Chapter 9: Best Friends with Daddy Issues

6.5K 223 32
                                    

Chapter 9

Best Friends with Daddy Issues


Fortunately, Yap decided to be a decent human being and ended my misery. He came out of his room already wearing his pambahay clothes. I watched him walked towards his kitchen, so sumunod ako dahil malamang nandoon ang pagkain.

Hindi pa ko kumakain ng breakfast. Baka wala pang alas dose, nakahandusay na ko sa sahig. Ayoko ring yumakap ng toilet bowl bukas!

"Seryoso ka ba dun sa mag-iinuman tayo?" tanong ko kay Yap matapos ukupahin ang dining area niya. "Hindi pa ako kumakain ng agahan, malalasing agad ako at baka atakihin pa ako ng hyperacidity."

"Pwede namang mamaya na lang," sagot nito habang isa-isang kumukuha ng mga gagamitin niyang panluto. "Ano bang gusto mo? Pagluluto na kita."

"Ikaw..." mabilis kong sagot, hindi nag-iisip.

Lumingon ito sa akin, mukhang hindi ako narinig. "Hmm? Ano 'yun?"

Napailing ako. Ano bang pinagsasabi mo, Asher? Nababaliw ka na naman! "Uhh, ikaw na bahala!"

Lumapit ito sa refrigerator at binuksan ito. "Okay, upo ka lang diyan. Samahan mo ko dito."

"Saan pa ba ako pupunta?" pambabara ko sa kanya habang pinapanood siyang kumuha ng mga ingredients sa binuksan nitong ref. Kumuha siya ng sibuyas, bawang, kamatis, apat na itlog, pati na rin mga unopened packages ng hotdog and bacon.

Mulang nagsalita si Yap habang abala pa rin ito sa pagpe-prepare ng mga lulutuin niya. "Tatanungin ko pa ba? O magkukwento ka nang kusa?"

"Huh?" Magkukwento ng kusa? Tungkol saan?

Napatigil siya sa paghihiwa ng sibuyas at muling tumingin sa akin. "I saw your post about the Olympics. Are you okay, Ash?"

Oh. That.

"Hindi ako okay," I answered truthfully, deciding to just be honest about my earlier breakdown. Ngumiti pa ako sa kanya at tinuro ang mukha ko. "Hindi ba halata sa mukha ko na umiyak ako kaninang madaling araw?"

"Halata. Kapal ng make-up mo e," sagot nito nang nakangisi. "Kung gusto mo burahin, pwede ka namang maghilamos. Ako lang naman makakakita, you don't have to hide your feelings to me."

I look that bad? Tapos umalis ako ng apartment na ganito hitsura ko? Shit. I really thought I did great kanina. "Masagwa ba talaga?"

Huminto siya sa ginagawa niya at umiling. "No. Bagay sa'yo, actually. I'm just being an ass as per usual. Hindi lang ako sanay na ayos na ayos ka."

For some reason, what he said gave me relief. Even though he acted like an ass. "Kailangan mo na masanay. Part na 'to ng trabaho ko," I reminded him.

Muli itong ngumisi sa akin. "Kailangan ko na masanay na lagi kang maganda?"

Tinaasan ko siya ng kilay at boses. "Sinasabi mo bang usually pangit ako?"

"Hindi ako nagsabi niyan..." sagot nito habang nakangisi pa rin.

I flipped him off. "Gago ka talaga."

"Pikon mo talaga."

Oo na, pikon na. Pero nakakainis kasi! Akala ko talaga ang pangit ng make-up ko kanina, e pinaghirapan ko 'yun. Kaya nga ang tagal kong nakarating dito dahil ang hirap mag-perfect ng eyeliner na cat-eye!

"Serious question, though. Nag-aaral kasi akong mag-make-up dahil part siya ng trabaho ko at pinag-take na rin ako ng lessons nina Sir Simon. Was I really bad at it?"

When We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon