SC: Alexandrei Dash

954 22 3
                                    

Sebastian

We're married for about 7 years? And yes we have a son Alexandrei Dash, kumuha kami ng magiging surrogate mother ni Alexandrei at saka itinurok ang aming semen, the doctors do something para lang maging succesful ito at makabuo ng bata at maging kami ang magulang nito.

Pinakasalan ko si Skyy in new york dahil hindi parin naman pwede rito ang same-sex marriage sa pilipinas.

Nagmamaneho na ako ngayon para sunduin sa private school ang anak ko, nawala na ang pagka-badtrip ko ng makita kong naghihintay na sa akin ang anak ko. He always have that grumpy face, nagmana sa akin laging masungit.

Nakita kong may kumakausap sa kaniyang batang lalaki, and my son doesn't give a damn on what that boy saying to him.

Hindi muna ako lumapit sa kaniya dahil pinagmasdan ko muna silang dalawa, nakita kong nababagot na si Alexandrei dahil sa kaingayan nung bata kaya lumapit na ako.

"Dad! Finally!" ani Xandrei (his nickname) at lumapit sa akin.

Napatingin naman sa akin ang batang lalaki na kanina'y nakikipag-usap sa kaniya, nakakunot ang noo ko siyang tiningnan at nakita kong ngumiti siya, napansin ko ring ibang uniform ang suot niya, uniform from public school.

"Hi po! Kamukha niyo po siya!" natutuwang sabi nung bata.

"Of course! I'm his son! What do you expect?" pagsusungit ni Xandrei kaya tinignan ko siya.

"Xandrei, son, don't be so mean to him." saway ko sa anak ko.

"Xandrei pala name mo, ang ganda!" sabat nung bata at mukhang tuwang tuwa pa.

"It's just my nickname, idiot, Alexandrei is my real name." ani Xandrei at kinunutan ko ng noo si Xandrei na napanguso lang.

"Idyot?" takang tanong nung bata.

"It's a bad word, kiddo don't use that to anyone okay? What's your name?" tanong ko sa kaniya at mukhang hindi niya naintindihan, "I mean, masama iyong salitang iyon kaya wag mong gagamitin iyon ha?" saad ko at napangiti naman ang bata.

"Opo! Bad ka pala Xandrei!" anito sa anak ko na ikinalaki ng mata ni Xandrei.

"Hey, I'm not!" ani Xandrei at saka humarap sa akin, "let's go already, Dad! He's being annoying again!" reklamo ni Xandrei na ikinatawa ko.

"Okay okay but let me ask your friend's name." aniko.

"He's not my friend." anito pero hindi ko pinansin.

"Anong pangalan mo, kiddo?" tanong ko sa bata na nakangiti sa akin.

"Stephen Axel Cedeño po." sagot nito na ikinangiti ko.

"Nice name, magkatunog pa ang Axel at Alex niyo." aniko at tumango naman ang bata.

"Let's go, Dad!" aya ulit ni Xandrei kaya tumango ako.

"Una na kami, Axel boy, take care." aniko sa bata at tumango naman ito bago kumaway sa amin at nag-paalam.

Pagkasakay namin sa kotse ay tinginan ko lang sa back seat ang anak ko at nakita kong nakasimangot na naman siya, napailing na lang ako dahil namana niya talaga sa akin iyon.

Skyy will blame me again for that.

"Hey, baby guess what Xandrei already has a friend." saad ko pagkapasok namin ng penthouse at naabutan namin si Skyy na naghahanda ng pagkain.

"He's not my friend!" sigaw naman ni Xandrei kaya napatigil si Skyy at tumingin kay Xandrei.

"Did I tell you not to shout at Daddy? Or to anyone who's older than you?" pananaway ni Skyy kaya napangisi ako sa anak namin na nakasimangot na naman na pumunta sa dining area.

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Where stories live. Discover now