-23-

1.4K 42 0
                                    

Skyy

"Ahh!"

Napadaing agad ako ng tangkain kong tumayo galing sa pagkakahiga. Ramdam ko parin ang sakit sa puwetan ko. Hindi ko naman akalain na may pa after shock pa yung lindol kagabi.

Mas masakit pa to kesa sa pagpapatuli! Kung tatanungin niyo si Sebastian heto sa tabi ko tinatawanan ako ng baliw na to.

"H'wag kang tumawa tawa diyan kagagawan mo to sapakin kita eh." sinamaan ko siya ng tingin.

"Haha sorry na." aniya at niyakap ako mula sa tagiliran.

"Sorry mo mukha masakit kaya! Paano ako pupunta sa kusina?" naiinis talaga ako sa lalaking to.

"Wait a minute." aniya at umalis ng kama.

Napalaki ang mata ko ng wala pala siyang suot kahit isa. Nakita ko na naman ang nagwasak ng kuweba ko kagabi at naging dahilan ng paglindol kagabi.

Nagpasok siya sa walk-in closet at paglabas ay nakaboxer na lang siya. Lumapit siya sa akin at bigla niya akong binuhat pa-bridal style.


"H-hoy! Ibaba mo ako!" namumula kong sabi sa kaniya.

"Sabi mo di ka makakalakad, so aalagaan kita habang ganiyan ka, it's my fault anyway." kibit balikat niyang sabi.

"Pero mabigat ako." sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon, kapag kase humarap ako sa kaniya sobrang lapit ng mukha namin, hindi na nga mapakali puso ko ngayong buhat niya ako.

"I don't mind." aniya.

Hindi pa talaga kami nakakaalis kase nag uusap kami habang buhat buhat niya ako at kinakausap.

"Uhm sige ikaw bahala." nakatungong sabi ko kase pinapakalma ko yung puso ko.

"Tingin ka nga sakin."

"Ha? Bakit?" mabilisang sulyap lang ang ginawa ko.

"Just do it." aniya at tumingin naman ako. Ewan ko ba sa sarili ko bakit napapasunod ako nito ng hindi labag sa loob.

Pagtingin ko sa kaniya ay agad niya akong binigyan ng halik sa labi na ikinagulat ko. Smack lang naman yun pero kung makareact yung puso ko parang baliw na kinikilig.

"Hala ka." nasabi ko na lang.



Ilang oras ang lumipas at inalagaan nga ako ni Sebastian. Lalong lumalambot ang puso ko sa lalaking to dahil sa mga ginawa niya kanina.

Ngayon nakakalakad naman na ako ng maayos may konting hapdi na lang. Kung tatanungin niyo kung gusto ko pa? Syempre hindi—hindi ako tatanggi nasarapan din nmn ako sabi nga niya sa una lang yan.

"Krazy Skyy nag isip pa ng round two." natatawa kong sabi sa isip ko.


"Anong round two?" biglang tanong ni Sebastian na nasa tabi ko at may ginagawa sa laptop niya.


"Ha? Wala wala iniisip ko lang yung laro na nilaro ko kagabi." pagsisinungaling ko.

"Akala ko gusto mo ng round two nung gabi, It's my pleasure to do that again." aniya sabay kindat.


"Yak kapal mo!" sabi ko at natawa naman siya.


Napatingin ako sa orasan at nakita kong alas dos na pala ng hapon kaya pala inaantok ako. Isinandal ko yung ulo ko sa sofa na kinauupuan namin ni Sebastian at pumikit.

"Tutulog ka?" rinig kong tanong niya at ramdam ko din ang titig niya.

"Hmm." sagot ko habang nakapikit.


Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Where stories live. Discover now