-6-

2.5K 76 2
                                    

Skyy

Pagod na pagod ako galing trabaho kaya pagkadating ko sa apartment na tinitirahan ko ay hinayaan ko na lang na bumagsak ang katawan ko sa kama ko.

Hanggang sa matapos ang working hours ay hindi na bumalik si Sir Sebastian kaya tinapos ko na lang yung gagawin niya.

Habang nag iisip ako ay may bigla akong katok na narinig sa pintuan ng apartment ko, tumayo ako at dumeretso sa pintuan para buksan ito.

"Hi!" isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lang ang nasa harapan ng pintuan ko.

Napakunot ang noo ko nang tingnan ko ay may dala siyang mga maleta.

"Sino ka?" tanong ko at nakangiti naman siyang sumagot.

"Uh I'm Clyde, I will be your room mate." napakunot lalo ang noo ko sa sinabi niya.

"Room mate? Huh?"naguguluhan kong tanong.

"Nagbayad na siya kanina ng renta at buo ang binayad niya." biglang nagsalita ang tenant ng apartment na kakadating lang.

"What the- hayy okay okay." wala akong nagawa kung hindi papasukin itong si Clyde.

May extra room pa naman tong apartment ko kaya ayos na din. Sabi din naman niya ay hati kami sa bayarin dito mabuti na din pala na nagkaroon ako ng room mate.

Tinulungan kong mag ayos ng gamit tong si Clyde at halatang mayaman tong isang to base na rin sa kaniyang mga gamit at sobrang dami nito kaya tinulungan ko.

"Ilan taon ka na?" tanong ko ng nakaupo na kami dito sa lamesa at nagkakape.

"I'm 19 years old." sagot niya at napatango naman ako. "Ikaw?"

"Same as you." sagot ko.

"Nag aaral ka pa?" napatingin ako sa kaniya ng matagal ng tanungin niya iyon.

Nag-iwas ako ng tingin, "Hindi na." sagot ko.

"Parehas tayo." napatingin ulit ako sa kaniya sa sinabi niya.

"Ha? Bakit? Mukha ka naman mayaman eh." aniko at napangiti naman siya ng mapakla.

"Mayaman nga pero sa akin parin naman ipapamana yung kompaniya namin bakit pa ako mag-aaral?" sagot niya.

"Hmm? Pero bakit nandito ka?" tanong ko at tumingin muna siya sakin ng saglit bago umiwas ng tingin.

"I want to be independent, saka sa totoo lang ayoko ng kompaniya namin kaya umalis ako samin, good thing hindi tumutol mga magulang ko." napatango ako sa sagot niya.

"Mabuti yan." sagot ko na lang kase wala akong maisip na sagot.

"Ikaw? Bakit ka nakatira mag isa dito? Nasaan parents mo?" napatigil ako ng pag higop ng kape sa tanong niya.

Napabuntong hininga ako bago ko binaba ang tasa ng kape ko, matagal bago ako sumagot.

"Wala na sila." sagot ko.

"A-ahh sorry." aniya, umiling naman ako.

"Nah, It's okay namatay mama ko bago ako grumaduate ng high school yung papa ko naman hindi ko nakilala." sabi ko.

After namin magkape ay nagpasok na kami sa kani kaniya naming kwarto. Napatitig ako sa kisame ng mahiga ako sa kama ko. May pasok ulit ako bukas kaya kailangan kong matulog na.

Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang alarm ko. Dali dali akong tumayo at naghanda para maligo. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Clyde na nagluluto sa kusina.

"Morning!" bati niya at tumango naman ako.

"Morning din." bati ko pabalik.

"Teka hindi ka mag-a-almusal?" tanong niya bago ako makapasok ng banyo.

"Ahh hindi ako nag-a-almusal ever since." sagot ko.

"Ano? Hindi ka ba nanghihina kapag napasok ka sa trabaho? Walang laman yang tiyan mo." aniya habang nag hahain na ng almusal.

"Hindi naman, sige ligo na ako-"

"Kumain ka muna, madami naman tong niluto ko." aniya, wala akong nagawa kung hindi kumain kase madami nga yung niluto niya at isa pa mukhang walang balak siyang tigilan ako.

After kumain ay agad akong nagdiretso sa banyo para maligo. Pagkaligo ay nagsuot agad ako uniform ko at nagdiretso paalis, nagpaalam muna ako kay Clyde syempre.

Naghintay ako ng tricycle na sasakyan ko papunta sa pinagta trabahuhan ko. Pagkadating doon ay dumeretso agad ako sa elevator kaso puno ito kaya pumunta ako don sa isang elevator.

May nakita akong sign na bawal daw iyon gamitin pero baka ako ma-late kapag hindi ako dito sumakay. Pinagtitinginan ako ng mga katrabaho ko ng sumakay ako don. Nagkibit balikat na lang ako.

Pagkadating sa floor ng opisina ni Sir Sebastian ay agad akong pumasok sa opisina at nakita ko siyang nandon na agad.

"Late ka na naman." aniya.

"Sorry nag-almusal pa ako eh." sagot ko at nakita ko naman na nakunot ang noo niya.

"So you're saying that you're not eating any breakfast para hindi ka ma-late sa mga trabaho mo?" tanong niya at tumango naman ako, nakita kong may sasabihin pa sana siya kaya nagsalita na agad ako para malihis ang topic namin.

"Wow may sarili na akong table dito sa loob ng office mo hindi ko na kailangan magpabalik balik papunta dito." natatawa kong sabi at naupo sa sarili kong swivel chair.

"Oo nakakahiya naman sayo." puno ng sarkasmo ang boses ni Sir Sebastian kaya natawa ulit ako.

"Mwehehe thank youuu!" nangingiti kong sabi at inirapan lang ako ng masungit na'to.

Wala naman masiyadong ginawa ngayon kase nga tinapos ko na kahapon. Nakatunganga lang ako dito.

"Hey, noisy!" napatingin ako ng masama ng tawagin ako ni Sir Sebastian.

"Ano yon, Mr. Sungit?" tanong ko.

"Bili mo nga ako sa starbucks." napaayos ako ng upo sa sinabi niya.

"Aba-"

"Sayo na sukli."

"Aba ay akin na yung pambili, eto bagal bagal magbigay ng pambili hindi dapat nag-aaksaya ng oras, sige na babye!" mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo at kinuha sa kaniya yung pera at lumabas.

Aba sayang tong sukli dagdag pambayad din sa bayarin. Pagkababa ko sa building ay agad akong dumeretso sa starbucks.

"Isa ngang-Clyde!" napalakas ang boses ko ng makita ko sa counter si Clyde.

"Oh Skyy, order ka?" tumango ako at sinabi ang order ni Sungit.

"Dito ka pala nag-apply? Buti natanggap ka agad." nakangiti kong sabi.

"Kaibigan ko may ari neto." aniya.

"Malakas pala ang kapit!" sabi ko at natawa naman siya.

"Well." pagmamalaki niya at natawa kami parehas.

Nagvibrate ang phone ko at nang kuhanin ko ito at tingan ay nagtext na pala yung boss ko.

"Ah sige alis na ako kitakits na lang sa apartment." aniko at tumango naman siya.

Agad akong bumalik sa building at sumakay ng elevator. Alam ko nang para kay Sebastian lang tong elevator pero hindi naman niya ako sinisita kaya ito na lang gagamitin ko para mas mabilis, mas mabilis kase to kesa sa elevator na pang empleyado.

Pagkarating ko sa taas ay dumeretso ako sa opisina niya. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang mukha ni Sebastian at ang lapit nito parang bubuksan niya yung pintuan para lumabas.

It feels weird in my chest...

______<6>______

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Where stories live. Discover now