-51-

912 20 12
                                    

Skyy

"Ano ba!" Sigaw ko pagkatapos akong ibalibag ni Zeed sa isang kama.

"Wag ka ngang maingay!" Sigaw nito pabalik sa akin habang masama ang titig nito.

Tumayo ako at hinarap siya, "Bakit mo ba ginagawa 'to Zeed? Bakit?" Nakakunot ang noong tanong ko.

"Simple lang, dahil akin ka, Skyy, akin ka, walang makakakuha sayo mula sakin, wala sino man." Madiin niyang sagot.

"Hindi mo ako pagmamay-ari, Zeed, katawan ko 'to kaya ako ang may ari sa sarili ko!" Singhal ko sa kaniya.

"Shut up! Shut the fuck up! If I say you're mine? You're mine! Only mine, Skyy!" Sigaw niya sa akin, "You're body is mine, Skyy." Madiin niyang dugtong.

"No! Umalis ka riyan at uuwi na ako." Tinabig ko siya at akmang aalis na ng hilahin niya ako at ibalibag ulit sa kama.

"Walang uuwi! Sa layo ba naman nito sa kabahayan sa tingin mo makakalayo ka kaagad?" Nakangisi niyang tanong.

Napatitig ako sa kaniya, naalala ko kanina nung piniringan nila ako sa mata, malayo ang naging byahe namin at hindi ko alam kung saan ang lugar na ito dahil nang tanggalin nila ang piring ko sa mata ay nasa loob na ng bahay na ito.

"Tulong! Tulong!" Sumigaw ako at naglakad papunta sa bintana at binuksan iyon upang tumambad lang sa akin ang mapuno at masukal na gubat.

"Walang makakarinig sa atin dito, walang makakaalam kung nasaan ka, tayo lang nandito." Aniya sa likod ng tenga ko na nakapagpatindig ng balahibo ko sa katawan.

Hindi ko napansin ang paglapit niya kaya ganon ang kaba ko ng mag salita siya sa tangina ko. Kaagad akong humarap sa kaniya at itinulak siya saka nanakbo pero kaagad din akong natumba ng hilahin niya ako.

"Let go of me! You crazy!" Sigaw ko at nagpupumiglas.

Ginamit ko na ang lakas ko pero walang wala parin ito lalo na't wala sa katinuan ang isip ng lalaking to.

"You can't escape from me, Skyy!" Sigaw niya at muli akong hinila at pinaghahalikan sa leeg.

"Fuck!" Sigaw ko at pilit na itinutulak siya, "You maniac!" Sigaw ko at buong lakas na itinulak at tinuhod ang kaselanan niya.

"Fuck! Arggg!" Angil niya kaya kinuha ko ang chance na yun para makatakas sa kaniya.

Nagtatakbo ako palabas ng kwarto at bumungad sa akin ang daan papuntang hagdan kaya dali dali akong nanakbo roon, mabuti na laang at wala siyang kasama abubot niya.

Malapit na ako sa hagdan ng mapasigaw ako dahil may biglang humila sa akin.

"You fucking bitch!" Sigaw ni Zeed at sinampal ako ng malakas kaya napaupo ako sa sahig.

Masama ko siyang tiningnan habang hawak ang pisngi na sinampal niya. Tumungo siya at sinabunutan ako para ipaharap sa kaniya.

"H'wag mo nang tangkain na tumakas dahil kahit makalabas ka ng bahay na ito hinding hindi ka makakaalis sa gubat na 'to " aniya at idiniin ang sabunot sa akin kaya mas lalo akong napadaing sa sakit.

"Kahit hindi ako makaalis sa gubat na 'to makalayo lang ako sa baliw na katulad mo, you're nothing but a obesssive crazy guy!" Sigaw ko at mukhang napikon siya kaya isang sampal na naman ang natanggap ko.

"Masyadong matalas ang dila mo, parang kailangan mong maturuan ng leksyon." Nakangisi niyang saad at marahas akong hinila patayo.

Nagpupumiglas ako at ng makalaya yung isa kong kamay ay isang malakas na sapak ang ibinigay ko sa kaniya at dali daling nagtungo sa may hagdanan pababa pero di pa ako nakakahakbang ay napahiyaw ako ng hinila niya ako paharap at isang mainit na sampal ang ibinigay niya sa akin.

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Where stories live. Discover now