-12-

1.6K 55 0
                                    

Skyy

Nasa harapan ako ng main building ng kompaniya ni Sebastian at naghihintay ng sasakyan pa-uwi. Late na kase ako natapos ng trabaho tapos si Sebastian naman ay maagang umalis dahil may pupuntahan pa daw siya.

Biglang kumulog sa langit kaya naiinis akong nagpapadyak.

"Bwisit naman uulan pa yata wala akong dalang payong!" inis kong sabi.

Nagmamadali akong pumunta sa bus stop dito sa malapit, bus na lang sasakyan ko pauwi dahil paniguradong wala ng tricycle. Habang papunta pa lang ako ay bigla nang bumuhos ang malakas na ulan.

"Kainis!"

Basang basa na ako ng makadating sa bus stop yung dala kong bag basa na din kase ginamit ko itong pandong sa akin.

Nayakap ko ang sarili ko dahil nalalamigan na ako. Maya maya ay may dumating na na bus kaya dali dali akong sumakay doon at pumwesto sa pinakang hulihan na upuan.

Pagkaupo ko ay may umupo din na lalaki sa katabi ko ng tingnan ko ito ay si Draken pala.

"Oh Draken." sabi ko at napatingin naman siya saken.

"Ikaw pala yan Skyy, basang basa ka na ah wala ka bang payong?" tanong niya kaya umiling naman ako.

"Nakalimutan ko magdala." sagot ko habang yakap ang sarili dahil nakabukas pa ang aircon ng bus.

"Oh suotin mo to nilalamig ka na." kita kong hinuhubad ni Draken yung suot niyang jacket.

"Nako wag na ayos lang."

"Pero nanginginig ka naman diyan." aniya at nanginginig nga yung kamay ko.

Wala na akong nagawa nung ilagay ni Draken yung jacket niya sa balikat ko. Amoy na amoy ang pabango ni Draken na ang sarap amoyin–wait what? Sinabi ko ba yon? Joke joke lang yon ano ba kayo alam niyo naman na joker ako paminsan minsan, forget about it, english na yan ha!

Ilang minuto lang ay tumigil ang bus at tumayo si Draken, parang dito na siya bababa, nasabi rin niya sakin na nasira daw kotse niya kaya nagbus na lang daw siya.

"Dito ka na ba?" tanong ko, "Eto na pala yung jacke–"

"Uh no need kailangan mo yan malamig pa sa labas saka eto oh." inabot niya sakin yung payong na hawak niya.

Taka ko siyang tiningnan, "Eh paano ka? Mababasa ka ng ulan di ko na kailangan niyan basa na din naman ako." tanggi ko, basa na nga ako magpapayong pa ano ako adik?

"Sure ka?" tanong niya at tumango ako.

Nagwave pa siya sa akin bago umalis ang bus na sinasakyan ko, nasa may tapat siya ng bintana kung nasaan ako nakaupo habang nakangiting kumakaway.

Nayakap ko na lang ulit ang sarili ko ng makalayo na ang bus. Nakatingin lang ako sa labas habang naandar ang bus, tumigil na din ang ulan kani kanina kaya makakauwi ako ng hindi na lalong mababasa.

Bumaba agad ako pagkatapat ng bus sa may subdivision kung saan nakalocate yung apartment namin. Nasa balikat ko pa din yung jacket ni Draken dahil nilalamig pa din ako.

"Oh Skyy basang basa ka!" ani Clyde ng makapasok ako ng apartment.

Nasa may lamesa siya sa salas nagla laptop nang mapatingin siya sa akin nung pumasok ako. Naglakad ako papuntang sofa at naupo, ramdam ko din ang pagod.

"Nakalimutan ko magdala ng payong eh." sabi ko.

"Dapat tinext mo ako nang masundo kita nandiyan naman ngayon yung kotse ko." napatingin ako kay Clyde dahil sa sinabi niya.

Mafia Series #1: The Mafia's Obsession [BxB]Where stories live. Discover now