-15-

1.5K 44 4
                                    

Sebastian

"Kill whoever that bastard!!" walang kaemo emosyon kong sigaw sa mga tauhan ko na nakapaligid sa amin.

Kung sino man ang gumawa nito sisiguraduhin kong magbabayad siya. Buhat buhat ko si Skyy na walang malay at ipinasok sa kotse ko.

"Dalhin niyo siya sa penthouse ko, magpatawag na kayo ng doctor para asikasuhin siya." ma-awtoridad kong utos sa mga tauhan ko.

Tumango sila at ang isa sa mga tauhan ko ang nagdrive ng kotse ko papuntang penthouse na pagmamay-ari ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isa sa mga tauhan ko.

"Anong balita? Nahanap niyo na?" tanong ko sa walang emosyon na boses.

"Nahuli na siya boss, ano pong gagawin namin?" tanong nito sa akin.

"Dalhin niyo siya sa room." aniko at agad naman na sumunod ang tauhan ko.

Code na namin ang salitang room, alam na nila yun. Dun ko pinapadala ang kung sinong nahuhuli naming kaaway o mga tuma-traydor sa akin. Dun pinapatay o pinapahirapan sila.

Tumigil ang isa kong kotseng itim at agad akong pumasok doon. Seryoso at walang kaemo emosyon ang mukha ko habang nasa byahe ako papunta kung saan nakalocate ang teritoryo ko.

Pagbabayarin ko ang taong iyon dahil sa ginawa niya.

Nang makadating ako sa Black Anaconda, iyan ang tawag sa teritoryo ko at walang sino ang basta basta nakakapasok dito. Nakalocate ito sa gitna ng gubat at nasa ilalim ng lupa.

Pinindot ko ang secret button na nasa katawan ng isang puno. Unti unting umiisod ang lupa sa tabi ng puno kung saan nandoon ang secret button. Lumitaw ang hagdan pababa at agad akong bumaba doon.

Madilim sa daan papuntang torture room at kakaunti lang ang liwanag na nanggagaling sa kulay pulang ilaw, overall dim light ang dating nito.

Nang makapasok ako sa torture room ay agad kong nakita ang isang lalaking nakatali sa upuan sa gitna, iisang ilaw lang ang nasa kwartong ito at nasa pinakamg centro lang ito ng kwarto.

Agad akong lumapit sa kaniya at pasabunot ko siyang pinaangat ang tingin sa akin dahilan ng pagsaing niya. May mga pasa at sugat na siya marahil ay nanlaban siya sa mga tauhan ko.

"Sino ka? Sino nag-utos sayo?" malamig kong tanong sa kaniya, nginisihan niya lang ako pero agad na napadaing ng hinigpitan ko ang pagkakahawak sa buhok niya.

"Wala kang malalaman sa akin, sayang nga at hindi napuruhan iyo–"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil sa lakas ng sampiga ko sa kaniya, mabigat ang kamay ko at siguradong magpapasa iyon kapag maputi ang sinampal ko.

"Sinasabi ko sayo, h'wag niyong gagalawin ang lalaking iyon!" isa pang malutong na sampiga ang natanggap niya sa akin na nagsanhi ng pagdugo ng labi niya.

"Bakit?" nakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Anong bakit?"

"Too scared too lose him? Why? Are you inlove with that fuckin' poor bo–" He stopped when he received a punch from me.

This time, hindi na sampal ang inabot niya kundi suntok na dahil hindi ko gusto ang tabas ng dila niya. Nagiigting ang panga ko na hinawak siya sa buhok niya at marahas na pinatingin sa akin.

"Don't you dare insulting him." seryosong seryoso kong sabi sa kaniya na ikinatawa niya lang ng bahagya, matigas tong hayop na to.

"Ohh the Mafia boss na kinatatakutan ng lahat sa underworld, the boss of Black Anaconda is gay?" nang aasar niyang sabi habang may ngisi sa labi.

Dahil sa inis ko ay kinuwelyuhan ko siya at sunod sunod na pinatamad ang kanang kamao ko sa mukha niya habang nakahawak sa kwelyo niya ang kaliwa kong kamay para hindi siya matumba.

"You didn't know what I can do if someone made me upset, did you?" ako naman ang ngumisi sa kaniya.

"Ah talaga ba–" bahagyang nanlaki ang mata niya ng itinutok ko sa kaniya ang pinaka-gusto kong baril.

"Ang suwerte mo dahil purong ginto ang balang tatama sa ulo mo but sadly mamamatay ka naman." parang naawa kong sabi sa kaniya, mabilis na rumehistro ang kaba at takot sa mukhaniya.

"H-h'wag mo akong p-patayin! P-please may pamilya ako, may anak akong naghihintay sa akin!" naiyak na niyang sabi na naging dahilan ng pagtawa ko na mala demonyo.

"Hindi mo naisip ang anak mo bago mo gawin ang mga inuutos ng mga walang kwenta mong boss? Nakakatawa ka." walang emosyon kong sabi.

"Please sasabihin ko lahat ng mga plano nila, h'wag mo lang akong papatayin!" lumapit pa siya sa akin habang nakaluhod pero umatras ako.

"Sorry not sorry but I have no mercy."

Isang putok ng baril ang narinig sa buong kwarto at nagmula iyon sa baril na hawak ko. Wala nang buhay ang lalaking nasa harap ko at may butas ang noo nito kung saan tumama ang bala ng baril ko.

Pina-research ko na kanina ang background nang lalaking to habang nasa byahe ako papunta dito. Isa lang siyang ulila na kinuha lang ng isa sa mga kaaway ko dito,wala din siyang anak at asawa. Akala niya mauuto niya ako sa mga paawa niyang mga linya.

"Clean this trash."

Skyy

Nagising ako sa isang kwartong napaka ganda, amoy na amoy ang panglalaking pabango at kilala ko na kung kaninong pabango iyon, sa boss ko.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala ang nangyari kanina. Agad kong tiningnan ang braso kung saan ako natamaan ng bala ay unti unting kumalma ang puso ko ng makitang may gasa na iyon at walang bakas na kahit konting dugo.

Umalis ako ng kama na kinahihigaan ko at nag ikot ikot ng tingin sa kabuuan ng kwarto at masasabi kng ang aesthetic ng dating ng kwarto ni Sebastian. Black and white lang ng theme neto at para sa akin na paborito ang color black kahit na hindi halata ay para akong nasa cloud nine habang pinagmamasdan ng kwartong to.

Sobrang laki din nito na kasing laki yata ng apartment na tinutuluyan namin ni Clyde. Naglakad lakad ako sa loob ng kwarto nito at nang mapadaan ko sa whole body mirror ay napatigil ako dahil napansin kong iba na ang suot ko.

Malaking black t-shirt ang suot ko na hanggang hita ko na may tatak ng– ha? ENHYPEN? Yung bagong kpop group ngayon? H'wag mong sabihin na adik yung boss ko sa kpop group na yun? Ang cute lang. May suot din akong boxer na syempre kulay itim din iyon.

Pumunta ako sa isang pintuan na akala ko ay pintuan palabas pero pagbukas ko ay napanganga ako dahil sa ayos ng kwartong nasa loob ng isa pang kwarto. All of the things that will appear in my sight is all about ENHYPEN!! Posters, lamp, bed sheet, pillows, carpet lahat nang iyon may tatak ng ENHYPEN! Maging kisame nitong kwartong to may picture ng pitong member ng Enhypen!

"What are you doing here!?" napabaling ako sa sumigaw.

Masama ang tingin ni Sebastian sa akin habang hawak parin niya ang doorknob ng pintuan ng kwartong ito. Doon ko napansin na nakaboxer short lang siya na black and white.

"Get out!"

______<15______

Adik din po kase ako sa ENHYPEN you know naman! HAHAHHAA sinali ko na diyan para naman cuteyung personality ni Sebastian hindi yung puro siya pagsusungit diba!

BTW, stream niyo yung Dilemma ng ENHYPEN once na ini-release na siya guys! Thank youuu!

Lagay ko na din dito yung portrayer ng character dito.






Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Where stories live. Discover now