-52-

956 24 1
                                    

Skyy

Napakunot ang noo ko ng magising ako at maramdaman ang sakit ng ulo ko, ano bang nangyari at masakit ang ulo ko?

Dahan dahan akong nagmulat ng mata at naglibot ng tingin, everything is white—wait! Nasa heaven na ba ako!? Owemjii?

"Skyy! You're awake! Thank God."

Napabaling ako kay Seb ng magsalita ito, ahh so nasa hospital pala ako. Lumapit ito sa akin at nakita ko ang paga-alala niya pero nakakunot ang noo ko parin siyang tinitigan.

"Skyy? D-do you hear me? Wait, can you recognize me? Nakikilala mo pa ba ako?" Tanong niya at kita ang takot sa mata niya.

Napangisi ako sa loob loob ko at sinakyan ang kapraningan ni Seb. Tinitigan ko lng siya na parang ngayon ko lng siya nakilala.

"Skyy—" natigil ang sasabihin niya ng bumukas ang pinto at pumasok doon sila Draken, Clyde, Kyraus and Yuki including my family.

"You're awake! Thank God!" Si Mommy ang unang sumabat.

Lumapit sila sa kabilang bahagi ng kama at nakangiting pinagmasdan ako, nakita ko rin si Sunny na nakatingin lng sakin, hindi ko alam ang trip ng batang to.

"Bakit hindi siya nagsasalita, Kirby?" Tanong naman ni Kyraus kaya napatingin kaming lahat kay Seb na mukhang hindi matae, gusto ko na tumawa!

"I-i keep on talking to him but I guess he can't recognize me." Bagsak ang balikat na saad niya.

Napatingin sila saking lahat maliban kay Seb na nage-emote. Ngumiti ako at kumindat kaya nagets din nmn nila, thank you na lang Lord kasi hindi sila slow.

"Ipinatawag mo na ba si Doc?" Tanong naman ni Draken.

Umiling si Seb, "Baka mas lalo lang akong masaktan." Sagot ni Seb kaya napakagat labi ako sa pagpipigil ng tawa.

"Kawawa ka naman pala, Kirby, iyak ka na." Tumatawang sabi ni Kyraus na ngayon ko lng nakitang may kinakain na ang lagayan ay may tatak na paw patrol.

Sinamaan ng tingin ni Seb si Kyraus, "Shut up, Ky!" Anito saka bumuntong hininga saka tumingin sakin, "I'll just buy something, baka nagugutom ka na." Nakangiti niyang sabi kaya napangiti ako kaya napatigil siya.

"Okay." Sagot ko.

"D-did you just... Smile on me?" Tanong niya na akala mo'y nanalo pa sa lotto.

"Halika na nga rito!" Aniko at hinila siya para sa isang halik, naramdaman ko ang pagkagulat niya at maya maya ay tumugon na siya sa halik ko.

"Ehem! May tao rito ehem!" Pagpaparinig ni Clyde kaya napalayo ako kay Seb, nandito pa nga pala si Sunny, well hindi nmn na siya ganoon kabata, teen ager naman na siya.

"Panira ka couz!" Anas ni Seb na ikinatawa ko.

"Kung nakita mo lng itsura mo kanina, nako matatawa ka." Natatawa kong saad pero sinamaan niya lang ako ng tingin saka umayos ng tayo at nag-crossed armed sa harap ng dibdib.

"Che!" Anito at umirap pa sa akin kaya mas lalo kaming natawa kasi hindi naman naging mataray ang dating, mas lalo lang siyang gumwapo sa paningin ko.

"Lah nagtampo na akala ko ba bibili ka ng pagkain ko? Jollibee sana hehe." Aniko at ngumiti sa kaniya ng malaki.

"Anong jollibee? Bawal yon! You should eat something healthy!" Aniya kaya napataas ang kilay ko.

"Truu!" Sabat naman ni Kyraus na ngumunguya parin.

"Wow, coming from the both of you?" Tanong ko at humagikhik lang si Kyraus pero natigil ng batukan siya ni Yuki.

