-9-

2.1K 58 1
                                    

Skyy

Nakahiga ako ngayon sa kama ko, dis oras na nang gabi pero hindi parin ako nakakatulog dahil sa nangyari kanina sa labas ng elevator.

Kanina ko pa pinapagalitan ang puso ko dahil react to ng react sa tuwing naiisip ko yung nangyari.

Napapikit ako at nagpaliko liko ang katawan ko sa kama.

"Aishh!!" sigaw ko at naiiritang naupo galing sa pagkakahiga.

Nakakainis naman tong pakiramdam na ito hindi maganda ito, lalaki ako lalaki din siya hindi pwede iyon! Hindi nga sabi eh.

Umalis ako sa kama ko at lumabas ng kwarto pero agad akong nagulat ng makita ko si Clyde na nasa salas at nagkakape.

"Gising ka pa?" tanong ko at lumapit sa kaniya.

"Hindi ako makatulog." sagot niya, napatingin ako sa kaniya at sa kape niya.

"Hindi ka pala makatulog bakit nagkakape ka pa?" tanong ko, ang weirdo kase niya.

"Ahh?" aniya at natawa "Ganito talaga ako kapag hindi makatulog naging habit ko nang magkape tapos ayun maya maya makakaramdam na ako ng antok." paliwanag niya.

"Ehh? Ano yun sleeping pills lang?" sarkastiko kong tanong.

"Hindi naman to pills kaya sleeping potion kase liquid."

"Ehh?" natawa siya sa tanong ko.

"Alam mo matulog ka na kulang ka na sa tulog kaya nasasabog ka." aniya.

"Baka ikaw yung sabog kung ano ano sinasabi mo diyan eh." sabi ko at tumayo para pumasok ulit sa kwarto ko.

•••

Maaga akong pumasok sa office dahil nagising din ako agad kaninang umaga, ang konti ng tulog ko walanghiya. Nandito na agad ako sa lamesa ko at nagta trabaho na, wala pa si Seb kase nauna nga ako diba.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito at pumasok si Seb na sisipol sipol pa. Sinusundan ko siya ng tingin dahil hindi niya ako napansin, pinagmasdan ko siya ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala ni Seb ang tangos ng ilong at ang kapal ng kilay niya.

Nang mapatingin siya sa gawi ko ay muntikan na siyang matumba dahil sa gulat, ano ako aswang? Ganoon na ba kapangit yung mukha ko.

"Sino ka?" tanong niya, napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Anong 'sino ka?'?" tanong ko.

"Yung secretary ko late pumasok! Sino ka? Bakit kamukha mo siya? Ilabas mo si Skyy yung secretary ko!" umacting pa siya na akala mo ay natatakot.

"Funny!" aniko at natawa naman siya bago lumapit sa akin at naupo sa mismong lamesa ko, bale nakatingala ako kase nakaupo ako sa swivel chair matangkad pa naman to.

"Pero seriously, bakit ang aga mo?" tanong niya.

Dahil sayo hindi ako nakatulog ng maayos kagabi tapos maaga pa ako nagising.

"Maaga lang akong nagising kanina." sagot ko at inaayos ang mga papel na nasa lamesa kong ini-isod niya.

"Bakit ka naman maaga nagising?" tanong niya ulit.

"Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi." sagot ko.

"Bakit ka naman hindi–"

"Dami mo namang tanong." naiinis kong sagot.

Nang tingnan ko siya ay nakahawak siya sa dibdib niya at nakanganga na para bang sobra siyang nasasaktan. Tiningnan ko siya nagtatanong bakit bigla tong naggaganito mukha siyang tanga.

"Ang sungit mo!!" aniya.

"Alam mo umagang umaga nambu bwisit ka pumunta ka na don sa table mo at magtrabaho ka na." sabi ko sa kaniya.

"Ang sungit, may mens yata to." bulong niya pero narinig ko.

"Anong mens mens ka diyan hoy lalaki ako baka gusto mo magkamens ilong mo ngayon." ipinakita ko pa sa kaniya yung kamao ko at natatawa naman siyang nagmake face sa akin, para bata eh.

