong insultuhin sa harap ng kaibigan ko." masama ang tingin ni Seb daw sa akin, pake-alam ko naman sa kaniya?

"Baket? Totoo naman ah? At alam mo ba Draken ginawa akong kargador niyan pinakuha ako ng isang box ng bond paper dahil kailangan daw niya eh wala naman siyang printer dito." pagku kwento ko kay Draken.

"Ha? Anong katangahan yon Seb?" natatawang tanong ni Draken sa kaibigan niya.

"Tss, umalis ka na nga dito sa opisina ko alis shoo! Shoo!" pang tataboy ni Seb sa kaibigan niya na natawa naman.

"I smell something's fishy best friend." nakangisi si Draken bago humarap sa akin at nagpaalam na aalis na daw.

"Grabe naman to magpa-alis ano siya aso?" aniko pagkaalis ni Draken.

"Stop talking, go back to work." masungit na sabi nito bago umupo sa swivel chair niya.

Ano na naman nangyari sa ulol na'to?"

______<4>______

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