-40-

922 22 0
                                    

Skyy

Dahan dahan ang pagmulat ng mata ko ng magising ako, ang komportable ng hinihigaan ko to the point na parang ayaw ko ng umalis, this feels so surreal.

Pupungay pungay pa ako ng mata ng umupo ako mula sa pagkakahiga ng tumunog ang pinto ng kwarto tanda na bumukas ito at pumasok ang taong hindi ko inaasaham na makikita ko.

"What the fuck!? What are you doing here!?" sigaw ko na ikinagulat niya saka tumingin sa akin pero agad na lumambot ang expression niya ng mapatitig sakin.

"How are you feeling?" tanong niya at naglakad palapit sa akin kaya napasandal ako sa headboard ng kama ko–teka hindi ko 'to kama! Black and white ang comforter kaya nagtaka ako.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at napansing hindi ko ito kwarto, kung ganoon nasaan ako? Don't tell me–

"You're in my penthouse, in my room to be exact, so how's your feeling now?" tanong niya at naupo sa kabilang dulo ng kama at humarap sa akin.

Hindi ko pinansin ang tinanong niya, "Bakit ako narito?" walang emosyon kong tanong.

"Nakalimutan mo ba?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ang alin?" parang kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"What we did earlier?" tanong niya na nakapagpalaki sa mata ko!

"W-we did what? We did what!?" pasigaw kong tanong at sinilip ang katawan ko sa ilalim ng comforter at nakitang naka-long sleeve polo na lang ako at boxer, "Oh my God! What did you do to me!? Answer me Sebastian!" sigaw ko at matalim ang tingin na iginawad sa kaniya.

Ang galit na nararamdaman ko ay nawala ng bigla siyang tumawa, napakunot ang noo ko habang pinapanood siyang tumatawa. And I just realize, it's been a long time since I saw his laughters.

"You're funny! I didn't do anything, I just remove your coat and slacks, para naman maging komportable ka sa pag-tulog mo." aniya at tumigil na sa pag-tawa.

Napasimangot ako at umiwas ng tingin dahil nakatitig na siya sa akin, napansin ko naman ang bandage na nasa braso ko at doon ko lang naalala ang nangyari. Hindi ko talaga alam ang buong nangyari kasi wala akong ibang naririnig noon, hindi klaro sa isip ko yung mga nagaganap sa paligid ko.

"Where's Zeed?" tanong ko ng maalala si Zeed, hindi ko siya nakilala kanina tiyak na naguguluhan iyon, hindi ko rin naman kasi nasabi sa kaniya na may phobia ako sa dugo, pero akala ko talaga nawala na yung phobia kong iyon di ko alam bakit bumalik pa.

"Your useless boyfriend? Tss! Wala na nga siyang ambag siya pa hinahanap mo." anito at masama ang tingin na ipinukol niya sa akin.

"He's not useless." magtatanggol ko kay Zeed dahil hindi ko naman alam ang sinasabi nitong si Sebastian.

"He's not? But why didn't he know that you has a fear of blood?" nakataas ang isang kilay niyang tanong.

Umismid ako, "That's because I didn't bother saying it to him because I went to my personal doctor since I get back in my family to treat my traumas." sagot ko sa kaniya at inirapan naman niya ako, attitude talaga minsan tong bwisit na 'to.

"Still a useless." giit niya kaya napaikot na lang ako ng mata sa ere.

"I need to go home, I still have some works to do." saad ko at umalis ng kama para kuhanin ang slacks ko na nakita ko sa may bangko sa side table na nakasampay, nandon din naman yung coat ko.

"Hatid na kita." aniya pero umiling ako habang nagsusuot ng slacks.

"No need, kaya ko naman mag-isa." saad ko at saka kinuha ang coat matapos masuot ang slacks, I really look like some people who just finished a one night stand.

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Where stories live. Discover now