-29-

1K 28 0
                                    

Skyy

"Sino tong kayakap mo?" iyan ang bungad sa akin ni Sebastian pagkapasok ko ng penthouse niya.

Nakunot ang noo ko, "Anong kayakap?" nagtatakang tanong ko.

"Eto." aniya at inilapag ang picture na naglalaman ng paghigit sakin nung Sean na yun sa mall.

"Hind kami magkayakap." sagot ko pero tiningnan lang niya ako ng walang emosyon.

"Eh ano tawag mo diyan? Shake hands!? Sino tong lalaking to!?" natigilan ako ng tumaas ang boses niya.

"Teka nga paano ka nagkaron ng ganito?" patukoy ko sa mga pictures.

"I have connections, Skyy wag mong ibahin ang usapan, sino ang lalaking to!?" tanong parin niya.

"Hindi ko kilala, okay!? At isa pa, may pinadala ka na ngang body guard ko tapos may iba pa palang nakabantay sakin!? Ano ako? Bilanggo!?" naiinis kong sigaw sa kaniya.

Natigilan siya at parang natauhan sa mga sinasabi niya, "I-i'm sorry babe... Anyway kumain ka na ba?" tanong niya.

Bigla akong natigil sa pagbabago ng emosyon niya. Bigla biglang naging maamo ang boses niya na parang walang nangyari.

"Busog ako." sagot ko at inilapag ang mga dala ko.

"Paano ka nabusog?" tanong niya.

"Wala akong gana." sagot ko at papasok na sana ng kwarto ng pigilan niya ako.

"Kumain ka muna." aniya pero umiling ako.

"Ayoko nga, hindi ako guto-"

"Ano ba! Sabing kumain ka muna diba!?" natigil ako sa biglaang pag sigaw niya.

"Seb-"

"Ipagluluto kita, wait here babe." aniya at biglaang umalis para pumunta ng kusina.

Tiningnan ko ang pintuan ng kusina kung saan siya pumasok. Nagtataka sa inasal ngayon ni Sebastian, nung nakaraang araw naman ay hindi siya ganito.

Oo pabago bago siya ng mood pero hindi katulad nito, naninigaw na siya ngayon.

Pumasok ako ng kwarto at tulala parin ng umupo sa kama.

Pagkatapos akong ipagluto ni Sebastian ay tahimik akong pinakain niya at maya maya ay may tumawag sa kaniya kaya kinailangan niyang umalis.

Pagkatapos kong kumain ay naupo lang ako sa salas, ipinapahinga ang sarili.

"Sir?" napatingin ako sa isa sa mga tauhan ni Sebastian ng lumapit siya sa akin.

"Ano yun?" tanong ko at naupo ng maayos.

"Narinig ko po kase kanina na sinigawan po kayo ni Boss, baka po siguro naubos na yung gamot niya kaya po naging ganon po siya kanina." aniya kaya napaisip ako.

"Yung vitamins ba?" tanong ko pero nakunot noo siya.

"Anong vitamin po?" tanong niya kaya napakunot ang noo ko naman.

"Yung lagi niyang iniinom." patukoy ko at umiling naman siya.

"Hindi po yung vitamin, Clomipramine po yun." aniya kaya lalong nakunot ang noo ko.

"Clomipramine? Para saan yun?" tanong ko.

"Hindi niyo po alam? Akala ko sinabi sa inyo yun ni Boss, gamot po yun sa Obsessive Compulsive Disorder." sagot niya na ikinagulat ko.

"May OCD ang boss niyo?" tanong ko at tumango naman siya.

"Sa pagkakaalam ko po may isa pong lalaki ang kinabaliwan ni Boss, nakalimutan ko pangalan ang tagal na kase nun Sir, obsess na obsess po siya nun sa karelasyon ng kapatid niya kaya gumawa siya ng paraan para mapag hiwalay yung dalawa." pagku kwento niya kaya napaawang ang labi ko.

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Where stories live. Discover now