"But, are you sure you're okay now? Paglabas ko tatawagin ko na rin yung doctor." Saad ni Seb kaya napatingin ulit ako sa kaniya.

I nod, "Yes, don't worry." Sagot ko saka ngumiti.

"Then, i'll go na." Aniya at hinalikan ako sa noo.

"Hmm, ingat." Aniko at nginitian siya bago siya umalis, sumunod naman sila Draken para masolo ako ng family ko.

"Ohh, Skyy kumusta na pakiramdam mo?" Tanong ni Mommy at hinawakan pa ang kamay ko.

"Yes, mom." Nakangiti kong saad.

"I can see that you and Kirby still love each other, hindi pa nga kayo nagbabalikan naghalikan na." Saad ni Daddy kaya natawa ako.

"Oo nga no?" Pagbibiro ko kaya natawa si Mommy.

"Lumipas man ang mga taon tingnan mo at kayo parin pala, nung nalaman ko ang nangyari sa inyo noon ni Seb nako nanghinayang ako kasi bagay pa naman kayo." Saad ni mommy kaya napangiti ako.

"Hindi naman nawala yung nararamdaman ko sa kaniya, mommy, I still love him." Aniko at napangiti si mommy.

"I know and I can see that Kirby is still inlove with you." Ani Mommy kaya napangiti ako.

"Just be happy, Skyy, that's all we want." Sabat naman ni Daddy kaya napangiti ako.

"Thank you, mom, dad." Nakangiti kong sabi at niyakap naman ako ni Mommy at ginulo lang ni Dad ang buhok ko.

"Okay na ba?" Napatingin kami kay Sunny ng magsalita ito at nakasimangot.

"Anong okay na ba?" Tanong ko.

"Tapos na kayo magdrama?" Tanong ni Sunny kaya natawa ako.

"Aysusss! Halika na nga rito." Aniko at hinila si Sunny para yakapin.

"You scare me, kuya." Rinig ko ang lungkot sa boses ni Sunny kaya napangiti ako.

"I'm sorry po, i'm okay naman na." Nakangiti kong saad at tinapik tapik ang balikat ni Sunny.

"Good! Just be okay, nasa mental naman na si Zeed, okay ng hindi hindi nakulong yun nabugbog naman siya ni kuya Kirby!" Tuwang tuwang sabi ni Sunny kaya napakunot ang noo ko.

"Ano kamo?" Tanong ko.

"Huh? Yung nasa mental na siya?" Tanong ni Sunny pero umiling ako.

"Yung huli."

"Ahh yung binugbog siya ni kuya Kirby? HAHAHA galing nga eh! Tapos nakatulog siya sa isang suntok ni kuya Kirby!" Tuwang tuwa na sabi ni Sunny na saktong pumasok sila Seb.

"Bumili na lang ako ng pagkain natin sa restaurant, I bought your favorites—why are you looking at me like that, Skyy?" Kukurap kurap na tanong niya.

"Bakit mo binugbog si Zeed? Alam mong may problema naman sa pag-iisip yun, at hindi niya alam ang ginagawa niya." Seryoso kong saad at dahan dahan namang lumapit sakin si Seb at naupo sa kama paharap sakin.

"I'm sorry, i'm just mad at that time." Aniya at habang nakatungo at hawak hawak ang kamay ko.

"Hays, it's okay, just don't do it again." Aniko.

Ngumiti si Seb, "Hindi naman na mangyayari yon kasi hindi ko na siya hahayaang makalapit sayo." Saad niya kaya napangiti ako.

"Good! Oh tara na kain na tayo." Pag aya ko at nakangiti naman siyang tumango.

Nakangiti lang akong pinagmasdan sila na abalang naghahanda ng pagkain sa malaking lamesa na nandito sa kwarto ng hospital, sigurado akong private ito.

Ang saya nilang tingnan, sana ganitonna lang palagi, luh ayoko magdrama nagmumukha akong magpapaalam na, ano? Papatayin mo ako? Ha? Wag ganon!

______<52>______

Merry Christmas guys! Hope you enjoy the christmas, be happy and take care always! I love you all!

Sorry for the late update tambak na tambak ng acts eh huhu

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Where stories live. Discover now