-35-

949 23 3
                                    


Skyy

~6 years later~

Napangiti ako ng makalabas ng airport dala ang isang maleta ko, i'm here in our private airport, sa private jet ng aming pamilya ako sumakay dahil hassle lamang kapag sa public airport pa.

Ilang taon na rin ang nakalipas simula ng umalis ako ng pilipinas dahil sa mga nangyari, kinailangan ko ring magpagamot dahil sa trauma na inabot ko noong bata pa ako.

Sa nakalipas na anim na taon na yon, wala akong ginawa kundi ibigay ang buong atensyon at panahon ko sa tunay kong pamilya, I slowly accept the reality back then, hindi madali pero kinaya ko.

It was 3 years ago when I go back to our business in underworld, I work and build another company after a year of coming back in shaddy business.

Sa anim na taon na yon na nasa ibang bansa ako, nakalimot ako, nakapag-simula na ulit ako. At ngayong nandito na ulit ako sa pilipinas, ako na ulit ang hahawak ng lahat ng negosyo namin ni papa dahil nag-retire na siya noon pa, nung bumalik ako.

Tinaggal ko ang sun glasses ko ng pumarada ang mamahaling kotse na pag-aari ko na binili ko pa galing sa france. I have a lot of money, yes.

Bumaba rito si Yasser, my new subordinate, also my right hand. Siya ang hinire ni papa sa akin noon nung bumalik ako pero nandito siya sa pilipinas dahil sa kaniya ko muna pinabantayan ang mga kompaniya na di ko naaasikaso ng personal dito sa pilipinas.

"Welcome back, boss!" nakangiting bungad ni Yasser at kinuha ang maleta ko at dinala sa trunk ng kotse.

"Thanks! It's good to be back, I have so many works here that I didn't finish." nakangiti kong saad at sumagi sa isip ko ang imahe ni Sebastian, it's been a long time.

Sumakay ako sa kotse matapos akong pagbuksan ni Yasser ng pintuan, ng maisarado ay kaagad siyang pumunta sa driver seat at sumakay doon, wala na siyang tanong tanong at nagmaneho na ahad siya.

Nakatanaw lang ako sa labas ng kotse ng habang naandar ito, marami na rin palang nagbago rito sa pilipinas, mas dumami ang building at mga kalsada. Napatingin ako sa isang building kung saan may billboard doon, biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang lalaki roon.

Sebastian

Nagmomodel na pala siya? Well, hindi naman masama dahil maganda naman ang katawan niya noon at ngayon ay parang mas lalong gumanda, naka underwear lang siya kaya kitang kita ang ganda ng katawan niya at ang pumuputok niyang abs–teka ano itong iniisip ko? Kakabalik ko lang ha!

Inilihis ko ang tingin ko sa iba at napangisi ako ng may maalala. Speaking of Sebastian, yung tatay niyang ulol, ibinenta ang isang negosyo nito and I bet he didn't know anything about it, such a fool.

Ilang minuto ay nakarating na rin kami sa village kung nasaan ang mansion namin, this village is for mafias, yung mga bigating mafia at syempre isa na roon ang pamilya ko.

Tumigil ang kotse sa tapat ng mansion na sobrang laki, naipa-renovate yata ito dahil bago kami pumunta ng ibang bansa ay may kaliitan pa ito.

Pinagbuksan ako ni Yasser ng pinto ng kotse saka ako bumaba, tinanggal ko na rin ang jacket ko dahil binabanas na ako, iniabot ko ito kay Yasser na kakalapit lang sa akin dala ang maleta ko.

Naglakad ako palapit sa gate at nagdoorbell, hindi nga pala alam nila mama na ngayon ang dating ko, si Yasser lang kasi ang ininform ko kaya siya lang ang bodyguard na sumundo sa akin dahil kung alam nila mama ay tiyak na sandamakmak na body guard ang susundo sa akin.

Nakita kong lumabas ang isang katulong, base sa itsura niya ay masasabi kong bago lang siya rito, pinagbuksan niya ako ng gate at saka ito ngumiti.

"Sino ho sil–" hindi na nito natapos ang sasabihin ng makita si Yasser na nagsalita.

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon