-49-

756 20 0
                                    


Skyy

"Ano ba Zeed? Sabing wait lng kasi may tinatapos pa ako." Anas ko sa kaniya ng hindi tumitingin dahil sa may ginagawa pa ako.

"Mabilis lang naman tayo, Skyy." Pagpupumilit pa niya.

Nandito ako ngayon sa office ko at kasalukuyang chinecheck ang mga reports ng mga empleyado ko ng dumating itong si Zeed na walang ibang ginawa kung hindi ang mangulit dahil gusto niya raw kumain sa labas.

"Kung gusto mo ay um-order ka ng pagkain at dito tayo kumain, i really need to finish this early." Saad ko at tumingin sa kaniya ng saglit

Nagpatuloy ako at hindi na siya pinansin, napakunot ang noo ko habang nakatutok sa laptop dahil natahimik lng si Zeed at hindi nmn umaalis sa pwesto niya.

Tumingin ako kay Zeed na masama na pala ang tingin sa akin kaya nag-takha ako sa naging reaksiyon niya.

"May lakad na naman ba kayo nung Sebastian na yon kaya ba nagmamadali ka riyan?" Nakakunot at masama ang tingin sa akin na tanong niya.

"Ano!? Wala kaming lakad, alam niyang marami akong ginagawa, edi sana kung aalis kami mas nauna pa siya rito." Singhal ko at saka nagpatuloy sa ginagawa.

"Naks sanaol alam, ako itong boyfriend tapos wala akong kaalam alam sa boyfriend ko." Sarkastiko nitong saad na ikinakunot ng noo ko.

"Ano ba Zeed!? Yang pagiging paranoid at overthinker mo nakakainis na! Umalis ka na muna please lang." Hawak ang sentido na saad ko at mas lalo naman siyang sumama ang tingin.

Lumapit siya sa table ko, "Ito ang tandaan mo, Skyy sa oras na malaman kong may relasyon na kayong dalawa, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Pagbabanta niya kaya napatanga ako sa kaniya.

Hanggang sa makaalis si Zeed ay gumugulo parin sa isip ko ang sinabi niya, sa itsura ni Zeed hindi mo mapag iisipan ng masama eh pero ngayon? Sa uri ng pagtitig niya ay matatakot ka talaga.

Iwinaksi ko ang isiping iyon at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko, maya maya at pumasok ang secretary ko na may dalang paper bag na galing sa isang restaurant.

"Sir, delivery raw po sa inyo." Saad ni Sheena kaya napakunot noo ako dahil hindi naman ako na-order ng pagkain.

"Ha? Kanino raw galing? Hindi naman ako nag-order eh." Aniko at tiningnan ang paper bag na nilapag ni Sheena sa table ko.

"Kay sir Sebastian, ang sweet naman non, yieeee ang thoughtful!" Kinikilig pang saad ni Sheena kaya natawa ako.

Nagbigay signal ako kay Yasser through bracelet na pinagawa ko para lang sa mga tauhan ko kaya pumasok siya sa loob ng office, sinenyasan ko siya na tingnan si Sheena na kinikilig.

"Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Yasser kay Sheena na napaiktad sa gulat.

"Ay palaka!– ano ba! Bakit ka ba nandito? Siraulong to." Anas ni Sheena na ikinatawa ko.

"Nako, Yasser kinikilig iyan kay Sebastian nako mag ingat ka baka maagaw yan." Pang aasar ko kay Sheena na napansin kong namumula na.

"Ayy may tiwala naman ako diyan kay Sheena boss." Nakangiting saad ni Yasser na ikinangiti ko dahil parang may something na talaga sila.

"Luhh feeling! Bakit ganyan sagot mo, bakit? Tayo ba?" Anas ni Sheena at napatingin naman ako kay Yasser na bahagyang lumiit ang ngiti, kita rin sa mata niya na nasaktan siya roon.

"That's harsh, Sheena, bakit niyo naman kasi itatago iyang relasyon niyo eh wala namang masama roon?" Aniko at sabay pang tumingin sa akin yung dalawa at kita sa mukha ang gulat.

"Alam niyo na boss?" Gulat na tanong ni Yasser, si Sheena naman ay nakaiwas ng tingin.

"Ngayon pa lang, hinuhuli ko lang kayo ang bilis niyo namang mahalata kasi." Natatawa kong sabi sa kanila.

"Sorry po sir." Biglang saad ni Sheena kaya napataas ang isang kilay ko.

"For what? Is it for not telling to me that you're with him or is it for being in a relationship with him, it's okay for me, Sheena, you two are all grown up, it's your choice, kung sino gustohin niyo ay ayos lang, hindi naman ako nagagalit, at bakit ako magagalit kung masaya naman kayong dalawa?" Mahaba kong litanya.

Napangiti naman si Yasser at si Sheena ay hindi mo alam kung maiiyak na ewan eh.

"Thank you sir, akala ko magagalit kayo kaya nilihim namin." Sabi ni Sheena kaya napangiti ako.

"Sus, eh kailan pa ba kayo?" Tanong ko.

"6 months and counting sir." Masayang sagot ni Sheena na ikinanganga ko.

"What the fuck!? Matagal na pala kayo!" Gulat kong saad na ikinatawa nung dalawa.

"Sorry akin!" Ani Sheena at tumawa pa.

Napailing ako, "Hay nako sige na, basta kung may kailangan kayo at need niyo pang date, just talk to me, okay?" Aniko at napatango naman si Sheena tapos si Yasser ay kumontra.

"Boss hindi naman namin kailangan iyon." Saad ni Yasser at bigla naman siyang sinamaan ng tingin ni Sheena.

"Hay nako Yasser wag tumanggi sa grasya hehe noted po sir, sige po labas na kami enjoy sa lunch!" Paalam ni Sheena at hinila si Yasser palabas ng office ko.

Napangiti at napailing na lang ako sa kalokohan nung dalawa, ang cute pa nila kaya bagay na bagay sila sa isa't isa.

______<49>______

Sorry guys ngayon lang nakapag update dahil sobrang busy sa school eh sorry rin kung maikli lang ito marami lang talagang ginagawa.

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Where stories live. Discover now