EPILOGUE

1.4K 22 1
                                    

Skyy

Today is the day, ito na ang araw na pinakahihintay ko, ang araw na magiisang dibdib kami ni Sebastian.

Everybody wish for this, lahat pinangarap ang makasal sa taong mahal nila, lalong lalo na ang katulad naming magkaparehas ng kasarian, maraming tumututol pero wala silang magagawa.

Nanlalamig ang kamay ko habang nakaharap sa malaking salamin, inaayusan din nmn ako, malamang ayaw ko rin nmn maging maasim.

"You're already pretty boy, Skyy, I won't do heavy make up for you." Papuri muli ng make up artist ko, ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat.

Habang busy naman ang hair stylist ko sa buhok ko malamang ay pumasok si Mommy na umiiyak, napa-face palm ako sa utak ko dahil tapos na ang make up niya ang mabuti na lang ay waterproof at expensive make up ang ginamit kung hindi nako baka nagmukhang biyernes santo na si mommy.

"Umiiyak ka na naman, mommy." Nakasimangot kong sabi, tagalog lang para naman hindi maintindihan ng ibang tao rito ang pinagu usapan namin.

"Masaya lang ako, anak, finally you found someone that will take you to the altar." Aniya at napangiti naman ako, "Maygad! Yung make up ko!" Aniya at maarteng nagpupunas ng tissue.

Natawa naman ako, "Iyak iyak ka pa kasi." Aniko at napatingin naman sa taong pumasok sa kwarto.

"Naks! Pogi ah!" Nakangising saad ni Clyde kaya napangisi ako.

"Ako pa ba?" Pagmamayabang ko kaya binato niya ako ng tissue.

Tumigil naman ang mga nag aayos sakin para makapag usap kami, sinabi ko na rin na magpahinga muna sila dahil siguradong pagod na sila dahil ilang oras na silang kumikilos.

"Where's Yuki?" Tanong ko kay Clyde at agad namang pumasok si Yuki.

"Andito ako!" Aniya at lumapit sa amin.

"Ang tagal mo kasi." Ani Clyde.

"Pasensya ang ganda kasi rito sa hotel! First time ko." Kakamot kamot sa ulo na sabi ni Yuki.

Natawa ako, ilang buwan palang sila ni Kyraus sa pagkaka-alam ko at may pagka practical din kasi ito si Yuki kaya di gumagastos ng malaki si Kyraus para sa kaniya kaya for him first time niya ito.

"Kasama mo ba kapatid mo? Nanay mo?" Tanong ko kay Yuki at nakita kong lumiit ang ngiti niya pero agad ding bumalik ng masayang ngiti niya.

"Kasama ko si Yuri pero si nanay hindi, ayun nagsusugal lang." Aniya kaya napatango ako.

"Alam mo konti na lang kokotongan ko na yang nanay mo, walang ibang ginawa kundi magsugal." Ani Clyde na naiiling.

Napalinga linga ako sa paligid kasi di ko na napansin si mommy, lumabas na yata ulit kasabay nung mga make up artist.

"Hayaan mo siya doon kasi siya masaya." Ani Yuki saka bumaling sa akin.

"Pagbalik na lang natin sa pilipinas regalo ko ha, hindi yun mamahalin pero sigurado naman akong magugustuhan mo." Nakangiting saad ni Yuki.

Natawa ako, yung ang manly manly ni Yuki pero ang cute,"Alam mo kung hindi ko lang alam na jowa ka ni Kyraus ay mapagkakamalan kitang straight." Aniko at napakunot ang noo ni Yuki.

"Ako? Hindi ko jowa si Kyraus!" Anas ni Yuki kaya napataas ang kilay namin ni Clyde.

"Eh ano lang? Fubu?" Tanong ni Clyde na sinimangutan ni Yuki.

"Sira! Bastos mo! Ano lang, getting to know each other...?" Di siguradong sagot ni Yuki kaya natawa ako.

"Hay nako, Yuki, sa nakikita ko kayo na ni Ky." Aniko at sumang ayon naman si Clyde.

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon