-27-

1.2K 36 0
                                    

Skyy

Halos araw araw na ako nakakatanggap ng sulat mula sa iisang tao lang. Nagt-text na rin siya sa number ko. And this time nagpakilala na siya.

Laging niya ako kinakamusta at pinapalayo kay Seb na hindi ko naman alam kung anong dahilan.

"It's my father." saad ko at napatingin naman sa akin si Seb na nakakunot ang noo.

"Father?" naguguluhan niyang tanong.

"It's from my father, the messages." sabi ko nang nakangiti.

Ngumiti siya, "Good thing but nakita mo na ba siya in person?" tanong niya pero umiling ako.

"Sa picture lang." sagot ko.

"Can I see? Baka makatulong ako mahanap mo siya." sabi ni Seb.

"Wait!"

Dali dali akong pumasok sa kwarto ko at hinalungkat ang gamit ko, naitago ko ang picture na ibinigay ni mama sa akin noon. Nang makuha ko na ay agad akong bumalik at ipi akita kay Seb.

Nakita kong nawalan ng emosyon ang mukha ni Seb nang makita ang picture ng papa ko.

"Siya ang papa mo?" tanong niya sa akin at tumango ako.

"Matutulungan mo ba ako?" umaasa kong tanong.

Napatitig siya sa akin, "I-i'll try." sagot niya na ikinatuwa ko.

"Yey!" aniko sabay yakap sa kaniya.

Finally makikita ko na ang papa ko!



Sebastian


Kitang kita sa mukha ni Skyy ang saya ng sabihin ko iyon. And to be honest hindi ko na kailangan pang hanapin yun dahil kilala ko siya.

Paano kung mahanap niya ang papa niya ag magkita sila? Malalaman niya ang ginagawa ko.

Tumayo ako habang hawak ang baso ko na may lamang alak. Anong oras na pero gising parin ako dabil iniisip ko ang dapat kong gawin.

Alam kong alam na niya na sa akin nakatira si Skyy kaya pilit niyang pinapalayo sa akin si Skyy. Nakunot ang noo ko dahil bakit hindi ko nakilala ang initial niya dahil siguro di ko maiisip na padadalhan niya ng sulat si Skyy.

Kinuha ko ang isa kong cellphone at tinawagan ang secretary ko sa black anaconda.

"Yes boss?" sagot nito mula sa kabilang linya.


"I want you to investigate Scorpion, gusto ko malaman ang pagkatao niya." saad ko na agad naman niyang tinugon.


Si Scorpion, ang initial niyang S ay ang nagpapadala ng sulat kay Skyy. Siya ang tatay niya, ang kaaway ko sa underworld ang tatay ng taong mahal ko.

Tinapos ko ang pag-inom ko at lumabas ako ng kwarto ko para puntahan si Skyy sa kwarto niya. Pagbukas ko nito ay nakita kong mahimbing na ang tulog niya. Napangiti ako.

"Damn, I'm so inlove with this guy." bulong ko at lumapit sa kaniya.

Naupo ako sa kama at pinagmasdan ang gwapo niyang mukha, he's sometimes hot-headed, minsan ay pa-cute lang siya.

"I love you, Skyy, I really really love you at sana matanggap mo ako kapag nalaman mo ang totoong nga ginagawa ko, alam kong ayaw mo sa mga taong pumapatay pero hindi mo alam na yung boyfriend mo ang isa sa mga yon." mahinang usal ko habang pinagmamasdan siya.

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon