-17-

1.3K 52 0
                                    

Skyy

"Señorito Skyy." tawag sa akin ng isang maid, wait nagpakilala to sa akin kanina eh. Si Berna.

"H'wag mo na akong tawaging señorito kagaya mo lang din akong mahirap." nakangiti kong sabi sa kaniya.

Nandito ako ngayon sa sofa sa sobrang lawak na salas ng bahay ni Sebastian, mas malambot pa sa hinihigaan ko itong sofa nila eh sarap higaan.

Si Sebastian umalis may trabaho daw siyang gagawin. Nagtaka naman ako kung anong trabaho yun kase wala naman nadating sa aking email if may kailangan sa trabaho pero di ko na pinansin baka ibang trabaho niya yun.

"Eh señorito Skyy iyun po ang sinabi ni Señorito na itawag sa inyo." may ngiti siya na parang humihingi ng paumanhin.

"Eh wala naman siya ngayon." sabi ko.

Hindi ako pinayagan umuwi ni Sebastian dahil gabi na raw sabi niya, no choice ako kung hindi magstay dito baka sapokin pa ako nung lalaking yun.

"Ahh sige po." aniya, "Pero se–Skyy pala, pero Skyy secretary ka lang po ba ni Señorito?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Oo, bakit?"

"Ahh wala naman po, kase po kanina nakikita naming nagkaron ng emosyon si Sir sa tuwing kaharap o kausap ka niya, usually po kase seryoso lang siya at nagsusungit." pagku kwento ni Berna.

"Nagsusungit din naman si Sebastian sakin minsan, why? May problema ba don?" tanong ko kase naguguluhan ako.

"Ahh wala naman po, kase huli naming kita sa emosyon niya is nung bago magloko si Ate ghorl." napakunot noo ko sa sinabi niyang yun.

"Ate ghorl? Sino yun?" tanong ko, na-curious ako bigla.

"Ex po ni Seño–"

"Berna! Diba sinabi ni Señorito na h'wag ng pag uusapan ang genyan." biglang lumitaw sa eksena si Manang Bebe.

"Ay sorry po manang, napasarap lang po kwentuhan namin ni Skyy." hingi ng sorry ni Berna.

"Anong Skyy? Señorito, diba sinabi na ni Señorito iyon?" may pagkaistrikto din to si Manang eh.

"Manang ayos lang po, mahirap lang din po ako di ko madigest yung ganiyang way na tawag sakin." nakangiti kong sabi.

"Hay nako bata ka, oh siya magsabi ka lang kung nagugutom ka ha? Tawagin mo lang kahit sino sa amin." nakangiting sabi ni Manang bago umalis at pinasunod si Berna dahil may gagawin daw.

Naibagsak ko na lang yung sarili ko sa sofa at napapikit. Boring na naman wala na si Berna siya lang kase nakakausap ko dito sa mga maid yung iba kase ilag sakin dahil baka daw pagalitan sila ni Sebastian.

Napaupo ulit ako ng makarinig ako ng busina sa labas. Tumingin ako sa paligid, walang maid na pwede magbukas ng pintuan. Ako na lang ang tumayo at naglakad papuntang malaking pintuan ng bahay o mansiyon ni Sebastian.

Pagbukas ko ng pintuan ay may nakaparadang magandang kotse at sobrang kintab ang kulay nitong pula. Lumabad ang nakasakay don. Babae siya, hula ko kasing tangkad ko siya. Maputi, kung titingnan ang sosyal niya. Nung humarap na siya dun ko nakita ang mukha niya, at masasabi kong maganda siya.

Lumakad siya dala niya ang maliit na bag niyanh pula din. Naka dress siyang pula at may red lipstick. Hate na hate niya ang red, legit.

"Uhm who are you? Is Sebastian here?" may pagka mataray ang boses niyang tanong.

"A-ahh ako si Skyy, wala dito si Sebastian may pinuntahan." sagot ko, makadugo ang english niya ha.

"Then, who are you to him?" nakataas ang isa niyang kilay.

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Where stories live. Discover now