Natahimik naman kami ng magsimula na siyang magtrabaho, seryoso naman to pagdating sa trabaho minsan lang talagang siraulo. Tumayo ako para pumuntang cr kase iihi ako.

"Saan ka pupunta?" napatigil ako sa tanong niya.

"Magc cr lang baket?" balik tanong ko sa kaniya at umiling naman siya.

Wala naman pala nagtatanong pa siya ano? Lumabas ako ng office para pumunta ng cr, ayoko magcr sa loob mukhang mamahalin talaga kase gamit don nakakahiya naman kung masira ko pa minsan talaga kase clumsy ako.

Pagkapasok ko sa cr ay umihi agad ako at pagkatapos ay naghugas ako ng kamay sa lababo, kahit dito sa cr na to mukha paring mamahalin yung gamit, kuhanin ko kaya tong gripo mahal panigurado kapag binenta to.

"H'wag mo tangkain na nakawin at ibenta yan madami cctv sa labas." agad akong napatingin kay Draken ng magsalita ito.

Hindi ko manlang narinig na pumasok to sa loob, "Nagulat ako don." sabi ko kase nga bigla siyang nagsalita, "Saka hindi ko nanakawin yan ano ako gipit na gipit?" natawa siya sa sinabi ko bago pumunta dun sa mga nakalagay sa dingding nakalimutan ko tawag dun pero dun naihi yung mga lalaki.

"Papunta ako kay Seb sabay na ako sayo." aniya habang naihi.

"Sige hintayin na kita sa labas." paalam ko, pagkatapos kong kumuha ng tissue sa tabi ng gripo para punasan ang kamay ko.

Pagkaharap ko ay saktong pagpunta sa harapan ko si Draken napatigil ako kase ang lapit niya.

"Hintayin mo na ako dito." aniya at naglakad palapit sa akin.

Napa-atras ako sa may lababo at dahil nasa harapan ko siya, lumapit parin siya ng lumapit hindi pinapansin ang pagkakadikit ng katawan namin. Sobrang magkadikit na ng katawan namin at magkaharap pa kami wala nang space sa pagitan namin.

Narinig ko ang pagbukas ng gripo. Napalingon ako don at naghuhugas siya ng kamay habang nasa gitna ako ng parehas niyang kamay kung titingnan ay parang nakayakap siya sa akin, kita naman niya yung kamay niya kase matangkad din to.

Pigil na pigil ko ang hininga ko habang naghuhugas siya ng kamay at nakahinga ng maluwag lang ng humiwalay na siya dahil tapos na maghugas ng kamay.

"Tara na." nakangiti niyang aya at tumango naman ako tapos sumunod sa kaniya.

Napalunok ako dahil naalala ko yung bukol sa harapan niya na nakadikit sa ano ko! Napapikit ako dahil sa isipin na iyon at hindi ko alam na nasa harapan na pala kami ng elevator at ayun nauntog ako.

"Aray ko! Nang aano ka ha? Hindi kita inaano ano? Lalaban ka na?" panghahamon ko sa pintuan ng elevator.

Nahimas ko yung noo ko dahil masakit yung pagkakauntog ko dito sa nakaharang na pintuan ng elevator.

"Ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Draken na natatawa, "Bakit ka kase nakapikit nauntog ka tuloy inaway mo pa yung pintuan." humarap sa akin si Draken para tingnan yung noo ko.

Napatitig ako sa mukha niya dahil sobrang lapit nito sa akin habang tinitingnan yung noo kong siguradong namumula dahil malakas kase yung pagkakauntog ko.

"Anong ginagawa niyo?"

Napatingin kami sa loob ng elevator ng magsalita ang kung sino, si Seb pala. Hindi namin alam na nakabukas na pala yung elevator at nakasakay siya doon.

Walang kahit na anong emosyon ang nasa mukha ni Seb habang tinitingnan kaming dalawa ni Draken.

______<9>______

Sorry guys medyo busy ako kase sa module kaya nala-late update hehe start na ng mga scene na extraordinary HAHAHA charrot basta umpisahan na natin pahirapan si Skyy

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Where stories live. Discover now