-20-

1.5K 46 4
                                    

Skyy

Sa paglapat pa lang ng labi ni Sebastian agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Magkadikit na magkadikit ang mga labi namin, sobrang lambot ng labi niya.

Nang lumayo na siya ay para akong naestatwa sa kinatatayuan ko dahil hindi parin nagsi-sink in sa utak ko yung nangyari lang. Hindi parin natigil yung bilis ng tibok ng puso ko.

"Uhm..." tangina speechless ako etong first kiss ko at sa lalaki pa.

"Magluluto ka ba?" ramdam mo kay Sebastian ang awkward din ng pakiramdam niya.

"Hindi... Susubukan ko lang sana... Ikaw na nga." hinubad ko yung apron at inabot sa kaniya.

Sa paglapat ng balat namin naramdaman ko na naman ang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. Agad ko na lang na binitawan ang apron at naupo na lang sa may upuan dito sa kusina.

Nagsimula siyang magluto. Ako naman ay naghanap ng kape pero di ko mahanap.

"Seb may kape ka?" tanong ko habang nagkakamot ng ulo.

"Nandiyan sa kabinet sa taas." aniya habang abala parin sa pagluluto.

Binuksan ko ang kabinet at agad ko namang nakita yung kape na nasa jar. Hinahanap ko yung coffee mate pero wala. Binuksan ko yung ref niya na nakalagay sa dingding at may nakitang gatas kaya kinuha ko iyon.

Pagkatempla ko ay naupo na ulit ako sa kinauupuan ko kanina at ininom yun. Nang matapod siya ay kumain na kami, grabe ang sarap magluto ng lalaking to.

Pagkatapos namin ay siya na ang naghugad dahil nakabenda parin itong braso ko. Naupo na lang ako sa sofa at binuksan ang flat screen tv niya na napakalaki.

"Netflix tayo." napatingin ako kay Sebastian nang dumating siya.

"Oh ikaw na hindi ako marunong." sabi ko kase wala namang ganito ganito sa apartment namin.

May pinindot pindot pa si Sebastian bago napunta sa Netflix ang nasa screen ng tv. Romance lang naman yung pinapanood namin kaya mabo boring ako.

"Sebbb! Ilipat natin ang corny corny niyan eh nabu bwisit lang ako sa bida!" reklamo ko na ikinasama niya ng tingin sa akin.

"It's not corny!" pagganti niya.

"Horror na lang! Bilisss!" pinalo palo ko pa siya ng unan na nadito sa sofa.

"Stop it, Skyy!" sigaw niya dahil naaabala siya sa panonood.

"Hindi ako titigil hangga't hindi mo nililipat yan!" sigaw ko at patuloy na pinagpapapalo siya hanggang sa mahulog yung remote sa lapag.

Napatingin kami sa remote at nagkatinginan. Nag-unahan kami sa pagdampot non pero mas malapit siya at mas mahaba ang kamay kaya agad niya iyong nakuha. Tumayo siya at inangat ang kamay na may hawak ng remote.

Lugi ako dito ang tangkad tangkad nito. Tumayo ako at sinusubukang kunin yung remote.

"Aww such a cutie." pang aasar nito.

"Cutie mo mukha mo, akin na yan!" sigaw ko at tumalon pero hindi umabot sa remotr yung kamay ko.


Pagbagsak ko ay na-out of balance ako kaya matutumba ako. Tutulungan sa ano ako ni Sebastian pero siya ay nasama sa pagtumba ko, mabuti na lang at sa sofa ako bumagsak hindi ako nasaktan.

Nagkatinginan kami ni Sebastian dahil nakapatong pala siya sa akin. Napalunok ako dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

Magkatitigan lang kami tapos napatingin siya sa labi ko. Unti unti niyang nilapit ang mukha niya hanggang sa maglapat na muli ang labi namin. Gumalaw ang labi niya pero nakatigil lang ang labi ko.

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant